Eleventh Chase

302 20 10
                                    

Hi! Kahit pa feeling ko lahat naman ng nagbabasa nito nabasa na yung Chasing Mr. Right, just in case lang na merong hindi pa... Warning lang, baka maspoil kayo ng kaunti sa CMR dahil dito. Read at your own risk haha.


Eleventh Chase


2nd year high school. October.


[ CAT ]


"Kuya!" Tawag ko kay Liam na nakaupo sa plant box sa tapat ng room namin. Pasaway talaga 'to, ang alam ko bawal umupo doon eh.


Tumingin siya sa'kin at kumaway, "Oy, boss." May kinakain siyang lollipop tapos inabutan rin niya ko ng isa.


"Thanks!" Pinanood ko siya habang binubuksan ko yung lollipop. "Uy."


"Oh?"


"May girlfriend ka na daw? Na third year?" Puro yun na lang kasi yung naririnig kong chismis sa room. I mean, may mga naging girlfriend na rin si Liam simula nung nagtransfer siya dito ngayong taon pero lahat puro ka-batch lang nami. Pero ngayon kasi, third year yung girlfriend niya at for some reason, ginagawang big deal nung classmates namin kasi higher year.


Tumawa si Liam. "Wow, ang bilis ng balita! Astig. Oo, naging kami last week." Sinuntok suntok ko siya sa braso tapos muntik pa siyang mahulog kaya bumaba na siya sa plant box. "Aray! Bakit?"


"Di mo man lang sinabi sa'min!" Sinamaan ko siya ng tingin.


"Bakit pa? Di naman seryoso yun. Iisipin lang nyang seryoso kapag pinakilala ko pa sya sa mga kaibigan nyo, sa inyo. E di magkaiba pa kami ng expectations."


Tumigil ako sa pagsuntok sa kanya at napaisip. "Di ko gets yung logic, Kuya."


Umakbay sa'kin si Liam and he looked at me patronizingly. "Wag mo nang isipin yun, bata ka pa."


Sinino ko siya at tumawa siya.


"Kung di ka seryoso sa kanya, bakit mo niligawan?"


"Simple. Crush ko siya at nagagandahan ako sa kanya."


"Yun lang?!"


"Hmm. Tsaka malungkot ako."


"Ha?"


"Malungkot pag walang girlfriend," sabi niya tapos tumawa siya.


"Ang labo mo."


He just shrugged. "Oy, boss, anong sinalihan mong sa Intrams?"


Intrams week na kasi namin ngayon. Ngayong lunes at bukas, half-day lang yung classes dahil puro games na lang sa hapon habang mula Wednesday hanggang sa Saturday ay puro competitions na lang buong araw. Panay asaran na naman tuloy ng iba't ibang batches dahil sobrang competitive ng mga tao pagdating sa intrams.

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now