Thirty-fifth

874 28 7
                                    

"Ay nako! Gusto lang nyan ng sex!" si Shylene nang ikwento ko sa kanya ang naging pag uusap namin ni Jarreau.

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Ang tagal ko siyang tinitigan, lito at parang noon lang naisip na may punto siya.

"Huwag mong sabihin na nagpapaniwala ka na naman diyan?"

Wala naman talaga akong balak na sabihin o ikwento sa kanya ang nangyari at balak kong itagong lihim na lang iyon... kung hindi lang niya nakita kanina sa baba si Jarreau pagkatapos akong ihatid.

Actually, ilang linggo na nang una itong sumubok...

"Anong ginagawa mo rito?" gulat kong asik nang makita siya sa labas ng classroom ko isang hapon.

Mabilis akong luminga linga sa paligid para tingnan kung may tao. Attention magnet siya rito sa eskwelahan, hindi lang dahil sa posisyon niya rito kundi dahil kahapon lang ay nagkaroon pa yata ng issue tungkol sa kanila ni Teacher Kazumi.

Nakita raw kasi ito ng isa sa mga teachers na umiiyak sa CR. Hindi sinabi ang dahilan ngunit ang suspetsa ng marami, tungkol sa kung anong relasyon nila ni Jarreau. Sabi ng iba, baka raw nakipaghiwalay si Jarreau dahil may iba nang babae.

Ayaw kong madamay sa gulong iyon at mapagbintangang nanira ng relasyon.

"Are you done with work?" tanong niya, hindi pinansin ang nauna kong tanong.

"No," pagsisinungaling ko.

Nakatayo ako sa pintuan at nang humakbang siya ng isa, wala sa sarili akong napaatras. Dahilan iyon kaya madali niyang napasok ang classroom ko.

Naupo siya sa isa sa mga upuan sa unang row at komportableng ipinatong ang parehong braso sa mesa noon, parang isang masunuring estudyante.

"I'll wait for you here while you're finishing your works."

Mabilisan ang pagsimangot ko.

"Bakit?"

"I'll ask you out for a dinner," kaswal niyang sabi.

Pagak akong natawa.

"Busy ako. Hindi ako available."

"Ihahatid na lang kita sa inyo?" his next option.

Ngunit maging iyon, inilingan ko.

"Kaya kong umuwi mag-isa. Salamat. Makakaalis ka na," pagtanggi ko at saka isa isang inayos ang mga gamit.

Naalarma, tumayo siya at lumapit sa akin. Tumama ang balikat ko sa bandang tiyan niya. Agad din naman siyang lumayo nang napansing napaigtad ako sa ginawa niya.

"I'm courting you... remember?" aniya habang may mapaglarong ngiti.

Umirap naman ako. Nakabayad na ako sa utang ko sa kanya kahapon pero sa halip na gumaan ang pakiramdam, parang lalo pa akong namroblema. Alam ko nang magsisimula na siya sa pangungulit. Hindi ko lang inasahan na dito talaga sa school.

"Hindi ako nagpapaligaw sa trabaho, Mr. Dela Siervo."

"Really?" Tumaas ang kilay niya. "Then I'll go to your house and meet your aunt and cousin--"

"'Yan ang huwag na huwag mong gagawin!" sabi ko na may pagduro pa sa kanya.

Baka si Shylene ang makapatay sa kanya kung sakaling makita siya sa bahay. At ako naman, mamatay sa kahihiyan. Siguradong sangkatutak na sabunot at pang aasar ang aabutin ko sa pinsan.

Tinaasan niya ng kilay ang daliri kong halos ay nasa ilong na niya, hindi pa rin naaalis ang ngisi.

"Sa restaurant ninyo na lang. Hihintayin kita," sabi niya bilang pagsuko.

Pawned (Gold Digger Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora