Chapter 6

38 10 2
                                    

“Sissy! pasuyo...” Kagat labing ani ni Sieera. Kakarating ko lang at ito ang ibubungad niya.

She’s wearing a purple t-shirt. I’m wearing Gray t-shirt. Itinock in ko ito sa jeans ko same with Sieera. I tie my hair into half.

“Ano?” tanong ko.

“Bakit ka naka Gray?” nakunot noo itong nakatingin sa suot ko.

I shrugged. “Kasi alam kong mababasted ako kaya Gray sinuot ko. Wala naman akong pag-asa sa crush ko, kaya no choice.”

She lifted an eyebrow. “Hindi mo sure, sis.”

“E, ikaw bakit iyan suot mo?” Nakataas kilay na tanong ko.

Humagikgik ito, “para ipakita sa crush ko na naghahanap ako ng lovelife.”

Napangiwi ako sa sinabi niya. “Sino naman magbabalak na patulan ka?”

Inirapan ako nito. Napatingin kami kay Hillary na kakapasok palang at nakasuot ng kulay pula.

“Wow, taray. Inlove si gaga!” bulalas ni Sieera.

She winked at us. Napahagikgik ito.

“Enebe ako lang ito.”

Natawa kami sa hitsura niya. Iba talaga ang nagagawa ng inlove. Nagiging tanga!

Sa huli kay Hillary nagpatulong si Sieera na ibigay ang regalo at cards na ginawa niya para sa crush niya. Ganoon din si Hill.

Nag-open nalang ako ng account ko sa fb at nakita ang nag-friend request. Inopen ko rin Ang message niya.

Sirius:

Sorry, nakatulog ako. I sent you a friend request.

Napangiti ako. Inaccept ko ito. Akala ko ay galit siya sa naging mensahe ko. Hindi siya aktibo kaya nag log out na ako at naisipang hanapin ang mga kaibigan.

Papunta ako sa building ng senior high ng may humarang sa akin. I raise an eyebrow.

“Lyre, right?”

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Narinig ko ang mga kaibigan nito na tinutukso siya.

“I just want to give this for you.”

He handed me a box of chocolate and staff toy. I saw how his ear become red. Nahihiya ito.

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ito. Ayoko namang magpaasa dahil hindi ko naman siya type. I feel anxious!

“Ano kudos, mukhang ayaw tanggapin!” sigaw ng isa sa mga kaibigan niya.

“Shut up!” he hissed. Tinawanan lang siya ng mga ito.

I hate to deign someone. So i accept his gift. Narinig ko ang hiyawan ng mga barkada niya.

“I accept it kasi ayokong mapahiya ka. I’m sorry but you’re not my type.” Mahinang sabi ko. Iyung kami lang ang makakarinig.

He nodded and smiled shyly. I bit my lower lip. Did i too harsh? I just want to be straightforward.

“I’m sorry.” Paghingi ko ng paumahin.

Nagpaalam na ako at hinanap ang mga kaibigan. May mga mangilan-ngilan pang nagbigay sa akin. Halos hindi kona ito mahawakan.

Maybe, they’re just adoring me because of my looks or just because i’m clever? i don’t know but i assume the first one.

Bumalik ako sa room at itinambak ang lahat ng iyon sa upuan ko. Hinayaan kona muna roon. Wala namang kukuha. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nagpadpad ako sa mga booths. Napaupo ako sa isa sa mga benches.

TEENAGE LOVE (Toxic Relationship Series#4)Where stories live. Discover now