Finding Forever

14 1 0
                                    

"Anna and Banana are in a relationship"

Pshh! mag bre-break din kayo!

"Pine and Apple are in a relationship"

Di sila bagay.

Kung maitatanong niyo kung ano ginagawa ko simple lang naman ang isasagot ko. Nag fafacebook ako ngayon kaso sa kasamaang palad puro in a relationshipchuchu yung nasa newsfeed ko Mygawd!

Parang lahat sila may mga karelasyon na ako na lang wala! Hindi pwede to. Kailangan mo na kumilos Avery humanap ka na ng forever mo kung ayaw mo matulad sa kuya mo. Oh diba para na akong tangang kinakausap sarili ko.

Palabas na sana ako ng bahay namin ng biglang may tumawag sa napaka gandang pangalan ko.


"HOY! PUNYETA KA AVERY! SAAN KA NANAMAN PUPUNTA?!"

-______-


Narinig ko nanaman ang dakilang tinig ng  damuho kong kuya kaya napatingin ako sa kwarto ng kuya ko na nakalocate sa second floor.

"WAG KA NGA SUMIGAW! NAPAGHAHALATAANG WALA KANG CLASS EH!"


"BOBO! WALA NAMAN TALAGANG KLASE NGAYON DAHIL LINGGO WALANG PASOK!" sigaw niya ulit sakin


*facepalm*


Di ko na lang siya pinansin at nag lakad na papalabas ng gate ng bahay namin.


"HOY! PUTANGINA KANG GAGO KA! MAG LALAKWATSA KA NANAMAN?! HINDI PA NGA TAPOS YUNG MGA GAWAIN DITO SA BAHAY! SAAN KA BA PUPUNTA?!" sigaw ulit ni kuya


"MAG HAHANAP AKO NG FOREVER KO!"-sigaw ko sakanya.


"BOBO KA TALAGA ANG TANONG KO KUNG SAAN KA PUPUNTA HINDI ANO HAHANAPIN MO!"


Sinarado ko na yung gate ng bahay namin kinalampag ko para mas dama at nag umpisa ng mag lakad kaso bumalik ulit ako at kinalampag pa ng mas malakas yung gate namin. Bakit kamo? Wala gusto ko eh .Narinig ko pang sumisigaw si kuya pero hindi ko na siya pinansin.


Habang nag lalakad lakad may nakasalubong akong dalawang guard ng village.


"Nirereklamo nanaman yung nakatira sa GLOBB *143#" Guard 1


"Nanaman?! Kahapon lang nareklamo na yung mga nakatira dun. Mga nag ingay nanaman siguro" guard 2


GLOBB *143#? *evil grin* o ano ka ngayon kuya?! bwahahahahaha


Nag tataka ba kayo kung bakit ganito ako kasaya? Haha kami yung nakatira sa GLOBB *143# na pupuntahan ng mga guards at si kuya lang ang tao dun bwahaha kaya siya lang ang masisita nung mga guards. Na-bwisit nanaman siguro yung mga kapitbahay namin kasi nagsisigawan nanaman kami ni kuya kanina. Tss napapakinabangan naman nila yung ingay namin ha! Pag may pasok may instant alarm clock na sila.


Mag papakilala muna pala ako.


Hi! Im Avery Flynns. 16 years of age. Grade 10 student at Middletown University. Nakatira sa *143# Globb street ManilaZon Philippines! Im the most beautifulest! The most gorgeousiest! The most cutest of all!


OO MAY MOST NA MAY IEST PA! GANON AKO KAGANDA!


Hindi kami mayaman hindi rin kami mahirap kung baga sapat lang, chill lang ang buhay namin. Yung parents namin nasa New Jersey dun kasi sila nagtratrabaho, kaya ang kasama ko na lang sa bahay ay yung impaktong kuya ko. His name is Carter Flynns isa siyang mura na nagkatawang tao. Realtalk lahat na salita niya may mura. Yung kuya ko yung tipo ng tao na di kayang kumalma puro sigaw ang alam in short isa siyang abnormal.


Im just a beautiful girl, with an ordinary family (well im not sure kasi abnormal kuya ko) and with an ordinary friends (and im not sure ulet diyan)


Napag desisyonan ko na sa park na lang pumunta marami kasing gwapo dun eh hihi. Sa mall kasi puro jejemon nandoon. Mga naka shades at cap eh wala namang sikat ng araw don makaporma lang sila. Dito kasi sa park walang jejemon. May karatula kasi na nakalagay na "NO JEJEMON ALLOWED" capslock para damang dama nila, kasi naman! 2016 na! Move on!


Nag lakad lakad lang ako ng may nakita akong isang gwapong lalaki. Malapitan nga hihi.


Okay hindi ako malandi, desperada lang akong mag ka-boyfriend. Mag kaiba yun okay? Ang malandi lahat pinapatos kahit taken na, ang desperada namang mag ka bf yun yung mga taong gustong maranasan yung forever. Punyeta kasing mga tao sa paligid ko! Lahat sila meron na ako na lang ang wala!


Nakaupo lang si kuyang pogi doon sa may bench  kaya umupo din ako sa isang bench na katapat ng inuupuan niya.


Umubo ako kunwari para makuha atensyon niya "*cough cough*"


"Oh hi"-rinig kong sabi ni kuya


Emegershhh!!!!! Nag hi siya sakin waaaaaaah keleg eke sebre! "Hello" sabi ko saka inangat yung ulo ko nakayuko kasi ako kanina inipit ko rin kunyari yung buhok ko sa likod ng tenga ko, pahinhin effect kung baga haha.


Kaso muntik na akong malaglag sa upuan ko sa nakita ko. Hindi ako yung hi-nayan ni kuyang gwapo.


T_____T


May kausap siya ngayong bading tapos........ tapos......... tapos nag kiss sila! Anak ka ng toooooooot toooooot tooot.


At para bigyan naman sila ng privacy kahit wala naman na sila noon kasi pinagtitinginan na sila ng mga tao , aba! Sa park ka ba naman makipaghalikan? Umalis na ako dun sa bench. Nag mumukha lang akong dakilang kabit don.


Tss! Makahanap na nga lang ng panibagong forever!


Pero ang sakit lang. Akala ko siya na. Hindi pa pala. Joke hahaha


Lumipat ako doon sa may fountain. May dalawang bata at pag sinabi kong bata bata talaga siguro mga 6 or 7 yr.old sila na nag uusap at halos malaglag ang puso ko sa pinag uusapan nila.


"Asawa ko mahal na mahal kita"-sabi nung batang lalaki sa batang babae


"Mahal na mahal din kita asawa ko" sagot nung batang babae sa batang lalaki.


Tangnatinimplangnanay ko! Pati ba naman bata naunahan na ako mag karoon ng bf?!


"Uhm asawa ko gawin na natin yung ginagawa nila mommy at daddy ko kagabi" yung batang lalaki.


"Ha? Pano pag nabuntis ako?" yung batang babae.


O_____O totoo ba tong naririnig ko?!


"Hoy kayo ang babata niyo pa!" Sita ko sakanila.


Tinignan lang nila ako parehas "tara na nga may chismosa dito" sabi nung batang lalaki.


"Oo sige may pakielamera dito" yung batang babae saka sila umalis


"Aba't!" hahabulin ko dapat sila kaso nag umpisa na sila tumakbo. Tss nakakabeastmode yung dalawa na yun ha!


Maglalakad na sana ako para humanap ng bagong forever kaso---


"GAGO KANG PUTANGINA KA! UMUWI KA NA NGAYON AT MAG UUSAP TAYO!"


oh kilala niyo na siguro kung sino yan diba?

Hindi na ako nakapag salita kasi kinaladkad na niya ako


Me, the Goddess of beauty ay hila hila ng isang Cyclops  ..... hustisya.

Ang Feelingarang DYOSAWhere stories live. Discover now