44 - His Story

38 0 0
                                    

Riana

Kumatok ako sa pintuan at inantay na pagbuksan niya ako ng pintuan. Linggo ngayon at nandito ako sa bahay ni Jacob. Niyaya niya kasi ako kagabi na pumunta ako rito kaya eto ako ngayon.

6 palang ngayon ng umaga. Maaga akong umalis ng bahay para hindi mag tanong si mami kung saan ako pupunta, pero nasabi ko sa kaniya na aalis ako ngayong araw. Nag commute lang ako baka kasi sabihin ng driver kay mami kung saan ako pupunta.

Bumukas ang pinto at lumitaw ang kakagising lang na Jacob, na nakasando at boxer lang. Kaya hindi ko sinasadyang pasadahan siya ng tingin, as always sexy ang katawan niya kahit medyo pumipikit pikit pa siya heheheh ang landi!. Medyo maaga pa kasi eh kaya halatang inaantok pa siya.

Inaantok na hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap. Natawa naman ako sa ginawa niya at sinarado niya ang pinto. Humiwalay siya sa pag kakayakap pero hindi niya binitawan ang kamay ko.

"Goodmorning" masayang bati ko sa kaniya

"Morning" inaantok na bigkas ni Jacob

"Ang aga mo" sabi niya

"Baka kasi magtanong si mami kung saan ako pupunta kaya maaga ako umalis, ayaw mo ba? Uwi ulit ako tas balik nalang ako mamaya?" Pang aasar ko sa kaniya

Kinunutan niya lang ako ng noo bago tumaas sa kwarto niya para mag hilamos. Dumiretso ako ng kusina at tumingin ng kung anong pwede kong lutuin para sa agahan namin.

Nakita ko naman na may pancake mix sa cabinet kaya iyon nalang ang kinuhako. Kinuha ko na ang lahat ng mga ingredients at pinag halo halo ang mga ito.

Kasalukuyang niluluto ko na ang pancake ng may naramdaman akong presensiya sa likod. Hindi na ako nag abalang harapin ito dahil alam kong si Jacob lang iyon.

Medyo nagulat ako dahil sa biglaang pag yakap ni Jacob sa likod ko. Isinksik niya ang kaniyang matangos na ilong sa aking leeg at siningot ang amoy ko.

"Baka maubos yung bango ko" pang aasar ko sa kaniya.

"You smell so sweet" sabi niya at hinalikan ang pisngi ko

Umalis siya sa pag kakayakap sa akin at gumawa ng coffee namin. Kinuha niya ang ilang fruits sa ref at hiniwa niya iyon para sa pancakes namin.

"Whipped cream or ice cream?" Tanong niya sa akin.

"Pwede both?" Nakangiti kong tanong habang na eexcite sa whipped cream

Natatawang tumango siya at inilagay sa lamesa ang mga hiniwa niyang prutas, kinuha niya rin ang pancake syrup at inilagay sa lamesa.

"Are you done? Gutom na ako" sabi niya habang nakaupo na

"Oo, eto na" inilagay ko na ang last na pancake na niluto ko sa plato at dinala na sa lamesa

Nilagyan ko siya sa plato at nilagyan ng cream yung pancake at ng manggo. Uupo na sana ako sa upuan ng bigla niya akong paupuin sa lap niya.

"Jacob!" Bulyaw ko sa kaniya

Kunwaring inusente niya akong tinignan at tinaasan ng kilay. Sinubuan niya ako ng pancake, kinain at nginuya ko naman ang ibinigay niya.

Ang landi ng lalaking toh!

"Mind telling me what happened yesterday?" Tanong niya

"Wala naman masyado. Kumain lang kami sa restau tapos ipinakilala sa akin ni Harold yung mapapangasawa niya" sabi ko at pinapak yung whipped cream.

Ang sarap kasi nun eh!

"After nun san kayo pumunta?" Tanong ulit niya

Sinubo ko muna yung ice cream bago humarap ulit sa kaniya.

Never WantedWhere stories live. Discover now