01

199 15 7
                                    

typographical and grammatical errors ahead.

Chapter-01

Not Again

As of the time of my arrival at Tita Aursella's home, it was 8:34 in the evening. As usual, the mansion was serene and silent. As I stared at the mansion, I couldn't help but think back on those times I spent here.

I noticed the huge changes in the mansion, particularly in colors and architectural styles. However, it still resembles the one I used to adore and appreciate the most. Huminga na muna ako ng malalim bago napagdesisyunang pindutin ang doorbell.

Ramdam ko ang pamunti-munting patak ng tubig sa aking balat, mukhang uulan pa yata ngayong gabi. Minuto lang ang hinintay ko at dahan-dahang bumukas ang malaking pulang gate ng mansion. Bumungad sa aking paningin si Manong Larry na siyang noon pa man ay driver at tagabantay ng gate ng mansion.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi nang mapatitig siya sa akin. "K-Kaminari, ikaw na ba 'yan, Hija?" namilog ang kaniyang mga mata nang mabilis akong tumango-tango bilang sagot sa kaniyang katanungan.

When I was a teenager, Mang Larry was the one that would play and chat with me, and I have to admit that it was fun. Staring at him right now has made me realize how quickly time passes. Puti na ang noon ay itim na itim niyang buhok, medyo kumukulubot na rin ang balat niya, senyales ng pagtanda niya.

"Ikaw nga!" pagkumpirma niya matapos niya akong pasadahan ng tingin. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap at mabilis din akong pinakawalan nang maramdaman ang munting patak ng tubig.

"O'siya, pumasok ka na sa loob at inaasahan ni Tita Aursella mo ang pagbisita mo rito dahil nalaman niyang dumating ka na rito sa Pilipinas." With a kind smile, he welcomed me and opened the large gate widely.

Sinamahan niya rin ako sa paglalakad papasok sa mismong mansion habang malapad ang ngiting nakikipagkuwentuhan sa akin. Tuwang-tuwa dahil sa wakas ay muli na naman kaming nagkita. "Nandiyan po ba si Tita? Kumusta po siya?" tanong ko matapos kong maupo sa sofa.

"Ah. Nasa taas, hija. Ikaw na lang siguro ang pumunta sa kuwarto niya." tipid siyang ngumiti. "Nagpapahinga na kasi iyon sa mga oras na 'to," he said, raising his hand to indicate the upstairs.

I cocked my head to the side when I heard what Manong Larry said. I remembered what Ry had said earlier in the day. His words stayed in my mind the whole day. Is there something wrong with Tita Aursella?

"Uhm... Manong, may nangyari ba kay Tita?" hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at naitanong ang kanina lang ay katanungan sa aking isipan.

Kumunot ang kulubot nitong noo at takang napatitig sa akin. "Hija, hindi mo pa ba alam?"

Kinabahan ako habang diretsong nakatitig sa mga mata niya, naghihintay na ituloy niya ang sasabihin niya. "Ang alin po?"

"Ano na nga ba ulit ang tawag nila sa kondisyon niya?" tanong nito at saglit na nagsalubong mga kilay niya. "Hindi ko na matandaan, basta hindi niya magawang igalaw ang ilang parte ng katawan niya. Sa ngayon ay ang wheelchair ang nagsisilbi niyang paa." tumingin siya sa akin at malungkot na ngumiti.

"Hindi na nga rin siya ang nagpapasuweldo sa amin dahil napunta ang lahat ng pera niya sa mga sakim niyang kamag-anak." namilog ang mga mata ko sa narinig.

"H-Huh? E, sino po ang nagpapasuweldo sa inyo ngayon?" I asked, but while I waited for his response, the nervousness that was slowly eating my body caused me to swallow hard.

"Si Señorito Beaux sa ngayon ang nagpapasuweldo po sa amin," mabilis niyang sagot. "At kung hindi rin ako nagkakamali, nasabi ni Madame Aursella na siya na rin ang nagpapa-aral sa'yo..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 8 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rainbow After the HurricaneWhere stories live. Discover now