Sixth Chase

356 22 15
                                    

Sixth Chase


[ CAT ]


"Joy!" Nakita kong tumakbo palayo si Joy habang tinatawag siya ni Liam.


Hala? Anong meron?


Lumapit ako kay Liam. "San pupunta si Joy?"


Tumingin siya sa'kin at parang nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ko. "I messed up."


"Ha?"


"Tara, sundan natin si Joy." Dumiretso sa hagdan si Liam at bumaba siya. Sumunod naman ako sa kanya kahit hindi ko pa rin naiintindihan kung anong nangyayari, hawak hawak ko pa yung sketch pad ko. "Wala na siya dito." Lumingon si Liam sa paligid nung makarating kami sa first floor.


"May idea ako kung nasan siya," sabi ko kay Liam tapos hinatak ko siya papunta sa likuran ng building, doon sa garden na pinagtaniman namin sa Earth Science na klase namin last year. Madalas kasi kaming tumambay ni Joy doon last year kapag wala kaming klase dahil nakakarelax doon.


Pagdating namin doon, nakita ko si Joy na nakaupo sa ilalim ng isang puno ng mag-isa. Lalapitan ko sana siya pero hinatak ako pabalik ni Liam.


"Bakit?" May tinuro siya at sinundan ko ng tingin yung kung ano mang tinuturo niya. Doon ko lang napansin si Kael na naglalakad papunta kay Joy. Umupo si Kael sa harap ni Joy. Nakita kong umiiyak pala yung best friend ko. "Umiiyak si Joy. Ano na naman bang ginawa nung Kael na 'yan?" Lalapitan ko sana ulit pero hinatak na naman ako pabalik ni Liam.


"Ako yung nagpaiyak sa kanya," seryosong sabi ni Liam.


Tinignan ko siya ng nagtataka and he sighed, pero hindi siya nagpaliwanag.


"I like you, Kael. I really like you." Nanlaki yung mga mata ko nung marinig kong sinabi 'yun ni Joy.


Like? Gusto niya si Kael? Akala ko ba crush lang? Pero kung iisipin... ano nga bang pinagkaiba nung dalawang 'yun?


Hinila ulit ako ni Liam. "Tara na, umalis na muna tayo dito," bulong niya sa'kin.


This time, nagpatangay na lang ako sa kanya.


Nagulat ako nung hinatak ako ni Liam papunta sa fire exit sa tabi ng library sa second floor.


Tumigil ako at binitawan niya ko. "Bakit?"


"Hindi ba bawal pumunta sa fire exit?"


"Medyo."


"Anong medyo ka diyan?!"


Tumawa si Liam. "Okay lang 'to. Lagi akong pumupunta dito pero kahit kailan, hindi naman ako nahuli." Binuksan niya yung pintuan papunta sa fire exit at lumabas siya doon.

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon