Prologue

320 20 18
                                    

Keevia's note: The characters in this book below are, uh, red flags. Ay basta, bahala kayo kung ipagpapatuloy niyo pa din ang pagbabasa. Naglagay ako ng warning.


Cringe. Lame. Unedited.


Kaminari

Kaminari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Aside from the sun setting, the moon shining, and the stars twinkling, one of my favorite scenes is the rainbow after the hurricane. I love seeing it because it constantly reminds me that there is color in my otherwise gloomy life. Na kahit papano, mayroon pa din palang kaunting liwanag ang walang silbing buhay ko.



"I adopted you because I want you to marry one of my sons when the right time comes. Don't worry, honey. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo naman."


Napapikit ako nang muli na na namang maalala ang sinabi niya ni Tita Aursella na siyang kumupkop sa akin nang makita akong palaboy-laboy sa lansangan. Isang taon na din ako sa kaniyang pangangalaga at sa loob ng isang taon na 'yon ay ni hindi ko pa nasilayan ang mukha ng mga anak niya. Pangalan lang ang alam ko.


Wala din kasi silang litrato dito, e.


Kinagat ko ng mariin ang labi ko habang nakatayo sa tabi ni Tita Aursella. Kinakabahan ako. Ang sabi niya ay darating ngayon ang panganay niyang anak. "Oh my God! My son's here!" Tuwang-tuwa ang boses ni Tita habang nakatanaw sa kotse na itim.


Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Napangiti siya habang nakatingin sa mukha ko. "Ipapakilala kita sa kaniya."


Hindi ko alam kung anong iniisip ko, marahil dahil sa kaisipang ipakakasal niya ako sa kaniyang anak sa murang edad ay basta ko na lang kinabig ang mga kamay niya sa balikat ko at tumakbo palayo sa kaniya. "Kaminari!" narinig ko pa siyang tinawag ako.


Hindi ko man lang narinig sa boses niya ang inis dahil sa ginawa ko. Akala ko ay magagalit siya sa akin dahil hindi ko sinunod ang mga bilin niya sa'kin kagabi.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumigil ako sa tabi ng puno at doon saglit na namahinga. Naiiyak na napasapo ako sa mukha ko.


Ma, bakit ba kasi kailangan mo akong iwan ng maaga?


Hindi ko alam ang gagawin ko. Napunta ako sa mayaman at mabait na pamilya pero ganito ang magiging kapalit. Pakakasalan ko ang isa mga anak niya.


Rainbow After the HurricaneWhere stories live. Discover now