Walang kwentang chapter

4 1 0
                                    

"HOY PUNYETA KA AVERY! KANINA PA KITA TINATAWAGAN BAKIT DI KA SUMASAGOT?!"

May clue na siguro kayo kung sino yan?

Sasagot na sana ako nung bigla nanaman siyang sumigaw "ANO?! PUTA WALA KANG BALAK SUMAGOT?!"

"sasagot naman ako kaso inuunahan mo--" pinutol nanaman niya yung sasabihin ko.

"AT SUMASAGOT KA PANG TARANTADO KA!" Sigaw niya.

Ayy jusq T________T

Pinag titinginan na kami ng mga estudyante dito sa cafeteria .

Kung ituhog ko kaya tong tinidor na hawak ko sakanya. "Try mo kong pag salitain suggest lang. Suggest lang naman baka gusto mo lang naman" sabi ko kay kuya.

Nang hindi na siya mag salita-- I mean sumigaw nag patuloy na ako sa pag sasalita. "Naka silent phone ko kaya di ko napansin mga tawag mo. Bakit ba nandito ka?" Tanong ko sakanya. College na kasi yang damuho na yan, hiwalay ng building ang Highschool at College medyo malayo, ayaw pa naman niyan ng napapagod siya kaya nakakapag taka na nandito siya.

"AY BOBO! KASI NGA AYAW MONG SAGUTIN MGA TAWAG KO! KAYA PUMUNTA AKO DITO PARA SABIHIN SAYO NA HINDI AKO UUWI MAMAYA KAYA ILOCK MO YUNG MGA PINTO AT BINTANA BAGO KA MATULOG" sigaw niya sabay walkout.

Yun lang? Yun lang sasabihin niya? Pumunta siya dito at sinigaw sigawan ako sa harap ng maraming tao dahil lang dun? Wala malala na talaga kuya ko. Kung hindi lang talaga masama pumatay ng hayop napatay ko na yon.

Nakaalis na si kuya pero nakatingin pa rin sakin yung mga ibang estudyante. Alam kong maganda ako pero ang hirap naman kumain ng nakatingin silang lahat sakin kaya tumayo na ako "Oh tapos na binggo kain na ulit" sabi ko sakanila saka umupo.

"Grabe sakit ng tenga ko. Parang lalabas puso ko sa kuya mo kakasigaw." Reklamo ni Summer habang kinakalikot yung tenga niya. 

"Paano pa ako na kasama niya araw araw sa bahay?"  Kunot noo kong tanong sakanila saka pinag patuloy ang pagkain. Ang laking pasasalamat ko siguro pag napaos si kuya.

"Uhm Avs" napalingon ako nung tinawag ako ni Io.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Ilan na nagiging Girlfriend ng kuya mo?"

Instant na napakunot kilay ko "Bakit mo natanong? Teka.. wag mong sabihing may gusto ko sa bullfrog na yon?!" Tinutok ko pa sakanya yung tinidor na hawak ko. Jusq Io wag kang mag kakagusto sa kuya ko masisira buhay mo T_T

"Gaga! Wala no" sabi ni Io saka ako inirapan.

"Whoooo labas sa ilong" pang aasar ni Summer kay Io. Inirapan lang siya ni Io

"Bakit mo natanong?" Tinanong ko ulit yung tanong na yan. Okay im so redundant. Anak ka ng dakila Avery! English yon oh! Dyosa ka talaga *flips hair*

Nagkibit balikat lang siya. "Madalas kasing siyang pag usapan sa Drama Club pati sa Chess club. Madaming nag kakacrush sakanya dun eh, siya madalas topic." Paliwanag niya.

Madami ngang nag kakacrush kay kuya, sikat din yung gunggong na yun eh. Gulat kayo no? Siya kasi ang Captain ng basketball team ng University. Minsan nga nung may training sila dumaan ako sa may Gym para humingi ng pera kay kuya, sinigawan niya ako na atayin muna silang mag break, syempre ako namang tong dyosa sumunod na kesa mabingi pa. Nung araw din na yon nasaksihan ko ang full force na sigaw niya sa mga teammates niya na tatanga tanga sa bola. Ang sakit sa tenga promise pero infairness wala ni isa sa teammates niya ang nagququit sa team nila kahit kalahating maligno kalahating megaphone captain nila.
"Isa, pero nung nag break sila nung ex niya hindi na ulit nag girlfriend si kuya" sagot ko sa tanong ni Io. Tumango tango lang siya saka natahimik.

"Hey girls" napalingon kami sa tumawag. Si Terence. Instant na napatingin ako kay Summer, ayun namumula ang loka.

"Mukha kang fungus na namumula" bulong ko sakanya. Sinipa lang niya ako saka pinandilatan ng mata.

"Pwede ko bang iexcuse si Summer for awhile?" He asked.

"20 pesos isang minuto" sabi ko kay Terence habang nakalahad pa yung kamay ko.

Natawa lang si Terence, aba? Mukha ba akong nag bibiro?

"Hoy Avs binubugaw mo ba ako? Anong klaseng kaibigan ka?" Pag dradrama ni Summer.

"Drama mo! Pangit naman" Natatawa kong sabi. "Sumama ka na nga kay Terence ng umaliwalas man lang view dito" pang aasar ko pa lalo sakanya.

Inirapan lang niya ako saka tumayo  "Thanks Avery" sabi ni Terence pero bago pa sila umalis humarap sakin si Terence "Nga pala pinapasabi ni Sir Dave umattend ka daw ng Dance practice bukas, ilang araw ka na daw di umaattend" sabi niya saka ngumiti at umalis.

Like Terence , member din ako ng Dance company ng school namin. Im the Vice President of our dance club. 

"Di ka umaattend ng practice?" Tanong ni Io

Umiling lang ako "nakakatamad eh"
"Baliw. Kaya pala laging umuusok ilong ni Sir Dave ikaw pa naman Vice president don" sabi ni Io

"Kasi naman! I told them I want to be the Muse pero they still voted me as the Vice president" parang bata na pag mumukmok ko kay Io

"Ay echosera to sampalin kita eh" sabi ni Io habang natatawa "Bilisan mo na nga lang kumain diyan"

Sasagot pa sana ko sa pagiging bossy niya kaya lang-- "Tapos kain tayong ice cream treat ko" dagdag niya

Libre niya? Omygwad di ako tumatanggi sa libre,  Tao lang ako. Mahina. Marupok. Hindi makatanggi sa libre.

Binilisan ko na ang pagkain nang matapos ako tumayo na kami ni Io para pumunta sa Icecream stand kaso may lintik na umeksena.

"Io pinapatawag ka sa Office" sabi nung babae.

"Huh? Office?  Bakit daw?" Tanong ni Io sa babae.

"Ewan, sige una na ako." Sagot nung babae saka umalis.

Kainis mukhang naudlot pa yung libre sakin. Azar sagad to my kuya's lalamunan.

"Bakit kaya? Sige Avs una na ko next time na lang kita ililibre" paalam ni Io

"Samahan na kita?" Tanong ko sakanya

Umiling siya "Nope. Ayos lang mag titime na baka malate ka pa" sabi niya. "Bye!"

Yun nga dahilan kung bakit gusto ko sumama eh T_____T para makatakas, Math pa naman ang kasunod kainis.

Naiwan nanaman pala ako mag isa. Hayy lagi na lang.

Dahil maganda ako at mabait na bata pumunta na ako sa classroom namin para hindi malate sa next subject namin.

Feel na feel ko pa ang pag lalakad, tapos feeling ko lahat sila nakatingin sakin. Feelingera ko no? Wala na kayong magagawa don. Bakit? Simple, KASI DI KAYO YUNG AUTHOR mga echoserang to.

-------
NAPAKA WALANG KWENTANG UPDATE HAHAHAHAHA lakas loob kong mag Author's note kala mo naman may nag babasa hahaha XD lmfao. Pero sa mga nag babasa nga nito I love you so much! Sagad hanggang pores ni Avs.

Ang Feelingarang DYOSAUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum