Thirty-fourth

874 33 11
                                    

"Mag-usap tayo," ulit ko dahil hindi siya gumalaw.

Nanatili lang ang mata niya sa akin, pinapanood ang bawat kilos at reaksyon ko. Nabigyan din tuloy ako ng ilang sandali para matitigan siya...nang ganito kalapit. Halos nalimutan ko kung paano huminga.

Pakiramdam ko man ay tumangkad ako ng kaunti, nakatingala pa rin ako sa kanya. Lalong lumapad ang mga balikat niya at ang suot na polo shirt ay banat na banat sa bandang braso. Napalunok ako. Sa anim na taon ko rito sa Japan, wala ni isa akong nakasalamuhang ganitong lalaki. Walang sinumang umagaw ng atensyon ko dahil lang sa braso.

Ayaw ko nga lang ipakita ang epekto niya sa akin. Sumimangot ako at pairap na inilipat ang mata sa mukha niya...na sana pala ay hindi ko ginawa dahil muntik na akong mapaatras.

Diretso ang titig niya sa akin, mariin na akala mo'y kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko. O di kaya'y binabasa ang laman ng isip at kaluluwa ko. Dahil sa natural na makapal na kilay, nagmumukhang madilim ang ekspresyon ng mukha niya kahit pa may natatanaw akong pagpungay doon.

Unti unti, kumuyom ang kamao niya, naglinya ang labi at umatras ng isa palayo sa akin. Hindi ko inasahan iyon. Na ayaw niya talagang makipag usap at parang siya pa ang takot sa akin ngayon.

"Ang sabi ko, mag usap tayo," ulit ko dahil parang masyado na siyang nalunod sa kung anong iniisip ko.

Nakita ko ang paglunok niya at ang lalong pagkunot ng noo.

"I..." umpisa niya sa napapaos na boses.

Kahit ang boses niyang ganito ay hindi ko akalaing magpapataas ng balahibo ko. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko, at parang ako ang aatras kung patuloy na ganyan ang intensidad ng titig niya.

"...badly want to talk to you, Yassi. I really want to," aniya sa mahina ngunit determinadong boses.

Naikuyom ko ang dalawang kamao. "Kaya nga bumalik ka sa upuan."

"I might trigger your panic attacks," he said it carefully.

Nahigit ko ang hininga sa kakaibang pisil na naramdaman ko sa puso. Kaya ba iwas na iwas siya sa akin na kahit magkabanggaan kami ay hindi niya man lang ako babalingan? Ayaw niyang atakihin ako katulad ng una naming pagkikita.

Mainit na luha ang namuo sa gilid ng mata ko. Ayaw ko nang bigyan pa ng malisya ang lahat ng galaw niya pero...nahihirapan ako.

Kaya hindi ako sumagot at nagdiretso na lang sa mesa niya. Umupo ako roon kahit pa unti unting nabablangko ang utak ko sa kung ano ba ang dapat naming pag usapan.

Ilang malalalim na paghinga ang pinawalan ko para maibalik ang wisyo. Lalo pa dahil sa gilid ng mata ko ay kita ang mabagal na paghakbang niya palapit.

"Fine," bulong niya, parang galit sa sarili, bago naupo sa tapat ko.

Ipinatong niya ang dalawang braso sa ibabaw ng mesa, halos sakupin iyon. At dahil naroon din ang mga kamay ko, bahagya iyong nasagi ng kanya. Isang mabilisang dampi lang, nagkukumahog na naman ang puso ko sa pagpintig.

Ano ba, Yassi?!

"I'm sorry," agad niyang paghingi ng paumanhin sabay atras.

Umirap ako bago diretso siyang tiningnan.

"Ano ang plano mo?" I asked through gritted teeth.

Mabilis na pagkunot ng noo ang naging tugon niya. Hindi ako nagbaba ng tingin. Nilabanan ko siya. Kaya lang, habang nagtatagal kami ng titig ay unti unting bumabagsak ang galit ko sa talim ng mata niya. Parang ako pa ngayon ang may ginawang mali!

May halong panghuhusga at disgusto ang paraan ng paghagod ng mata niya sa mukha ko. Pati ang pag igting ng mga panga niya na dati ay gustong gusto kong nakikita, ngayon ay dahilan na ng kaba ko.

Pawned (Gold Digger Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora