Chapter 9

4 0 0
                                    

He’s right nasa likod pa nga ito at nakasilip sa gilid habang ang isang kamay ay nakahawak sa balikat nito na marahil ang parteng may pinsala. Maingat niyang ibinalik sa ayos ang pagksara ng bintana. Habang ginawa iyon ay hindi niya maiwasan ang humanga sa dalaga dahil nagawa nitong mabuksan iyon ng hindi man lang tumutunog ang alarm.

“Wala rito! Tingnan ninyo sa likod!” Mula iyon loob kaya agad siyang yumuko at agad na lumapit sa dalaga at inakbayan ito sa walang pinsala na balikat nito. Kasabay noon ang pagtakip niya sa labi nito para hindi na makagawa pa ng ingay. Marahil napigil nga niya ang bibig nito ngunit hindi ang siko ng dalaga.

“Oh, fuck!” he grunted ng tumama sa sikmura niya ang siko ni Zane kasabay rin ng pag-ungol nito dahil ang pilay na balikat ang ginamit. “Nakakarami ka na, ah! ‘Bat ba ang hilig mong maniko?” Impit na ungol lamang ang narinig niya mula rito dahil nakatakip pa rin sa bibig nito ang kamay niya. Good thing dahil hindi na niya maririnig ang matalas na dila nito. Ngunit patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas.

“Sshhh . . . You’re so silly! Stay still! Kapag nahuli tayo ng mga iyan sa tingin mo bubuhayin nila tayo?” mahinang saway niya rito. Pero dahil sa makunat ang bao ng utak nito, she keeps on trying to free herself from his grasp. Maharil hindi nito kayang tanggalin ang buong kamay niya roon kaya ang hinliliit niya ang hinawakan nito at binali iyon. Tama lang para makaramdam siya ng sakit.

“Awww! You cat!” mahinang daing niya at pinakawalan ang bibig nito para ihipan ang masakit na daliri.

“Talaga mahuhuli tayo sa kakulitan mo!” mahinang singal nito..

“Ikaw ang makaulit! And don't to mention brutal pa! At kanina pa ako nagtitiis sayo!”

“Bakit? Sinabi ko bang pagtiisan mo ako? Sino ka ba? Close ba tayo?” Gustong mangiti ni August dahil halos magdugtong na ang mga kilay nito. But it didn’t even mar her beauty.

“If we're not close, we,re not talking right now!” tudyo pa niya.

“Aba’t-!”

“Sshhh . . .” he silenced her. Pakatapos ay itinuro ang marami pang bantay na tumakbo palapit sa kinaroroonan nila.

Mas lalong isiniksik ng dalaga ang sarili sa malalagong halaman na sa gilid lang. Siya naman ay nagpalinga-linga sa paligid. Naghanap mas safe na daan para sa pagtakas nila.

“Bilisan ninyo! Nas paligid lang ‘yan! Paniguradong hindi pa iyon agad-agad na makalayo!”
Agad na hinila ni August palayo si Zane at tinumbok ang dinaanan niya kanina. Malago ang halaman sa bandang iyon kaya hindi madaling makita roon.

“Don't touch me!” Piglas pa nito habang halos pagapang na sumunod sa kanya.
“Sshhh . . . Faster!”

Nang nasa malayo-layo na sila ay seninyasan niya itong huminto. Nilingon niya ang pinanggalingan. Nakahinga siya ng medyo maluwag-luwag. At least nakalayo sila kahit papaano. About twenty meters or thirty meter away. Far enough for them to be safe at the moment.

“Don't move!” angal niya rito at mas lalong kinabig pa ito payuko. “Ang dami na nilang naghahanap sa atin. Kapag lumabas tayo rito paniguradong tatadtarin tayo ng mga bala ng mga iyan.”

Pumiksi lang ito at sumilip din sa siwang ng mga halaman. Kinompirma at sinabi niya, “Kasalanan mo ‘to kung bakit! Kung hindi dahil lampang katulad mo kanina pa ana ako nakaalis dito!”

“Bakit ako?! Manghang balik niya rito. “It’s your fault! After all, ikaw ‘tong parang tigre kung magwala!”

“Don't talk to me! We're not even friends!”

“Abat-!” Natigil ang pang-aasar ni August sa dalaga nang lumakas at palapit nang palapit ang mga kaluskos. Maging ang mga ilaw ng flash light na gamit sa paghahanap ay tinumbok na ang kinaroroonan nila.

The Gangster in Me: August AgustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon