16 - (1) Undefined feelings

57 3 0
                                    

Riana

Nakatayo ako sa harap ng salamin, at pinag-mamasdan ang reflection ko.Bagay kaya saakin itong suot ko ngayon? Ngayon na kasi ang date namin ni Harold at hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba.

'Lumalabas naman kami dati bat ganto ang nararamdaman ko ngayon? Bat ako kinakabahan?'

Lumalabas naman kami noon ni Harold pero bat parang iba yung ngayon? Wala naman nag bago sa aming dalawa diba?

Napatingin muli ako sa reflection ko sa salamin.Nakasuot ako ng floral dress at pinatungan ko ng gray na blazer, Nakalugay ang mahaba kong buhok na medyo kulot.Naglagay rin ako ng konting make up sa mukha.Hindi naman ako masyadong nag hahanda sa date na ito pero bat may kaba parin ang nararamdaman ko.

Teka?,Date nga ba ito? Or gagala lang kaming mag kaibigan

'Gaga date narin yun!'

Napailing nalang ako dahil kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko.Ayus naman na ang suot ko ganun rin ang mga gamut ko.Ang gagawin ko nalang ay ang hintayin si Harold dahil ang sabi niya ay susunduin niya raw ako.

Kinuha ko ang sling bag ko at umupo sa kama ko.Tiningnan ko sng oras at 9:30 am na pala,Nagising pa ako ng naaga upang kumpirmahin kung iyon na ba ang susuotin ko ngayong araw.

Biglang nag ring ang phone ko at tiningnan ang naka-register na pangalan.

'Zoe'

Sinagot ko ang tawag.

"Hi Yanna!" Narinig kong sabi nila ni Mika at tumawa sila, Ginaya pa nila ang pag tawag ni Harold sa akin.

Mukhang aasarin ako ng mga to!

Sinabi ko kasi sakanila kahapon na aalis ako ngayong linggo,Niyaya kasi nila akong gumala kaso tumanggi ako kaya nasabi ko yung pag alis namin ni Harold ngayon, kaya nykhang alam ko na ang tinawag nila saakin.

"Ano?, ready ka na sa date niyo ni Harold?" mapang asar na sabi ni Zoe kaya't napailing nalang ako

Sabi na eh!,pag ti-tripan ako ng dalawang to

"Nako, talagang tumawag pa kayo para asarin ako" natatawang sabi ko sa kanila at narinig ko naman na tumawa sila

"Enjoy kayong dalawa ni Harold sa date niyo ahh" sabi ni Mika

"Baliw talaga kayong dalawa" Naiiling na sabi ko

"Nako i-ready mo na yang lips mo dahil panigurado may halikan na magaganap!" Nanlaki ang nata ko sa sinabi ni Zoe.

"Huy Zoe!,wag mo naman pakabahin si Ria.Baka biglang mag back out yan" narinig kong bulyaw ni Mika

"Im just saying lang naman eh! Para handa siya, Ano ba naman ang date kung walang kiss diba?!" Maarting sabi ni Zoe

Hay grabe!!, nakakaloka ang pinagsasabi ni Zoe naalala ko tuloy yung kamuntikan na maghalikan kami ni Harold sa office ko.Hala! nakakahiya tuloy humarap kay Harold lalo na pag naalala ko iyong scene na yun!.Best friend ko pa naman si Harold at ayokong maging awkward kami sa isat isa.

"Hay nako Ria wag mong pakinggan yung mga sinasabi ni Zoe!" Sabi sa akin ni Mika

"Well anyway, anong suot mo ngayon?,Dapat maganda at maayos ah!,baka mamaya naka shorts or jeans ka.Sinasabi ko sayo Ria kahit nasa Coffee shop kami ni Mika ngayon hindi ako mag dadalawang isip na pumunta diyan sa inyo at ayusan ka!" Napailing nalang ako kay Zoe

Hay nako! nag aala stylist siya..

"Hindi ako naka shorts or jeans noh, dress ang suot ko ngayon" Natatawang sabi ko sa kanila

Never Wantedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن