Now Serving: 20th Chapter - Doubts

11.9K 155 19
                                    

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

Now Serving: 20th Chapter - Doubts

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

     "Jessica, anak, ayos ka lang ba talaga?"

     Ngumiti ako. "Opo, 'nay."

     Hinawakan ni nanay ang noo ko. "Hindi ka naman maiinit. Pero masama ang lasa mo kamo? Siya sasamahan kita sa ospital mamaya."

     "Ako na lang po, 'nay. May dadaanan din po ako mamaya kina Charity." Tumango si nanay at umalis na ng kwarto ko. Naligo na muna ako at nagbihis na. Pupunta ako sa ospital ngayon. Feeling ko kasi alam ko na ang nangyayari sa akin kaya lang ayokong pansinin. Natatakot ako. Naiinis ako. Ayokong may nakadepende sa akin. Ayoko.

     Pero wala rin akong choice kundi tanggapin ang lahat. Nang pumunta ako sa ospital, OB agad ang pinuntahan ko at napatulala na lang ako nang sabihin niya sa aking buntis ako. Pagkaalis ko ay dumiretso agad ako sa isang cubicle sa CR. Anong nangyayari? Sa totoo lang, ayoko nang subukan pa ulit ang sa amin ni Aizen. Ayoko nang magmahal ulit na siya ang involved. Pero my impulsive side took over. Maybe I don't think of playing with him a little, with those eyes pleading for some love, but I did really played around. Baka nga gumanti ako. Baka gusto kong ipamukha sa kanya na minsan sa buhay niya may nasaktan siya.

     At sinasaktan pa.

     Hindi ako ipokrita para sabihing wala na akong nararamdaman sa kanya. You can just say that loving him never ended, but was just buried deep like it never surfaced. Like it was some deep wound that left a scar that, in the same way, never left your skin. And it made me shiver. The thought of me loving him still just made me cold, cold enough to die with hypothermia.

     Umupo ako sa toilet bowl at umiyak sa mga palad ko. Is my baby be out of wedlock? Kung yun man ang mangyari, payag ako. But to think he's still married?

     Gusto kong makausap si Shan.

l lll ll ll l l ll ll l ll l l l ll l llll l l l l l ll ll l l

     "Gusto ko lang makausap ka."

     I am surprised seeing her here. Still as beautiful as before. Noon pa man nagagandahan na talaga ako sa kanya at alam kong napapasaya niya si Aizen. Aizen was just too blind not to notice that she's the reason why his eyes glows in a different light.

     Tumango ako. "Upo ka." Nang makaupo na siya, ngumiti ako at nagtanong, "Paano mo nalaman na dito ako makikita?"

     Tumikhim siya at tumitig sa mga mata ko. "I heard from Aizen that you have your own cafe and you often stay here. I just got lucky."

     Dumating ang waiter at inilagay sa harap namin ang dalawang tasang kape. Matapos nu'n, saka lang ulit ako nagsalita.

     "He's courting you."

     Tumango siya. Hindi ko na inaalis ang ngiti sa labi ko. Masaya ako para sa kanila. Sobrang saya.

     “Kasal pa ba kayo?”

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon