P&C 49

15.8K 448 132
                                    

P&C 49

Alyssa's

Its been three days after we announced to our friends that were engaged. Maayos at masaya naman ang lahat. Wala na rin kaming natangap na balita sa main security ng village tungkol kay Kelly. I guess natanggap na rin nya na wala na syang makukuha kay Dennise. At kung babalik man sya ay hindi ko na talaga hahayaang makalapit sya kay Den, lalo na ang hawakan pa nya si Den.

And this is one of those days na tamad na tamad si Den.

"Bubb, c'mon get up!" sabi ko habang hinihila ko yung kamay niya para bumangon. Pero sa twing hihilahin ko sya at mapapaupo sya babagsak na naman nya yung katawan nya sa kama. Kanina nung nagbreakfast kami pilit na pilit pa yun, kung hindi ko pa sya binubunggo sa balikat madudukdok na sya sa plato nya sa mesa. At halos napipikit na sya habang sumusubo.

"Ayaw bubb" sabi nya sa inaantok pang boses.

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka na magpuyat eh" paggising ko kasi nakabukas pa rin yung laptop nya. Tapos sya tulog na tulog na habang nakayakap sakin. Pinapanuod na naman nya yung walking dead series. Marami na daw syang kailangang habuling episodes.

"Iwan mo na lang ako dito. Want to sleep all day" sabi nya tapos tinalikuran pa ko saka nagtaklob ng kumot.

Hay, mukang di ko sya talaga mapipilit.

"O sige na. Pupunta na ko sa PAC ha. I love you bubb" hinawi ko yung kumot saka sya hinalikan sa sintido.

"uhhmmm" ungol lang nya. Inayos ko ulit yung kumot nya saka nilakasan pa yung aircon. Den loves sleeping pag sobrang lamig. Yung yung isa sa napansin ko. Siguro nasanay na sa US.

Pagkatapos kong icheck yung bahay umalis na rin ako. I made sure na nakalock ang lahat. Safe naman dito sa village pero mabuti na rin ang nagiingat diba?

Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa village nung may bigla na lang may taxi na nagcut sakin. Buti na lang alerto ako at nakapreno ako agad. Bumusina ako saka bumaba sa sasakyan. Who could this be? Sinasadya ba nya to?

Isang foreigner na ngayon ko lang nakita ang bumaba sa taxi . She has a blonde wavy hair. She has a freckles on her face na hindi mo mahahalata agad kung hindi mo tititigan. Green eyes at sa tingin ko magkasingtangkad lang kami. Napakunot yung noo ko.

"Alyssa can we talk?"

"Who are you? How did you know me?" tanong ko sa kanya. I don't know her, pano nya nalaman yung pangalan ko?

"I'm Kelly's cousin" pagkabanggit na pagkabanggit pa lang sa pangalan na yun kumulo agad yung dugo ko. Pasensyosa naman akong tao pero ewan ko ba, pagdating sa taong yun talagang kumukulo ang dugo ko.

"I'm sorry but I'm in a rush" sabi ko saka ko sya tinalukuran. I don't want any involvement with this people. Bago ko pa ko makapasok sa loob ng sasakyan ko naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

"please? It will not take much of your time." napatingin ako sa pagkakahawak nya braso ko. Seems like she has no plan of letting me go. I sigh in defeat.

"Get in the car" walang ganang sabi ko na lang. Nung makasakay na sya nililibot libot pa nya yung tingin nya sa sasakyan ko.

"Nice car" sabi nya pero tiningnan ko lang sya. She smiled awkwardly after that. Siguro nakuha naman nya na ayaw kong makipag-usap sa kanya.

Dinala ko sya sa malayong coffe shop para dun kami magka-usap. Ayoko kasi may makakita samin na kakilala ko o ni Den. Hindi naman sa tinatago ko itong pag-uusap namin, gusto ko lang na ako rin naman mismo yung magsabi kay Den.

Pots&CupsWhere stories live. Discover now