Chapter 1

29 2 0
                                    

“Chameleon, come in. What's your status?” mahinang tanong ng Captain nila mula sa earpiece na suot.

“Still single as before, Sir, and will be forever single.” August's AKA Chameleon as disguise, lips twitched upward dahil sa pinipigil na ngisi ngunit bakas sa boses ang pagbibiro habang patuloy sa dahan-dahan at maingat na paghakbang. Nakasandal sa kanang balikat ang butt ng M16A 5.56 Caliber habang nakakiling ng bahagya ang ulo at nakatutok sa scope ang tingin.

“Asshole!”

Rinig rin niya ang halos sabay-sabay na mahinang tawa ng iba pa nilang kasama and some of them smirks.

“Naglaro na naman ang mga bata sa oras ng mission. Be serious, guys . . .” It’s Arabelle Martin’s voice AKA Black Iris. Maririnig pa ang sunod-sunod na malalim na paghinga nito tanda ng mabilis na pagtakbo. “Black Iris is in position.” Dugtong nito makalipas ang ilang segundo.

“Roger that. But please be careful, babe, and don't act recklessly or else, I’ll spank that beautiful ass of yours until you can't walk anymore.”

“I’d rather you do it with love, passion, and desire, Capt, so I could anticipate the feeling. And probably not here in talahiban, in some romantic place naman.” The grimace in her voice is visible.

“Damn!” Cpt Blake Mondragon AKA Blue Viper swears.

“Wew!” sabay-sabay na sipol ng mga kasama nila. Maging siya ay napangisi na lang sa birong-totoo na ligawan ng dalawang ito. But it's not the normal courtship where man chases the woman. It's the other way around. Dahil ang dalaga ang bumubuntot dito saan man ito magpunta.

“Sagutin mo kasi si 1Lt Martin, Buddy at baka ako pa ang magtanan d’yan.” It's Cole Andrada AKA Copperhead on the other side.

“Mind your own business, 2Lt Andrada or you'll regret afterwards.” Halata na ang asar sa boses ng kanilang Kapitan.

“Buddy, alalahanin mo . . . masakit din sa katawan ang five hundred push-ups.” Ngising saway niya. Nang marating ang dapat eksaktong p’westo ay agad na lumuhod at nagkubli sa nagtataasang damo. Still in firing position at hindi inaalis ang mata sa scope habang isa-isang sinusuyod ang magiging target.

Kung sa normal na mata ay hindi siya mapapansin at aakalain na isa lamang sa mga talahib doon. Sapagkat bukod sa suot camouflage at camouflage face paint ay mayroon ding nakabalot ng mga halaman buong katawan niya as disguise. Hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanilang lahat.

“Chicken, basta mapasagot ko lang ang nag-iisang Black Iris ng Classified.” Copperhead chuckles habang ito naman ay nakadapa at sa abandunadong building ang attention.

“Men, attention! Bug, how’s the area?” Blue Viper’s serious and full of authority voice.

Ang tinutukoy nitong Bug ay ang kanilang IT master na si 2nd Lt Clark Fuentes ng Intelligence Unit at kasapi rin ng Classified. Maririnig rin sa earpiece ang mabilis na pagtunog ng keyboard.

“The whole area is clear and normal, Sir! Tila walang kaalam-alam ang mga target sa ating paglusob.” Bug’s confirmed.

“How about the package?” Ang package na tinutukoy nito ay isang asset na itinanim ng gobyerno para tiktikan ang kilos ng grupo ni Termite. Pinuno ng isang malaking sindikato sa bansa.

Nitong mga nakalipas na dalawang taon ay sunod-sunod ang pananalasa ng mga ito. Mapa-smuggling, kidnaping, human trafficking, drugs, at ang mas ikinababahala ng mga kinauukulan ay ang pagsuporta nito ng mga illegal high caliber firearms and ammunition sa mga kilalang kilusan dito sa bansa.

