Chapter 20

1.2K 54 22
                                    

Freya

Tapos na yung class namin today. Naglakad na kami ni Athena palabas. Hindi ako sinundo ni Astrid sa room ngayon. Naiirita ako.

"Ewan ko na lang kung di magdugtong yang kilay mo. Kanina ka pa nakasimangot."

Di ko sya inimik. Naiinis ako. Imbis na suyuin ako. Hinayaan lang ako. Palabas na kami ng building nang sikuhin ako ni Athena. Sinamaan ko ito ng tingin pero nginuso nya lang yung entrance ng building namin kaya sinundan ko yung tingin nya.

Andun si Astrid nakatayo may hawak na milk tea, bouquet ng white lilies, at salmon sushi na paborito namin. Lahat ng madaanan sya ay binabati sya at di maiwasang magtaka.

"Girl, ang haba ng hair mo. Isa sa campus crush eh patay na patay sayo."

"Shut up, Yna. May makarinig sayo."

"Eh ano naman. Kapag naman inabot nya sayo yan, malalaman din ng madla. Tska be proud no, ang ganda ganda ng manliligaw mo tapos walking green flag pa. Kung ako yan, iwawagayway ko yan maghapon at magdamag."

"Manahimik Yna. May Amber ka na. Akin lang yon."

"Girla, di ko naman inangkin. O ayan nakita ka na, palapit na sayo."

Ibinaling ko ang tingin ko kay Astrid at naglalakad na nga ito palapit sakin. Nang magkalapit kami ay inabot nya sakin yung flowers.

"Babe sorry na. Sana mapatawad mo ko. Miss na po kita and please let me explain."

Tumingin ako sa mga mata nya. Kita ang bakas ng lungkot dito at naluluhang mga mata. Kinuha ko na yung flowers at hinila na sya sa parking lot dahil medyo pinagtitinginan na kami ng ibang students and some of them are taking our photos.

Si Yna naman ay nakasunod lang samin dahil magkatabi lang yung kotse ni Amber at Astrid. Pagkadating namin ng Parking lot ay huminto na ko sa paglalakad at humarap na ako dito para makapag-usap kami. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.

"Go and explain yourself. Makikinig ako."

Astrid

Inumpisahan ko ng ikwento sakanya yung history namin ni Ashley hanggang dun sa tinawag nya ko sa mall. Pero imbis ata na mawala galit nya ay lalo pa sya nagalit. Namumula yung tenga nya.

"Babe okay ka lang? Namumula yung tenga mo."

"May screwdriver ka sa sasakyan di ba? Pahiram ako."

"Bakit ano pipihitin mo?"

"Yung tagiliran ng ex mo. Ggripuhan ko lang."

"Babe naman, baka naman mauna ka pang maging kriminal kaysa abogado nyan. Wag mo na patulan."

"Kinakampihan mo?"

"Hindi. Ayoko lang maging kriminal ka."

Sabi ko dito at niyakap ko ito.

"Astrid?"

"Hmm?"

"Next time if this happened again make sure to tell me right away."

"Opo. Sorry kung nag-overthink ka."

"Sorry din kasi nasigawan at napahiya kita kaninang umaga."

"It's okay. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Gusto mo kiss pa kita sa gitna ng campus."

"Gaga, I want us to be lowkey. Mas maraming nakakaalam, mas maraming makikialam."

"Anything you want babe."

I said while still hugging her.

"Batuhin ko kaya kayo ng tae dyan?"

Amber said na halos kararating lang. Si Athena naman natatawa lang.

Stay, Stay, Stay (FreenBeck)Where stories live. Discover now