Chapter 5: Wrong

11 2 0
                                    

CHAPTER 5

ALEJANDRO MANUEL MARIANO'S POV

Lumakad ako saan-saan. Kasi wala akong mapuntahan.

Saan ba ako pupunta? Hindi ko nga alam nasaan na ako? Bru

Natatakot na ako dito sa past world. Parang isang maling galaw mo lang, patay kana agad dahil sa striktong batas.


May nakita akong isang babae na nawawala. Kaya pumunta ako sa kanya kasi parang kailangan niya ng tulong.


Papalapit na ako sa kanya at nakita ko ang mukhang nababahala na parang mero'ng nawawala o siya ang nawawala.

"Nawawala ka ba?" Sabi ko sa kanya na nakangiti na nagsasabi na hindi ako kaaway o kalaban. Hindi kagaya no'ng lalake na kausap ko na tumitingin lang sa babae na sugat-sugat. Parang walang puso, hindi man lang siya naawa. Nakakapanibago lang sa 'kin 'tong mga bagay-bagay na iba sa modern world. Kasi sa modern world, nire-respeto ang iilang mga babae, dahil mero'ng batas na promo-protekta sa mga kababaihan.

Nakakainis isipin ang nangyari sa babae. Sugat-sugat na nga, hindi pa nila tinulungan! Sino ba kasi ang gumawa nang batas na walang kwenta! Mga mahihirap lang ang babayad ng buhis at sa mamayan pa papunta. Saan ba ang hustisya nito?

"Hindi po" Sabi niya sa akin. At lumilingon sa paligid at nababahala at nakakunot-noo.

"Bakit ka tumitingin sa paligid? Sure akong may hinahanap ka." Sabi ko sa kanya. Tinignan ko ang mukha niya at nagtataka siya sa akin ng dahil sa sinabi ko. "Ahm, may hinahanap ka talaga, no?" Sabi ko sa kanya.

"Wala po talaga." Sabi niya sa akin at umalis. Napipikod siguro siya sa akin. Nakakunot-noo siya bago umalis. Tinignan ko siya papalayo sa akin.

Bat naiinis pa siya? Tutulongan ko nga siya, siya pa ang galit. Ang batas siguro. May batas siguro na pinagbabawalan ang mga kababaihan na mag-uusap sa lalaki. Bro, I need you right now. Nakakatakot dito!

Wala talaga akong magawa kundi ang mag lakad lang sa hindi ko alam na lugar. Nawawala na ako pero wala na akong pake alam kasi kailangan ko nang matitirhan. Kung mag mamakaawa pa ako sa kanila para makahanap ng matitirhan gagawin ko iyon.

Kung makukulong ako para makahanap ng matitirhan... Malamang hindi ko 'yon gagawin. Sino ba naman ang walang utak na tao na magpapakulong lang para sa matitirhan. Okay, na ako na walang matitirhan basta hindi ako makukulong at gawing bahay ang kulungan. Ngii.. never ko 'yon gagawin.

__________________________

Tanghali tapat at ang init.

Why it's so d*mn hot right now?! Nakakasira ng balat! Kailangan ko na talagang makakita ng matitirhan.


May nakita akong bahay sa kagubatan. Parang wala nang tumitira doon kasi feel ko lang, di ako sure.

"Wala na sigurong tumitira dito." Haminang sabi ko sa sarili ko at pumasok ako sa bahay. Hindi siya gaano kalaki pero okay na din kasi meron na akong matitirhan at matutulogan.


Ang kalat ng bahay at ang bumi parang ang nagmamay-ari nito ay iniwan lang. Hindi man lang tinakpan ng tila ang mga gamit. Tska, bakit niya iniwan ang mga gamit dito? Ang dami pa kasing mga gamit na nakakalat sa paligid ng bahay.


"Linis ko nalang ito mamaya. Naaantok na ako. Ah.." Sabi ko sa sarili at humiga sa sofa. Ang lambot noon at napaka comportable. Nakatulog agad ako dahil sa pagod.

_____________________________

ASHLEY KATE GEMEN'S POV

"Ma." Bati ko kay Mama at nag mano, bilang galang sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving You Since 1542Where stories live. Discover now