“Package spotted, Sir. I will be the one who will take in-charge of her hanggang sa mae-rescue s’ya.” Callum Matias AKA Mantis, their sniper, assured. Nasa mataas na bahagi ito kung saan kita-kitang ang buong area ng lulusubin nila.

“Roger that. All units, confirm your position and targets!” utos nito sa kanilang lahat na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng area at handa na sa paglusob.

“Copperhead here, targets confirmed and ready to assault.”

“Leopard in position.”

“ Rouge is in position.”

“ Mantis in position with three targets confirmed.”
 
“Black Iris, targets confirmed.”

“Chameleon is in position with two confirmed targets.”

“Okay, men, get ready! On my command.” Signal nito sa kanila para sa paglusob. “In three, two, one.”

Sabay-sabay na inasinto nila ang mga kalaban gamit ang kani-kanilang armas. Halos walang marinig sa paligid kundi ang mahina at matinis huni na nagmumula sa dulo ng kanilang mga baril na may silencer.

Halos sabay-sabay ring bumagsak ang mga kalaban na hindi na nagawang makagawa pa ng kahit konting ingay.

“Move! Move! Move!” Mula iyon sa Kapitan nila.

Mabilis ang mga galaw at walang kaingay-ingay na kumalas sila sa kani-kanilang kinaroroonan. Some of them approach the front side and some are in the back. Maya-maya pa’y rinig na ang palitan ng putok ng mga kalaban at ng grupo ni Cole sa harapang bahagi ng gusali.

Agad naman nilang narating ang likurang bahagi ng building kasama ng kanilang Kapitan sapagkat nakatutok ang atensyon ng mga ito sa harapan.

“Basement is clear! Bomb is already planted." It's Hunter’s voice AKA Rogue.

“Roger that, proceed to the next target.” Kompirma ng Kapitan nila.

“Copy, Sir.”

Sumenyas din to sa kanila na dumiretso na sa taas. August take the first move para umakyat. He inspect first kung safe ba ang kanilang dadaanan bago nagpatuloy sa pag-akyat.

“Be careful, guys, six tangos were spotted on the second floor. Fully armed with automatic assault rifles. One is manning a heavy assault one.” Warning sa kanila ni Mantis.

“Roger that.”

“It’s Copperhead reporting, the front area is safe and clear!”

“Blue Viper, copy that. Proceed to the package. As for you, Chameleon, proceed to your mission.” Baling sa kanya ni Cpt Blake Mondragon. “And please . . . be careful, man.”

“Roger, Capt,” puno ng sensiridad na sagot niya. Tumikas ng tayo at sumaludo muna rito bago mabilis natinahak ang dinaanan nila kanina.

Pababa na siya ng ground floor nang muling marinig ang tawag ni Cpt Blake Mondragon.

“2nd Lt August Bituin, if ever na malagay ka sa ilang na sitwasyon, don’t hesitate na tumakas at bumalik ka ng ligtas.”

“Nang pinasok ko ang larangang ito, tanggap ko na kung anuman at saan man ang kahahantungan ko, Sir,” matatag niyang sabi.

“Tandaan mo lagi, Buddy, bayani ka nang maituturing nang buo sa loob mong pasukin ang pagsusundalo. Ang pagsasakripisyo ng sarili mong buhay para lamang sa impormasyon ay hindi ko matatanggap as a person in-charge in this group. I need my man alive and remember, we are your family,” napabuntunghina na lamang siya sa madamdaming saad nito. Wala siyang mapuhap na sagot kaya nanahimik na lamang siya. Buong akala niya ay tapos na ito ngunit may isusunod pa pala.

“And, Chameleon, you need to take it seriously because that’s an order!” Hindi niya maiwasan mapangisi. That f*cking word. But he has nothing to do with it because as a soldier, they need to always obey the f*cking ORDER!

As they said, anybody who wants to enter the Army, they need to learn the 3S first. Ang SUMUNOD, SUMUNOD, SUMUNOD. So here he is. August heaved a sigh.

“Copy that, Captain!”

The Gangster in Me: August AgustinWhere stories live. Discover now