Chapter 5

40 10 5
                                    

Papunta kami sa gymnasium para tumulong magdesign. Bukas na kasi ang Velentine’s.

“Si, ikaw muna rito mag cr muna ako.” Ani ng kausap ni Sirius. She’s probably miss SSG Secretary.

Nasa tabi na namin sila ng nag-aayos sila ng mga gagamitin.

Sirius nodded his head. Itinatali nito ang dalawang kawayan na ginawang hugis puso.

Lumapit sa kanya si Hillary.

“Need help?” tanong nito. Nasa likuran niya lang kami.

Napabaling si Sirius sa amin. He laid his eyes to me. He frowned and made his forehead creased ibinalik din niya ang tingin sa ginagawa.

I nibble my lower lip. I feel my knees getting weak.

Wala naman akong kasalanan pero bakit kinakabahan ako? Maybe naguiguilty lang ako sa nasabi sa mensahe ko sa kanya.

“Can you get those drapery?” tanong niya.

“Sure!” si Hillary. Kinuha nito ang kurtinang nasa isang box. Kulay pink ito. Ilalagay ata sa may gilid ng stage.

Tutulungan kona sana sila ng napabaling ito sa akin.

“Mag gupit nalang kayo ng mga hugis puso,” sabi niya at lumapit sa mesang may mga cartolina.

Tumango kami at lumapit sa kinaroroonan niya. His manly scent invading my nostril.

Damn! pogi na nga mabango pa. Lord, kung hindi siya para sa akin, ipilit natin. Hindi ako papayag na hindi siya mapunta sa akin.

Napakagat labi ako dahil sa pinipigilang ngiti. Katabi ko si Sirius at itiunuro sa amin kung paano ang tamang pag gupit ng hugis puso. Umalis din siya at binalikan ang ginagawa.

“O, nandito na pala kayo,” untag ng kung sino.

Napaangat ako ng tingin. Lumapit siya kay Sirius.

Ito iyung babaeng kausap ni Sirius sa evergreen at siya rin iyung babaeng nagbukas ng pintuan noong nagsauli kami ng notebook. She’s probably Sophie.

“Ang weak mo naman Si, hindi mo matapos-tapos iyan?” she mockingly said to Sirius. Siya siguro ang ssg secretary.

Hindi ko alam pero pansin kong close sila, dahil na rin siguro sa parehas sila ng strand.

The man narrowed. “Nah, kakasimula palang natin. If you’re wake up early, edi sana tapos natin ito.”

“Tss, just saying that you’re weak when you are with me. Crush mo ako e.”

Aba’t nandidilim ang paningin ko sa babaeng ito. Inaagawan ba naman ako ng crush! Feeling niya naman na crush siya ni Sirius! lol, ako kaya gusto n‘yan, stay away from my crushiecakes!

“Lyre, hindi na hugis puso iyan. Hugis bato na iyan.” Puna ng classmate ko.

Napatingin ako sa colored paper na hawak ko. Gupit-gupit na ito at iba na ang naging hugis.

Tangina kase ang lande! Sa tabi ko pa talaga! Napakagat ako ng ibabang labi.

Kumuha nalang ako ng isa at sinubukang ifocus ang sarili sa ginagawa.

Dinikitan namin ng yarn ang ginawa naming heart shape. Mula sa malaking hugis puso hanggang sa maliliit.

“Ako na ang taga sabit nito.” Presinta ni Sophie.

Sus, pakitang gilas ka pa!

Ngumiti ito sa akin at kukuhanin na sana pero hindi ko ibinigay.

“Ako na ate, kaya naman na nila mag gupit,” wika ko sabay tingin sa mga kasamahan.

TEENAGE LOVE (Toxic Relationship Series#4)Where stories live. Discover now