Chapter Six

11.1K 214 1
                                    

KINAHAPUNAN ay sinundo nga ni Ethan si Celine. Naabutan niya itong kumakain ng tukneneng. Nang makita siya nito ay inisang-subo nito ang natitirang tukneneng sa plastic cup nito at agad na lumapit sa kanya. Kung titingnan ito ngayon, mukha lang itong simpleng tao at hindi isang mayamang inhinyero.

     Agad na kinuha nito ang mga gamit niya. Hinayaan na lang niya ito dahil inaantok siya at gusto niyang matulog muna kahit sa biyahe lang papunta sa venue ng photo shoot niya.

     "How's your day, sweets?"

     Nagkibit-balikat siya. Nasasanay na siya sa endearment nito sa kanya pero hindi pa din nawawala ang kilig na nararamdaman niya sa tuwing tinatawag siya nito sa endearment na iyon. "Okay lang. Gusto ko sanang matulog muna. Puwede bang makitulog sa kotse mo? Pakihatid na din pala ako sa Wildlife dahil doon ang venue ng photo shoot kung okay lang sa'yo."

     "Sure. Wala naman akong gagawin ngayong araw na 'to kaya okay lang kahit samahan pa kita hanggang mamaya." masiglang sagot nito.

     Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila ng mama niya kanina. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "Oo nga pala, tumawag si mama kanina at gusto niyang doon daw tayo mag-dinner sa bahay nila. Pupunta daw ang mga pinsan ko doon at gusto ka nilang makilala." Pumalatak siya. "Sabi ko sa'yo eh. Kakalat iyon sa buong pamilya namin at hindi ka patatakasin ng mga iyon oras na magustuhan ka nila."

     Inakbayan siya nito at pinisil ang ilong niya. "Okay lang, sweets. Huwag ka nang mag-alala dahil kayang-kaya ko iyan. At sabi ko naman sa'yo, paninindigan ko ang mga naging actions ko 'di ba? Kahit sina Mae, hindi alam ang kalokohan kong 'to kaya wala kang dapat na ikabahala." panga-assure nito sa kanya.

     Tumango na lang siya dahil bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa pag-akbay nito sa kanya.

"SAAN ka nag-aral no'ng college?"

     "Kailan pa kayo nagkakilala ni Ate Celine?"

     "Kailan ka pa niya sinagot? Anong pinakain niya sa'yo para ligawan mo siya?"

     "Maraming magagandang babae diyan tapos si Ate Celine lang ang liligawan mo? Siguradong nabubulag ka lang."

     "Seryoso ka ba sa Ate ko?"

     Sumasakit ang ulo ni Celine sa mga tanong ng mga kapatid at pinsan niya kay Ethan. Alas-diyes na ng gabi at katatapos lang nilang mag-hapunan. Alas-otso na sila nakarating sa bahay ng mama niya dahil late na ding dumating ang mga kliyente niya. Mabuti na lang at nandoon si Ethan para tulungan siya kaya hindi siya masyadong napagod at nangarag. Naging all-around alalay niya ito kaya malaki ang pasasalamat niya dito.

     Nang hindi na siya makatiis ay tumayo siya at namaywang. "Puwede bang isa-isa lang ang tanong? Hindi naman superhero iyang kausap ninyo para putaktihin ninyo ng mga tanong ninyo eh." sita niya sa mga ito.

      Hinawakan ni Ethan ang kamay niya at pinaupo siyang muli sa tabi nito. Hindi katulad niya, mukhang nag-eenjoy pa ito sa panggulo dito ng mga pinsan at kapatid niya. Magiliw din ito sa mama niya at sa step-father niya. Maging si Liam ay nakasundo na nito. Maraming pagkakatulad ang mga ito at marami ring common friends. Pareho kasing Lasallista ang dalawa.

     Maasikaso ito sa kanya sa buong durasyon ng hapunan. Pinilit din siya nitong kumain ng gulay ngunit hindi ito nagtagumpay dahil kahit anong gawin nito, hinding-hindi niya kakainin ang pagkaing mortal enemy niya. Nahalata rin niyang gusto ito ng pamilya niya. Lihim naman siyang natuwa do'n ngunit agad din niyang pinagalitan ang sarili. Masyado na naman niyang inilalapit ang sarili sa binata at muli na namang nabubuksan ang puso niya para dito.

Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete)Where stories live. Discover now