Prologue

993 19 6
                                    



Malalaki ang hakbang na pagsunod ko sa prof kong parang walang pakiramdam at kahit kanina ko pa tinatawag ay hindi manlang ako nagawang lingunin nito kahit na isang beses.


Buti nalang at sa parking lot kami ngayon, nahirapan pa tuloy siyang hanapin ang kotse niya dahil sa napakaraming naka-park na iba pang mga sasakyan.

"Ma'am!" I shouted, wala na akong pake kung may makakita man sa 'kin o masabihan akong baliw na sumisigaw ngayon. Gusto ko lang talagang maliwanagan! Stupida ka talaga Gabrien Kace!

Tangina, No choice! I need answer from her!


Tumakbo na ako nang makita kong malapit na siya sa kotse niya, she was about to open the door of her car but I was too fast to grab her arm.

"What the hell, Cervantes!" Her forehead creased dahilan upang masuyong halikan ko siya roon, like I always does whenever she's irritated or annoyed from something especially because of me.


As usual, she flinched because of my sudden action.

Huwag mo 'kong ma-what the-hell Ma'am.

"Calm down, will you? I just want your ans--"


"let go of me, or you'll end up in your own grave, Cervantes. I'm warning you." She calmly said but there's authority in it, pinagdiinan niya pa ang pagbanggit sa surname ko. Kung dati ay halos lagutan ako ng hininga dahil sa ganitong reaksyon ng mukha niya but now? Medyo nalang, kahit naman mahal ko ang babaeng 'to ay ang takot ko nandito pa rin.


"Ma'am, ang labo mo naman e." mahina ngunit rinig niyang sabi ko, i bowed my head a little, facing the floor while fidgeting my own fingers.


I heard her sighed "stop this, stop right now or you'll regret this."


she said, double meaning it. Alam ko naman na kaya nalang siya biglang nanlamig sa 'kin ay dahil gusto na niya akong patigilin dahil nga matatali na siya sa iba at sa mukhang angry bird pa na katulad niya rin na propesor.



"g-gano'n lang 'yon?" I almost whispered those words, dahil parang nanghihina na ako kahit hindi ko pa man naririnig ang sagot niya sa tanong ko. But obviously, bakit ko pa pala kailangan ng sagot e sa mga pinapakita at pinaparamdam niya pa lang these past few weeks ay makikita ko na ang sagot doon.



Nalulungkot ako and at the same time naiinis o naiirita, basta pareho lang 'yon. Aaminin kong ako ang may kasalanan sa pagpapahirap sa sarili ko pero kasi pinaramdam niya rin sa 'kin na parang pareho kaming may nararamdaman sa isa't isa, kung paano niya ako bakuran at ipagdamot sa ibang babae na nakakausap ko. Even with my friends, she always gets jealous and grumpy of me or am I just assuming?




"Do you really think na papatulan kita? Firstly, I am your professor and you're just my student. Doon pa lang, Ms. Cervantes..and soon enough I will marry someone whom i love." Tila parang nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga masakit na salitang binitawan niya, buong buhay ko nasanay ako na laging tinitingala mapa-labas man o sa loob ng bahay pero ngayon? Isang professor lang pala ang makakapagdurog ng puso ko.


Gusto ko nang makaalis sa pwesto ko pero parang nawalan ata ako ng kontrol sa sarili kong mga paa dahil kahit anong pilit ko na pahakbangin ito paatras ay hindi ko magawa.


'Do you really think na papatulan kita?' Damn, this line hits really hard! Imagine, maraming gusto na patulan ako pero doon pa sa taong hindi ko inaasahan na mamahalin ko ay siya pa ngayon ang magsasabi sa 'kin ng mga katagang 'yan na madalas kong banggitin noon kapag may humihingi ng number o ng pangalan ko.


Her Sweet Imperfection (GxG)Where stories live. Discover now