Now Serving: 5th Chapter - She's Hoping

23.1K 198 38
                                    

Ito ay Rated [R] o Restricted. SPG o STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY o STRICT PARENTAL GUIDANCE. Maaaring may mga maselang tema, lingguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga para sa mga batang manonood.

Hindi ko naman pwedeng sabihing "Patnubay ng magulang ay kailangan" dahil baka ireport pa ako sa kinauukulan. Kaya kung pwede, minors, 'wag niyo munang basahin. Kung 'di ko kayo mapipigilan, WAG NIYO NA LANG SILANG TULARAN, OKAY?


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Now Serving: 5th Chapter - She's Hoping

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

                Kakatapos lang ng klase namin. Isang linggo na lang tapos na. Hindi rin naman kasi ako honor kaya walang kaso kahit hindi ako pumasok. Tapos na rin naman ang exam kaya apat na araw kaming hindi nagkita ni Aizen.

               Nagmamadali akong umuwi, syempre, lakad. Walang pera eh. Ibang section naman kasi si Jessie, nasa honor ‘yun eh kaya hindi ko laging kasabay. Teacher’s pet kasi ‘yun.

                Pagkauwi ko, nandoon ang nanay.

                “O, Nay, bakit nandito kayo?”

                “Eh, pinauwi na muna ako ng Tita Virgie mo eh. Ang aga mo yata?” Si Tita Virgie ang bestfriend ni nanay na isang bugaw.

                Ngumiti ako. “May pupuntahan po ako eh.”

                Nakapamewang si Nanay. “At saan naman?”

                “Eh… Nay… may gusto po akong lalaki eh.. Pwede na po ba magboyfriend?”

                Napabuntung-hininga ito at lumapit sa akin. “Anak ang bata-bata mo pa para magkulong sa isang lalaki lang. Bedbugs sila, anak. And bedbugs if bitten you will really really hurt.” Patrying hard na sabi ni Nanay kaya napatawa ako ng bonggang bongga!

                “Nay naman eh! Trying hard tayong dalawa. Ganyan din ako mag-English minsan. You know, we alike, ha? Very much so alike.”

                Napahagikhik si Nanay. “Type mo ba talaga?”

                Tumango ako. “Try lang naman nay eh. Pag walang nangyari edi wag na lang.”

                “Sige na nga. Kaya mo na naman ang sarili mo diba?”

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon