Chapter 16

1.1K 60 7
                                    

Freya

Sobrang wasted ng mga kaibigan ko ngayon. Kami lang ni Athena ang natirang matino at nagliligpit dito sa condo. Kahit si Astrid na mataas ang alcohol tolerance hinahalikan na yung sahig. Si Justin sa CR na nakatulog akap yung bowl buti na lang di sya sa floor nagsuka. Si Amber naman nasa sofa nakabaluktot. Napailing na lang ako sakanila at nagmadali na magligpit.

"Besh medyo di makatarungan tong ginawa nila satin. Isipin mo tig-isang can lang yung pinayagan nilang inumin natin tapos eto sila lasing na lasing tapos tayo yung nagliligpit."

"Hayaan mo na. Birthday naman ni Astrid eh. Tska nagenjoy ka din naman pagtripan sila."

"Ayan tayo eh, porket manliligaw mo kinakampihan mo na. You ouch me."

"Besh, kung may kinakampihan ako edi sana di ako pumayag na drawingan mo yung magandang mukha ni Astrid. Tignan mo mukha syang tuta oh."

"Cute naman eh. Picturan natin pala dali."

Napailing na lang ako at kumuha na din ng picture. It was a rare sight na ganto si Astrid. Ang cute cute nya. Kinuhanan din namin yung dalawa pang blackmail lang.

Natapos na kaming magligpit ni Athena. Una na naming pinagtulungan ihatid si Justin doon sa Guest room ni Astrid.

"Pota Kuya Justin ang bigat mo."

Reklamo ni Athena.

"Besh di na sasagot yan. Offline na, halos buhatin na nga natin e."

Pabagsak na inihiga na namin sya sa kama at kinumutan.

"Bes dun na lang tayong apat nila Astrid sa kwarto nya. Malaki naman space pwede naman kami sa baba na lang ni Astrid."

"Okay lang girl. Kami na lang sa baba."

Buti na lang yung kama ni Astrid may pull-out bed.

"Okay sige. Ikaw na bahala sa Girlfriend mo ha. Inayos ko naman na yung kwarto. Alalayan ko na si Astrid."

Pinuntahan ko na si Astrid na hanggang ngayon ganon pa din ang pwesto.

"Astrid?"

Tinapik ko sya ng bahagya pero di umimik ito.

"Astrid tara na sa kwarto mo. Madumi yung sahig oh."

"..."

"Lalamigin ka dyan, dun ka sa kama mo matulog huy."

"..."

"Stephanie Astrid Ortega, pag hindi ka pa umayos at tinulungan sarili mo uuwi ako sa bahay at bahala ka sa buhay mo."

Nagulat ito nung medyo tumaas ang boses ko at biglang napaupo dahilan para mahilo ito at sumubsob sakin. Nakapikit pa din ito.

"Sabi mo di ka uuwi *Hic* tapos dito ka tutulog? *hic* Di pwede dito ka *hic* lang. Wala ako *hic* kasama."

Parang batang pigil nito saakin at sinisinok dahil sa kalasingan. Medyo naguilty naman ako.

"Ikaw kasi, inom inom ka ng sagad di mo na pala kaya. Pwede namang umayaw eh."

"Sorry na. *Hic* di ko na *Hic* uulitin. Wag ka na *Hic* magalit."

Niyakap ko na lang ito at hinimas himas ang likod.

"Kaya mo tumayo?"

"mmhmm, pero nasusuka ako."

"Pigilan mo muna, alalayan kita papuntang CR."

Dahan dahang itinayo ko sya at nilagay yung kaliwang kamay nya sa balikat ko at ang kamay ko sa bewang nya. Naglakad na kami papunta sa CR.

"Konti na lang. Dahan dahan."

Stay, Stay, Stay (FreenBeck)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon