Chapter 22

1.1K 45 23
                                    

Freya

Tapos na ang counting ng mga votes and na post na din ang results. Unfortunately di kami nanalo ni Athena. It was a closed battle, we almost won. Konti lang ang lamang samin ng kabila. Me and Athena were sad at first dahil nadisappoint namin sila Astrid pero tinawanan lang kami ng mga ito.

"You both did great and we are proud of you regardless of the results. You both did your best, wala kayong dapat ikalungkot don."

Paliwanag ni Justin.

"At kahit natalo kayo tuloy pa din tayo sa beach. Pumayag na sila Mommy na gamitin natin yung rest house."

Dagdag naman ni Amber. Tumingin naman ako dito sa katabi ko na walang imik kanina pa at nakatulala lang

"Astrid? Galit ka ba?"

She looked at me at umiling.

"No, why would I? I've already told you na no matter what the result is, proud ako sayo."

Ngumiti ito at niyakap ako. So I hugged her back and smiled.

"Sakit nyo sa mata."

Angal ni Justin.

"Mas masakit ka sa mata. Ang panget mo."

Patol naman ni Astrid.

"Ay gago pre ginanon ka ba naman. Payag ka non?"

"Panget man sa iyong paningin ay pinagkakaguluhan din."

"Amaccana Justin. Mukha kang mangga."

Pang-aasar ni Amber kay Justin.

"Pakyu."

Natawa naman kaming lahat. Maya maya pa ay nagkayayaan na umuwi. Tahimik ang naging byahe namin ni Astrid hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Pinagbuksan nya ko ng pinto ng kotse.

"Salamat sa paghatid."

Ngumiti naman ito ng matamis at niyakap ako.

"Di ko alam kung nasabi ko na sayo to Freya. Mahal na mahal kita."

First time nya sinabi yon sakin, simula nung nagumpisa sya na ligawan ako. Lumakas ang tibok ng puso ko.

"You don't have to answer back. Gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko."

Naramdaman ko na medyo humigpit ang yakap nya.

"Ikaw yung pahinga ko sa nakakapagod na mundo. Please stay with me for a long time. Hmm?"

Tumango ako at niyakap sya pabalik.

"O sige na pasok ka na. I'll see you tomorrow."

Kumalas na sya sa yakap. She stepped back and smiles. Naglakad na ko papasok ng bahay. I looked back at her and she is still smiling as she waive her left hand. I waive back at her bago tuluyang pumasok sa bahay.

Mabilis na lumipas yung mga araw. Di namin namalayan na midterms nanaman. Di naman ako pinabayaan ni Astrid, tinuruan nya ko sa Math subject ko kaya confident ako na itake yung exams. Araw araw na sundo at hatid nya pa din ako, pag wala naman sya ay binibilin nya ko kila Amber. Every weekend after work ay dinedate nya ko. Halos ata lahat ng nagtrending na kainan sa tiktok napuntahan na namin, madalas din na pumupunta kami sa usual spot namin sa Rizal.

"Good luck sa exam babe. Kaya mo yan, let me know when you're done. Sunduin namin kayo. Kain tayo after."

Last day na ng exam ngayon kaya makakahinga na kami after nitong araw na to.

"Thank you Astrid. Ikaw din galingan mo."

Niyakap ko ito at mabilisang hinalikan sa pisngi bago pumasok sa room. Di ko na inintay na magreact pa sya dahil nahihiya pa din ako pag ako yung nag iinitiate ng physical contact sa kanya.

Stay, Stay, Stay (FreenBeck)Where stories live. Discover now