29

140 4 0
                                    

“Gab, umamin ka nga..” mahihimigang seryoso ang boses ni Gio habang nakatingin sa akin sa mga mata nang diretso.




Kinakabahan ako sa mga gan'yang tingin niya.





Kakatapos lang ng klase namin sa isang minor subject pero hindi naman pinalampas nitong katabi ko ang natitirang kalahating oras na break namin para daldalin ako.




“Bakit? Ano namang aaminin ko?” I asked him confusingly.




I noticed how he wiggled his eyebrows na parang may nalaman siyang chismis. “I saw you nung sabado, alam ko na hindi ako nagkakamali e.. pero ikaw talaga 'yung naka-angkas doon sa bigbike.”




Nagulat ako sa tinuran nito dahil parang tama nga siya na ako 'yon, dahil kasama ko naman talaga si Zyrus noong araw na 'yon after kong makuha ang driver's license ko. Pero sa paraan palang ng tingin ni Gio, parang nang-iissue siya. Kainis.




“I think.. ako nga 'yon--” hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita nang bigla nalang itong tumili, dahilan para lingunin siya ng ibang mga kasama namin sa room ngayon. Mabilis niyang natakpan ang sariling bibig, kung hindi ko pa sinamaan ng tingin e!




“Soooo, may boyfriend ka nang bakla ka!? Oh my god-” bago pa siya makagawa ng ingay ulit ay tinapik ko na ang kamay nito.




Ang OA.




“No, wala akong boyfriend, Gio. Manahimik ka nga”



“bakit nakaangkas ka ro'n kung hindi mo boyfriend, aber?”




“hindi ko nga boyfriend, okay? He's just.. one of the guy na kasama ko sa training--” Ang masasabi ko lang ulit ay.. OA na naman ang reaction niya matapos kong banggitin ang tungkol sa training.


“Training?? Saan? Huy bakla ka, baka mamaya makita ka nalang namin ni Denise at Lovue na nasa tv na at nagbubuhat ng barbell. Hindi ko alam na may pangarap ka pa lang palitan si Hidilyn Diaz 'te!” gusto ko sanang matawa sa mga nonsense na pinagsasabi ng kaibigan ko na 'to, pero hindi ko na magawa kasi dumating na ang susunod na professor namin.


Pagtapak pa lang ni Ms. Celeste sa silid ay parang may mali na.


Did she run herself all the way here?



Pansin kasi ang mabibigat nitong paghinga pero parang hindi naman napapansin 'yon ng iba dahil nag-focus ang mga siraulo na gawin ang assignment namin kay Miss.


Kung kailan due date, tsaka magsisi-gawa. Hobby talaga nila ang pag c-cram.


Nabalik ko ang atensyon kay Ms. Celeste na mukhang okay naman na ngayon dahil stable na ang kaniyang paghinga, pero as an observant person? Oo nalang. Pansin ko talaga na nangangapa siya or something.



May nalaman 'to.



Punyeta kayo, nandiyan na si Ma'am! Huy awat na mga kuya!Buong boses na sinigaw ni Gio 'yon. Those scumbags were obviously surprised when they turned their heads on unison to Ms. Celeste.



“Good morning, Miss!” Sabay-sabay na bati ng mga ito pero walang salitang tumalikod si ma'am at hinarap ang board. Nagsulat lang siya ng number ng page at ang nakalagay sa instruction niya ay basahin daw namin.



Sinunod ko nalang 'yon at nilabas ang textbook namin sa subject nito. This time hindi na ako malilito dahil may mga label na sila.



“G-Good morning, everybody. Listen first, I need you to study these lessons for now. I'll give you the rest of my time to self-study. For those who don't have the textbook yet.. you can borrow it on the library.” Ayun lang ang una at huling narinig namin sa propesora at mabilis niya kaming iniwan sa loob ng room.


Her Sweet Imperfection (GxG)Where stories live. Discover now