Now Serving: 22nd Chapter - Home

11.2K 162 23
                                    

Pasensya na. I had trouble with my connection. Nakakainis tuloy. Btw, this chapter is for everybody. *u*

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

Now Serving: 22nd Chapter - Home

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

          Umalpas ako sa yakap niya at nagtatakbo sa loob ng bahay. Matapos ang ilang taon... matapos ang ilang taon nailabas ko ang hinanakit ko sa mundo, sa nangyari, sa tadhana.. sa kanya, kay Aizen. Naiinis ako. Nasasaktan ako.... Pinilit kong tumahan. Narinig kong lumabas bigla si Jessie nang pumasok ako. Hindi ko alam ang ginawa niya. Dumiretso ako sa kwarto.

          Bakit ba kasi kailangan pang maibalik ang lahat? Si Joey lang ang nakakaalam ng lahat at tumulong sa akin ng mga panahong yun. Ilang araw akong nawala... at hindi pa yun sapat para ipagluksa ko ang dapat ay anak ko.

          Why do I even let him be with me again? Wala na akong magagawa sa ngayon.

          Nakatulog na lang pala ako habang umiiyak. Paggising ko, gabi na.. at nag-aaway sina nanay at Jessie. Lumapit na lang ako sa may pinto at tahimik na nakinig.

          "Ano?!"

          "Umiyak na naman po siya nay."

          "Ano na naman bang nangyari? Bakit umiyak na naman si Jessica?!"

          "Nay narinig ko! Umamin siya kay Aizen! Kaya pala siya nawala noon bigla ay dahil nakunan si ate!"

          Tahimik na lang na napaluha si nanay. "Buntis ang kapatid mo ngayon! Wag mo na munang hayaang makita niya si Aizen.. Bakit ba hinayaan natin silang magkalapit ulit? Sakit lang ang dinudulot ng sakang na yon."

          Lumabas na ako at kumuha ng tubig. Kaharap ko sila. "Bakit kayo umiiyak, nay?"

          "Wala ito.. Wala.. Masakit lang ang ulo ko.."

          "Jessie, nakaluto ka na? Ako na ang magluluto."

          "Ako na, ate.." Hindi mapakali si Jessie.

          Tumawa ako. "Buntis ako, di ako imbalido. Echosera ka."

          Nagluto na ako at kumain na kaming lahat, sabay-sabay. Tanong nang tanong si nanay kung okay lang ba ako. I just nodded at her questions. I know she's just concerned. Kahit kailan naman kasi, hindi ko nabastos si nanay.

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon