Chapter 3

4 1 0
                                    

“Dapa!” Sunod-sunod na putok ang humaging sa kanila matapos siyang dambahin ng isang may kaliitang katawan ng kasama. Isinabay siya nito sa paggulong sa mas masukal at mapunong bahagi.

“Black Iris? Bakit ikaw ang pumarito?” tanong niya habang sinasabayan ang paggapang nito para makapag-cover sila sa walang humpay na pag-asinta sa kanila.

“Leopard got injured on the way here!”

“Oh, shit!” mura niya ng muntik na siyang mahagip sa ulo ng isang bala kaya mas binilisan pa niya ang paggapang patungo sa malaking puno at mabilis na nagkubli.

“How is he?”

“He’s fine! Sa tingin ko makakalakad pa naman kahit papaano!” Agad din itong nagkubli sa likod ng isang puno ilang metro mula sa kanya. Mabilis itong bumunot ng  Sig Sauer M18 Pistol at agad na ikinasa. Matapos ay ang earpiece naman nito ang inayos. “It’s the latest automated Machine gun. Naka set-up na ito with a high sensor. Dalawa na nito ang napabagsak ni Mantis ngunit may isa pa palang nakatago at iyon ang nakadali kay Leopard.”

A series of unprintable oaths comes out from his mouth. Nag-isip ng paraan kung paano nila malito ang focus ng sensor. Once na magkamali sila ng kilos siguradong hindi sila bubuhayin ng machine gun na iyon.

“Did you already asked Bug kung kaya ba niyang ma-disengaged ‘yun?”

“Yes! And he said that it will take a while before he can cracked that fucking machine!”

“How about Mantis?”

“Naghahanap pa siya ng tamang location kung saan malinaw niyang makita ang kinaroroonan nito.”

He swears again dahil sa kaalamang iyon. Hindi siya maaaring magtagal dito dahil habang nade-delay siya ay bumababa ang chance na makapasok siya sa pinakalungga ng mga sindikato.

“Then listen to me, Black Iris, kukunin ko ang attention of that fucking metal. Habang abala siya sa akin ay agad kang umalis dito dahil maya-maya pa’y dadami na ang mga reinforcement ng mga sindikatong ‘yan and you’ll be in big-time trouble habang pabalik.”

“What?! Nababaliw ka na ba, Chameleon? You don’t have any armor! And that fucking metal as you said,could kill you in just a second! At ang mas malala pa roon ay kaya ka n’yang lasug-lasugin into tiny pieces!”

“It’s just a fucking automated machine and I am a human with a fucking big brain. De-numero ang ang bawat galaw ‘non, siguro seventy-thirty ang labanan namin.”

“Yeah,” mapaklang sagot sagot nito. Seventy percent na tatamaan ka at thirty percent na galos lang ang matamo mo!”

Amused niyang nginisihan ang dalaga. Batid niyang nag-aalala ito sa kabila ng pagtataray sa kanya pero handa siyang sumugal. Mas mainam na iyon kaysa negative mission ang mai-report niya.

“And I'm willing to gumble for that thirty percent of chance kung kapalit naman noon ay maraming buhay na maisasalba natin.” Napabuntunghininga ito sa determinasyon ng boses niya.

“O-okay, on your mark.”

Nilikom niya ang lahat ng tapang na mayroon siya at lakas ng loob. Kalokohan kung sasabihin niya na hindi siya nakakaramdam ng takot. Ngunit ang maisip ang mga munting anghel na bigla-bigla na lang nawawala, ang mga kabataan na sa murang edad pa lang ay lulong na sa ipinagbabawal na gamot at ang mga babaeng illegal na itina-transport sa iba’t ibang bansa ay tila binubuhayan siya ng panibagong lakas ng loob at tapang.

“After this mission, I will ask for leave for one month. Then I'll try to have a proper girlfriend for three weeks. Para next time, kung halimbawa na malagay ako sa alanganin at mamamatay, at least narasanan kong manligaw at magkaroon ng nobya,” nakangising biro niya that earns a chuckle from her.

He positioned himself and nodded a signal to Black Iris. Gumanti naman ito ng tango sa kanya at naghanda na rin. He counted by his fingers without a word habang magkahinang ang mga mata nila dalawa. Bago pa man makarating sa tatlong daliri, Black Iris mouthed him a take care that painted a faint smile on lips.

“Now!” sigaw niya at nauna na lumabas sa pinagtataguan at mabilis na tumakbo.

Kung gaano kabillis ang pagtakbo niya ay double naman ang bilis ng putok at paglipad ng mga bala patungo sa kanya. Ramdam niya ang pagguhit noon sa likuran at gilid niya. Hindi na niya alintana kung saan na siya napadpad at kung kailan tumigil ang pag-ulan ng bala sa kanya basta patuloy lang sa mabilis na paggalaw ang mga paa niya.

May hapdi siyang nararamdaman sa kanang bahagi ng tagiliran niya ngunit mas pinili niyang huwag pansinin iyon. Tuloy-tuloy lang siya at huli na niya napansin bangin na pala ang natumbok niya. It’s too late to gain his balance!

Nagpagulong-gulong ang katawan niya pababa. Mabuti na lang at palihis ng konti ang gilid at hindi ganoon katarik ngunit maraming malalaking bato ang babagtasin niya bukod pa sa mga nakausling ugat na naroroon. Sa tullin ng pagkagulong niya, hindi siya bubuhayin ng banging ito bago pa man makarating sa baba kung saan rumaragasang ilog ang kababagsakan niya!

Itinakip ni August ang dalawang kamay sa ulo para protektahan. Kahit puro gasgas at sugat na ang mga siko niya ay hindi niya inalis ang mga kamay roon. But his luck ended there dahil pagkabagsak ng katawan niya sa tubig humampas ang ulo niya sa isang malaking bato when he tried to swim. Hindi niya nakayanan ang lakas ng agos nito and everything went blank on him. Maybe this is where his mission ends.


The Gangster in Me: August AgustinWhere stories live. Discover now