P&C 7

18K 411 32
                                    

P&C 7









Dennise's







"Shall we dance?"

tumingala ako at napapatitig ako sa dalawang pares ng magandang mata na nakakalunod kung tumitig. Hindi ko alam kung bakit pero tama ba ang nakita ko sa mga mata nya. Lungkot. Bakit sya malungkot?

Bago pa man ako tuluyang malunod at bawiin nya ang kamay nya, inabot ko na ito. Tumayo ako at inalalayan nya na ako pababa.

Nauuna sya sakin para hindi ako mabangga ng mga nakakasalubong namin pero hindi nya binibitiwan ang kamay ko. At dahil marami ngang tao ngayon paminsan minsan nagigitgit ako at napapasandal ako sa likod nya.

Hmmmm gustong gusto ko talaga ang amoy nya. Nakakadala yung amoy nya. Yung pakiramdam na gusto kong magpakulog sa yakap nya para mas masamyo ko pa yung amoy nya

nakakainis lang na bawat makasalubong namin nagfi-flirt sa kanya. Yung ibang babae pa nga susubok pang humalik sa kanya pero magalang naman nyang tinatanggihan ang mga ito.

"dito na lang tayo para hindi rin tayo mahirapang bumalik sa taas" sa bandang gilid lang kami. Sila bang ata nasa gitna na.

Dahil nga siksikan natutulak ako palapit sa kanya. Agad naman nya akong inaalalayan sa twing ma-a-out of balance ako

"Hmm can I hold you here?"

nilagay nya yung kamay nya sa bewang ko. With that simple touch, a shiver runt through my spines.

"siksikan kasi para maalalayan kita. Pero okay lang kung ayaw mo" bago pa nya tuluyang maalis yung kamay nya sa bewang ko hinawakan ko na ang mga ito at diniin sa bewang ko. Urg. She's making me weak. Hindi ko maiwasang maisip yung gabing may nangyari samin.

Dahil mas matangkad sya sakin kailangan kong tumingala para makita ang muka nya.

I started to dance with the up beat song. Kung kanina pag-aalangan yung nakikita ko muka nya, dahil siguro sa kamay nya na nakahawak sa bewang ko. Ngayon naka ngiti na sya.

I raise my hand to the air. Sya naman nanatili lang nakahawak sa bewang ko.

Nagsimula na rin syang gumalaw galaw. She had this lop sided smile of hers that melt my heart. I remember Jus asking for help with dance steps so I assumed that she can dance. And Gosh! She can! Hindi sya magaslaw tingnan. Para bang ginawa yung music para sumunod sa bawat galaw nya. Other girls are trying to hook up with her in the dance floor but she remain focus to me. Her stares makes me feel a lot beautiful than the dutches of Cambridge who's married to a prince.

Di ko na maalala kung paanong nagsimulang maging palagay ang loob ko sa kanya. Ang gaan nyang kasama. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatawa sa kung ano anong sinasabi nya. Unti unti kong natutuklasan kung ano yung mga bagay na nakikita sa kanya ng mga tao. Hindi na ko nagtataka kung bakit gustong gusto sya ng pamilya ko. Ilang beses pa lang kaming nagkakasama ganito na. What more kung masundan pa ang mga ito

"hahahaha so epic right?" pinagtatawanan namin yung time na nahuli daw si Vic at Shiela na nagmemake-out sa sala ng lolo ni Bang nung college days. Vic is a known player, nainlove sa isang free spirited girl na ayaw pang pumasok sa isang relasyon dahil mas gustong magtravel ng magtravel. Pareho nilang ayaw muna pumasok sa isang relasyon pero dahil nahuli na sila ng lolo ni Bang that month din nagkaroon ng engagement party. Next year ikakasal na ang dalawa. Humingi pa kasi yung dalawa ng palugit na kugn pwede two years after graduation na lang.

Pots&CupsWhere stories live. Discover now