Chapter Nine

12K 215 2
                                    

"ETHAN..."

Nakakunot-noong nilingon ni Ethan ang lalaking tumawag sa kanya. "Yes?"

Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Ron, Celine's friend."

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya pagkarinig sa pangalan ng dalaga. Pero nagtaka siya kung bakit ngayon lang yata niya nakilala ang lalaking ito at bakit siya nakilala nito. Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito. "Pa'no mo ko nakilala? Is Celine with you?" hindi niya alam pero may kung anong kumudlit na inis sa puso niya sa isiping kasama nito si Celine. Hindi siya sanay na nakikita si Celine kasama ang mga lalaking hindi niya kilala. Mabuti pa kung ang mga kaibigan niya ang kasama nito, mas panatag ang loob niya doon.

Tumango ito. "Nando'n siya." itinuro nito ang mesa kung saan naroon ang dalaga. Nagtama ang mga mata nila. Hindi niya magawang ngitian ito dahil sa nararamdaman niya.

Tinanguan na lang niya ito bago muling bumaling sa lalaking Ron ang pangalan. "Anong kailangan mo?" kaswal na tanong niya dito.

"Gusto n'yong maki-share ng table sa'min? Para naman makilala namin ang boyfriend ng kaibigan namin." paanyaya nito sa kanila.

Hinarap niya ang mga kaibigan niya. Nagkibit-balikat lang ang mga ito tanda ng siya ang hinahayaang mag-desisyon ng mga ito. Muli siyang bumaling sa kinaroroonan ng dalaga. Kausap na nito si Marinel. Kumunot ang noo niya dahil kahit na malayo ang distansya nila ay nakikita niyang tila may problema ito.

Muli siyang humarap sa mga kaibigan niya at niyaya ang mga itong pumunta sa dalaga. Pumuwesto siya sa likod nito at hinaplos ang balikat nito. "Are you okay?" agad na tanong niya. Bigla ang pagsalakay ng pag-aalala niya para dito. Okay lang kaya ito? May sakit kaya ito?

Gulat na bumaling ito sa kanya. "Ethan..."

"May problema ka ba?"

Sunod-sunod na umiling ito. "Nagku-kuwentuhan lang kami ni Marinel." sagot nito bago siya nginitian.

Nagdududang tiningnan niya ito sa mga mata. Bukod sa tabingi ang ngiti nito ay mukhang kinakabahan ito. "Are you sure?" Sinalat pa niya ang noo at leeg nito para lang masigurong wala itong sakit.

Tumango lang ito. Hinarap nito ang mga kasama niya. "Anong ginagawa n'yo dito?"

"May meeting lang kami tungkol sa isang mahalagang bagay." sagot ni Jake at tinapik pa siya nito sa balikat.

Nilingon niya ito at binigyan ng matalim na tingin.

"We need to go, Celine. Hihiramin muna namin hanggang bukas si Ethan dahil importante talaga ang pag-uusapan namin." ani naman ni Cyril.

Kunot-noong tiningnan siya nito. "Okay ka lang ba? May problema?"

"Wala. Business matter lang." nakangiting sagot niya dito. Binati niya ang mga kaibigan nito bago siya nagpaalam dito. Binilinan pa niya ito na huwag masyadong magpapagabi bago siya tuluyang lumayo kasama ang mga kaibigan niya.

Pumunta sila sa bar na iyon para pag-planuhan ang isang ideya na hindi niya alam kung magiging successful pero naniniwala pa din siyang magiging maayos lang ang lahat. Alang-alang sa kaligayahan niya.

Pinaalam na kasi niya sa mga kaibigan niyang lalaki ang totoong set-up nila ni Celine dahil alam niyang ang mga ito lang ang makakatulong sa kanya sa plano niya. Iyon nga lang, hindi nila alam na nando'n pala ang dalaga. At dahil hindi na safe na mag-usap silang magkakaibigan doon ay lilipat na lang sila sa ibang lugar upang makapag-concentrate siya.

NAKASIMANGOT na kinukutkot ni Celine ang table napkin habang nakatingin sa kabilang dulo ng restaurant na kinakainan niya kasama ang mga kaibigan niya.

Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete)Where stories live. Discover now