P&C 35

14.4K 352 45
                                    

To those who are experiencing problem reading my updates, I advice you to do the things below.

1. Log out and log back in again.

2. If number 1 doesn't work, remove the story from your library then add it back again.

That should solve the issue. (other readers did this and works for them)

gusto kong malaman nyo na sa twing may nagsasabi na hindi nila nababasa yung update ginagawan ko naman yun ng paraan. ineedit ko yung ibang part tapos pinapublished ko ulit. sa iba nasosolve yung issue. di ko alam kung bakit sa iba hindi. Baka yung device na yung may problema? anong platform ba ginagamit nyo? web? android? IOS?

Anyways, here's the update. been busy this day, ngayon ko lang nahawakan laptop ko. Enjoy reading :)


P&C 35


Alyssa's: Chapter 15, 16, 17


Nung mga nakaraang araw mas naging malapit na rin kami ni Den sa isat isa, hindi na nya ko sinusungitan ng madalas. Simula din nung acquaintance party nagpasya na ko na wag ng pansinin yung kung ano mang nararamdaman ko para kay Dennise. Inisip ko na lang na siguro na-overwhelm lang ako sa bagong kakilala ko.

Sabi ko na lang din sa sarili ko na dapat pigilan ko yung sarili ko kasi anak sya ng mga taong walang pag-aalinlangan na tinanggap ako sa tahanan nila.

Paano kasi kung sakaling maging kami tapos masaktan ko sya dahil sa urong sulong kong nararamdaman? Ang sama ko naman kung gagawin ko yun, baka dahil dun masira pa ang pinagsamahan namin kaya dapat talaga kontrolin ko na to.

Pero si Dennise, hindi ko alam na may gagawin pala syang sisira sa pinagpasyahan ko at titibag lang ng ganun ganun sa pader na sinusimulan ko palang itayo.

"Ly gising.." isang gabi, nagising ako ng may maramdaman kong may sumusundot sa pisngi ko.

"hmmm Jus?" kinusot kusot ko yung mata ko kasi medyo malabo, malalim na rin kasi yung naging tulog ko. Nung tuluyan ng luminaw yung paningin ko bigla akong napaupo kasi hindi si Jus yung nakita ko.

"Den?" she smiled at me. Inabot ko naman yung lamp shade sa gilid ng kama ko para isindi ito.

"What are you doing here?" kinuha ko na rin yung relo ko sa tabi ng lamp para tingnan yung oras. Madaling araw na pala.

"madaling araw na Den. May kailangan ka ba? May nangyari ba?" nag-alala ako kasi baka may emergency.

"Wala naman. Ano kasi.."

"Ano?" yumuko sya kaya di ko makita yung muka nya. Kaya naman yumuko rin ako para silipin yung muka nya.

"Di kasi ako makatulog.. pwede bang tumabi ako sayo?"

"Ano yun?" tanung ko. Sobrang hina kasi ng pagkakasabi nya kaya hindi ko naintindihan. Hindi nya ako sinagot, sa halip ay umikot lang sya sa kabila at umupo sa gilid.

"Pwede bang dito ako matulog?" huh? Ano daw? Dito daw sya matutulog? Napakunot noo na pala ako, kasi naman kakasabi ko lang na pipigilan na diba? Bakit naman ganito bigla? Naalarma naman ako nung tumayo na sya at naglakad na parang palabas.

"O san ka pupunta kala ko gusto mo matulog dito?" huminto sya sa paglakad at tumingin sakin.

"kala ko kasi ayaw mo. Hindi ka kasi sumagot tapos nakakunot pa noo mo" Natawa ako kasi nakapout sya sakin. Magkapatid nga sila ni Jus. They know when to use their charm. So unfair. Di ko naman matatanggihan yan e.

Pots&CupsWhere stories live. Discover now