Prologue

118 12 10
                                    

Is Family is really our home? I doubted that. If my Family is really my home, then why i felt like i’m not safe with them? then why i felt this kind of pain?

Our parents is should be our support system— not the roots and cause of our depressions and anxiety.

They supposed to be our home. Our safe place. But the home where i live in, i don’t feel like a home anymore. Having argument each day is like a storm that has no ending.

Kakauwi ko lang galing school ng narinig ko na naman silang nagtatalo.

“Ano! sasama ka talaga sa lalakeng iyon? ha!” Sigaw na ani ni papa. Naririnig ko sila mula sa sala.

Nasa kuwarto sila at hindi ko alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.

“Ano bang pinagsasabi mo Danilo? Hindi ako sasama sa pinagsasabi mong lalake, at wala akong alam sa pinagsasabi mo!”

Hindi ako kumibo at naglakad palapit sa may pintuan ng kuwarto nila.

“Talaga lang ha? kasi sinabi sa akin ng kumpare ko na may kasama ka raw na ibang lalake. Tinanong pa nga nila ako kung ako raw ba iyon. Ngayon sabihin mo sa akin. Sino ang lalakeng kasama mo kahapon?!”

“Ano bang pinagsasabi mo!? wala nga akong alam diyan sa ibinibintang mo. Kung ayaw mo maniwala edi maghiwalay nalang tayo! Pagod na rin naman ako sayo. Puro ka hinala! nakakasakal kana!”

“Edi maghiwalay! Nasasakal na rin naman ako sa pamilyang ito!”

Ilang sandaling katahimikan bago nagsalita ang aking ina.

“Iiwan ko sa iyo si Lyre.”

“Ano? iiwan mo sa akin iyang bata? bakit hindi mo isama sa‘yo? tutal anak mo naman iyan.”

“Sa‘yo siya. Nag-aaral pa si Polaris kaya sa ayaw at gusto mo, maiiwan siya sa iyo. At isa pa, ikaw ang may gusto riyan hindi ba? noon ko pa sinabi sa iyong ayokong magkaanak! pero bakit mo kasi pinagpipilitan. Kung ayaw mo sa kanya bahala ka kung anong gusto mong gawin. Basta iiwan ko siya sa‘yo!”

Para akong nabingi sa mga naririnig ko. Kung hindi sa pera, sa trabaho, ay tungkol naman sa ibang tao ang pag aawayan nila.

Napailing nalang ako. Bakit ba kasi sila bumuo ng pamilya kung hindi naman nila kayang panindigan?! Bakit ba sila nagkaanak kung hindi naman nila kayang mahalin?! They do even think of me? Kaming mga anak ang naapektuhan sa lahat ng mga maling desisyon ng aming mga magulang.

Ano iyon? kapag na fell out of love na kailangan maghiwalay na agad? Kailangan bang kaming mga anak ang mag suffer? Sana naisip nila iyon bago sila nagpadala sa init ng katawan.

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Mabilis akong napaatras nang biglang bumukas ang pinto.

Iniangat ko ang paningin ko. Nakita ko si mama na namumugto ang mata. Siguro ay dahil sa kakaiyak. Napatingin ako sa hawak niyang maleta. Aalis siya? saan siya pupunta?

I tried to open my mouth but there is no words came out.

Lumuhod ito at hinawakan ako sa may pisngi.

“Aalis muna si Mama, anak ha? babalik din ako kapag hindi na mainit ang ulo ng papa mo.”

Napatingin ako kay papa na tahimik lang na nanunood sa amin. Ibinaling nito sa iba ang paningin.

“B-Bakit po kayo aalis, ma?” I asked.

She sigh heavily. “Isipin mo nalang na, pumunta si mama sa ibang bansa dahil kailangan niyang magtrabaho. Babalik din ako, okay?”

I want to convince myself that is just for work, why she need to leave us. Maybe i’m just a kid but i know what’s going on, on this family.

I stare at her with a blank expression. Hindi na ako nagsalita pa. She kiss my head and turn her back.

“Sa oras na lumabas ka...” Bitin na saad ng aking ama. Kaya sandaling napahinto ang aking ina.

“Wala ka ng babalikang pamilya.”

Muling humarap sa amin ang aking ina. I thought she changed her mind but she’s just smiled at us and nodded.

“Makakaasa ka.” Her last words almost drown me in pain.

Sa pagtalikod ng aking Ina sa amin ng aking ama, ay ang pagtalikod niya rin sa kanyang responsibilidad bilang isang ina.

At talagang ginawa niya nga iyon. Sa paglipas ng taon hanggang sa naging dalaga na ako ay hindi na siya nagpakita’t nagparamdam pa sa amin. She true to her words.

TEENAGE LOVE (Toxic Relationship Series#4)Where stories live. Discover now