Aphrodite and Friends

12 1 0
                                    

Lunes na ngayon at kasalukuyan kaming nag lalakad papuntang Cafeteria. "TABI! DADAAN ANG MAGANDA!!"

Sigaw ng maganda na si ako. Ha! At nag si-tabi nga ang mga peoplets. Good, Very very good.

"WALANG TATABI! DAHIL HINDI MAGANDA ANG DADAAN!"

Abat! Kinurot ko nga siya!

"Aray naman Avs! Pag yan nag peklat makakatikim ka talaga sakin ng uppercut! "-sabi ng bading na kasama ko habang tinuturo yung braso niya na kinurot ko.

Pathetic. I rolled my eyes. Oha! English yon!

"Gaga!" Sigaw ko sakanya.

Matapos ko siyang murahin ay nag patuloy na ako sa paglalakad papunta sa cafeteria. Feel na feel ko pa nga eh, bakit? Wala lang.

Curious siguro kayo kung sino yung kausap ko kanina no? Ipapakilala ko siya sa inyo kasi maganda ko.   She's Summer Ramirez. Isa siyang babae na naging bading. Napaka baho ng hininga niyan! Mutain pa. Ewwww gross! Harhar joke lang hahaha pero panget pa rin siya.

Actually tatlo kaming magkakabarkada at syempre ako pinaka maganda. Makikilala niyo yung isa mamaya wag kayong excited.

Nang nakaorder na kami ay humanap na kami ng mauupuan ayoko kasi kumain ng nakatayo, di bagay sa beauty ko yun.

"Hoy Avs ano? wala ka paring jowa?"-tanong niya sakin ng makaupo na kami.

Makapag salita. Kala mo siya may jowa wala din naman .

"Loka! Kahapon lang tayo nawalan ng pasok, ano? Makakahanap agad ng jowa? Ginawa ko muna mga assignments ko no #aralmunabagolandi"-sabi ko sakanya sabay hawi ng buhok.

Inirapan lang ako ng impakta "Echosera! Kaya pala nangopya ka sakin ng assignment sa math kanina" sabi sakin ni Summer with matching taas kilay pa.

"Asa! chineck ko lang kung tama yung sagot mo mamaya kasi mali mali sagot mo. Kawawa ka naman pangit ka na nga babagsak ka pa" sabi ko sa kanya

Well honestly nangopya lang talaga ako haha. Syempre no! Bakit ako aamin edi nagmukha akong tanga Hindi ako aamin, maganda lang ako hindi tanga. Naguluhan kayo ano? Ako rin eh wag kayong mag alala

"Grabe ka! Pero may chika ako sayo" sabi niya sakin with matching palo-palo pa. Hindi naman halata na excited talaga siya sa sasabihin niya.

Kung di niyo kasi maitatanong si Summer ang dakilang chismosa sa barkada namin. Hindi yan nahuhuli sa balita. Kung ako Goddess of Beauty siya Goddess of Chismis.

"Ano nanaman? Sasabihin mo nanaman na hindi na virgin si Karen? Alam ko na yon" walang ganang sabi ko sa kanya saka nag patuloy kumain.

Bigla naman niya ako pinalo. Gosh! Wala siyang karapatan paluin ang isang katulad ko! Ako kaya ang Goddess of beauty!  Goddess of Chismis lang siya!

"Hindi yon yung sasabihin ko!"

"Ano? Laspag na si Karen? Alam ko na rin yan" walang ganang sabi ko nanaman sakanya. Well hindi naman sa ano pero yung Karen na rin kasi ang nagkakalat non.

"Gaga hindi yun yung sasabihin ko!" sabi niya sabay pout

Yuckk! Mukha siyang fungus na nag pout. Gross! Eww! Kaderder!

"Eh ano ba sasabihin mo?! Bilisan mo na intense ka masyado sungalngal ko tong tinidor sayo eh"

Nako wag niya talaga ako iprovoke ngayon at meron ako.

"Ayy grabe! Ang sungit mo ha! Eto kasi--" bigla siyang lumapit sakin at bumulong. Mag katapat kasi kami ng upuan, nasa kabila siya ng lamesa, gets niyo? "Kami na ni Terence" kinikilig na sabi niya.

Ang Feelingarang DYOSANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