Chapter Seven

11.3K 217 1
                                    

"IKAW talagang bruha ka! Hindi ka man lang nagku-kuwento na kayo na pala ng best friend ko. Buwisit, kinikilig ako sa inyo."

     Napangiwi si Celine nang muling makatanggap ng isang malakas na hampas mula kay Mae. Nasa Starbucks sila nang araw na iyon kasama sina Alex, Maria at Ghenny dahil niyaya siya ng mga itong mag-bonding. Hindi raw kasi siya nakakasama ng mga ito dahil abala daw siya sa pagpapayaman.

     "Kung hindi ko pa narinig na nag-uusap sina Cyril at Ethan, hindi ko pa malalaman na may girlfriend na pala ang walanghiyang iyon." nakangusong wika ni Ghenny.

     "Syempre hindi puwedeng hindi kakalat sa buong barkada iyan. Iyon pala, kaming mga babae na lang ang hindi nakakaalam ng sekreto niyong dalawa. Nakakainis ka talaga, parang hindi ka friend." nagtatampong ani naman ni Maria. Ang cute talaga nitong tingnan kapag ganoong nakasimangot ito. Mukha itong spanish doll kung mayroon mang ganoon.

     Napakamot siya sa ulo sabay kagat sa daliri niya. Hindi niya naisip na sabihin sa mga ito ang bagay na iyon dahil naisip niyang si Ethan na ang bahalang magsabi sa mga ito no'n.

     "Sorry na. Palagi kasi kayong wala kaya hindi ko na nasabi. 'Tsaka busy din kasi ako eh. Hindi ako nakakapag-pahinga kaya nawala sa isip kong ibalita sa inyo. Ngayon lang ako nakapag-bakasyon."

     "Sabi ko sa inyo girls hindi papayag si Kuya Ethan na hindi mapasagot si Celine eh." mayabang na sabi ni Maria sa tatlong babae.

     "Syempre kung hindi pa siya gagalaw, malamang mawalan na siya ng pag-asang masungkit muli ang puso ni Celine." ani naman ni Ghenny.

     "Sira ulo naman kasi iyon, kung bakit ngayon lang gumawa ng paraan para maging sa kanya si Celine. May nalalaman pang right time. Pa'no kung hindi na talaga siya mahal ni Celine? Eh di siya din ang naging kawawa? Adik talaga siya." wika ni Alex.

     "Girls, ang mahalaga, sila na. Kaya 'wag n'yo nang masyadong isipin ang mangyayari kung hindi gumalaw ang makupad na best friend kong iyon. Kahit naman mabagal iyon, nag-iisip din naman." awat ni Mae sa tatlong babae.

     Hindi niya alam kung ano ang pinagsasasabi ng mga ito. Ang alam lang niya, sila ni Ethan ang pinag-uusapan ng mga ito. Kung mag-usap naman kasi ang mga ito, parang wala siya doon. Hindi man lang siya isali ng mga ito.

     "Anong pinag-uusapan n'yo? Puwedeng paki-share naman?" sarkastikong singit niya sa pag-uusap ng mga ito.

     Ngunit mukhang hindi naman nahalata ng mga ito ang pagka-sarkastiko niya. Halos sabay-sabay pang umikot ang mata ng mga ito. Puwede nang maging kontrabida ang apat na babae sa harap niya sa mga programang napapanood niya sa telebisyon.

     "We're just talking about you and Ethan. Kung anong mangyayari kung hindi pa kumilos iyong lalaking iyon. Kung anong mangyayari kung hindi pa niya tinuloy iyong matagal na niyang plano." pagbibigay-alam sa kanya ni Mae.

     Nagsalubong ang mga kilay niya. "Plano?" isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba dahil sa sinasabi ng kaibigan niya. "Anong plano?"

     "Matagal na kasi talaga dapat siyang nanligaw sa'yo." panimula ni Ghenny. "Six years ago pa dapat kaya lang hindi pa daw iyon ang right time para sa inyong dalawa. Marami pa daw kayong priorities na dapat unahin."

     "Alam mo naman na complicated na tao si Ethan, 'di ba? Pero nagtaka kami kasi unti-unti siyang nagbabago simula nang makilala ka niya. Marunong na siyang bumanat, mang-asar, tumawa ng malakas at makipag-biruan. Hindi naman kasi siya gano'n dati. At katulad ng sinabi ko sa'yo noon, ikaw ang unang babaeng binigyan no'n ng teddy bear. Kahit sino sa'min hindi binibigyan ng teddy bear ng lalaking iyon kaya ang akala namin wala talaga siyang romantic bones sa katawan. Kahit kasi nagkakaro'n ng girlfriend iyon, alam naman namin na walang emotional attachment sa kahit na sinong babae iyon." pagku-kuwento naman ni Mae. Ang teddy bear na sinasabi nito ay ang ibinigay sa kanya ni Ethan isang buwan bago ito umalis ng bansa.

Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete)Where stories live. Discover now