Chapter 2

11 2 0
                                    

“Oh, sh*t! Guys, I think we have a problem.” It's Bug’s serious voice. “Sharpen your senses because our drone is inflicted!”

Matapos nito ay si Cole naman ang maririnig sa kabilang linya.

“Blue Viper, come in. We’ve got a negative package. It’s—F*ck! It’s a trap! It’s a trap! Fallback! Fallback!” sigaw nito in frantic voice. Ilang segundo lang ang lumipas at isang malakas na pagsabog sa ikatlong palapag ng gusali ang maririnig.

Sa lakas ng noon ay nagsitalsikan ang mga salamin nito kasama ang ilang bahagi ng sementong pader. Ang ilang bahagi pa nito ay talagang gumuho na.

He wince nang isang matinis na tunog ang tanging maririnig na earpiece na suot. Masakit sa tainga ang ingay na ginawa no’n. After that, nakakabinging katahimikan na nagtagal rin ng ilang minuto.

Gusto na niyang kabahan para sa mga kasama ngunit hindi nito matibag ang tiwala niya. They couldn't be a Classified for nothing. Nilingon niya ang gusaling ngayon ay wasak na ang bahagi ng ikatlong palapag. Sa intensity pa lang ng pagsabog at sa itsura nito ay talagang walang balak buhayin ang sinumang makalapit sa trap na inilagay ng mga ito.

“Copperhead, come in. How's your status? Is anyone seriously injured?” bakas sa boses ng Kapitan nila ang pag-alala kahit pa matatag ang pagbigkas noon at may ubo pang kasabay. Marahil inabot rin ang mga ito ng impact ng pagsabog.

Sunod-sunod rin na ubo ang tanging maririnig and some curses of their comrades.

“S-sh*t, man! I thought that's already the end of the word! Buong akala ko mamatay akong wala pang lahi na maikakalat sa sangkatauhan.” Alexander, the GroundHog, managed to chuckle softly. Nagawa pa nitong magbiro kahit na halata sa boses nito ang konting hirap.

“Bastard!” natatawang asik ni Cole rito. “CopperHead here, Sir. We’re all okay. No serious injuries and able.”

“Roger that.”

“Nga-ngayon na talaga ako naniniwala na balat-kalabaw ako, Buddy,” natatawang wika ni Lukas, the Vulture. Malinaw pang maririnig ang pagpagpag nito sa katawan. “Come on, Leopard, any injury?” Alok nito ng tulong kay Mark.

“Negative, buddy,” seryosong sagot nito. Knowing Mark, lagi naman talagang seryoso ito. Mabibilang sa daliri at aabutan pa ng siglo bago makita ang ngiti nito. “But Phoenix is bleeding.”

“1st Sgt Rafael Guerrero, are you okay? Kaya mo ba?” nag-aalalang boses ni Arabelle iyon.

“Positive, Ma'am. Malayo sa bituka.” he chuckles. “Marahil isa sa mga sharp nails na hindi ko naiwasan.” Pagbibiro pa nito.

“Consider yourself lucky, man, kung hindi mamayayari ka nang hindi nakakadali,” sabat ni Callum, the Mantis. “And, guys, I think you need to retreat now! We got company!”

“Roger that. Men, haul your asses there and return to our meeting area!” Blue Viper command.

“I think we can give them a proper accommodation and it’s a piece of cake,” Clark suggested.

“No, we can’t. Malalagay sa alanganin ang mission ni Chameleon,” mariing tanggi nito. “And Chameleon, proceed as we plan.”

“Copy, Sir.” sagot niya.

“Wait, one more thing. Alamin mo muna kung ano ang nangyari ka Aleya. Alam kong batid n’yo na ang maaaring kalagayan n’ya ngayon. Pero kung kaya mo siyang mailigtas, do that first. And give me any information as soon as possible.”

“Sir, yes, Sir!”

Mabilis niyang tinanggal ang uniform niya. Nakapaloob doon ang simple at lumang damit na kung susuriin sa ayos niya ay para sa magbubukid. Lahat ng mga bagay na magpapatukoy sa kanya bilang sundalo ay tinanggal niya. Maayos na tinupi at pinagsama lahat katabi ng mga baril niya. Kukunin iyon ng isa sa mga kasama niya kapag makaalis na siya roon.

The Gangster in Me: August AgustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon