4

1.4K 98 3
                                    

Madilim ang paligid nang magising ako. Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbi kong ilaw sa loob ng silid. Mabuti nga't may mga butas na maaaring lusutan ang sinag ng buwan.Nakasarado rin kase ang bintana kaya naman konting liwanag lang talaga ang nakakapasok. Masyadong mahina ang aking katawan ngunit pinilit kong tumayo upang buksan ang ilaw.

Wala akong cellphone na dala marahil naiwan sa sala ang aking bag kanina. Hindi tuloy ako makahingi ng tulong. Ramdam ko na rin ang pagtunog ng aking tiyan na tila naghuhurumentado na ang aking mga alaga.

Nagugutom na ako, nauuhaw na rin. Ngunit alam kong naka lock pa rin ang pinto at wala akong madaanan para makalabas. Hindi ko man alam ang oras ngunit hula ko ay malamit nang mag umaga.

“Ax? Are you there? Palabasin mo na ako please! Nagugutom na ako. Maawa ka sa akin, parang awa mo na please, Axel" sigaw ko sabay nang malakas na pagkatok sa pinto. Umaasa akong maawa ito sa akin at hayaan akong makalabas.

If pumirma lang ako sa annulment paper gaya nang gusto nito sana di ko na naranasan to.

Nanaig sa aking isipan na tatapusin ko na ang lahat sa oras na makalabas ako dito.

Sigaw ako nang sigaw ngunit tila mawawala na lamang ang aking boses ay hindi padin ito naaawa sa akin.

Nang mapagtanto na wala akong mapapala ay tahimik akong bumalik sa pwesto ko kanina.

Tila mawawalan na naman ata ako ng malay dahil sa sobrang gutom at uhaw. Dagdag mo pa ang masakit kong katawan gawa ng pangbubugbog nito sa akin kanina.

Nangdidilim ang aking paningin at wala akong ibang nagawa kundi ang tahimik na umiyak habang nakahiga sa aking kama.

***************

Nang magising akong muli ay nasa loob pa rin ako. Mukhang wala talaga siyang balak na palabasin ako rito.

Pinilit kong bumangon at maupo habang tahimik na nagdarasal na sana maawa sa akin ang asawa ko.

Namutawi ang tuwa sa aking dibdib nang marinig ko ang tunog ng kadena sa labas na tila binubuksan na ito. Napangiti ako ng tuluyan itong bumukas at nakita ko ang aking asawa na matalim ang titig sa akin. May dala itong supot, napatalon sa tuwa ang aking puso ng sa wakas ay makakakain na ako.

“Good thing your awake. Nagugutom ka diba? Ayan pagkain mo!" Saad nito saka tinapon sa akin ang dala nitong supot.

Hindi na ako nagreklamo sa paraan ng pagbibigay nito. Mas namayani sa akin ang tuwa dahil sa wakas may pagkain na ako.

Hindi naman na ito nagtagal pa dahil agad din itong lumabas.

Narinig ko na naman ang muling pagkalansing ng kadena at alam kong sa oras na iyon ay ni-lock na naman nito ang pinto.

Hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ko na ang supot na tinapon nito sa akin kanina.

Napangiti ako ng kahit papaano ay matinong pagkain ang ibinigay nito sa akin. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at kinain na ang ibinigay nito. Natapos akong kumain ngunit tila hindi pa ako tapos umiyak.

Tila yata hindi ako nauubusan ng supply ng luha.

Pinilit ko nalang makatulog ulit. Mas mahihirapan ako kapag nanatili akong gising. Masyadong masakit ang nararamdaman ko. Dala ng sakit at pagod ay nakatulog naman ako kaagad.

Nagising ako nang maramdaman ang malakas na pagyugyog sa akin. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang malamig na titig ng asawa ko.

“Get up Sam. Sumunod ka sa akin." malamig nitong saad saka padabog na lumabas.

Dahan dahan akong sumunod sa kanya papunta sa kusina. Nadatnan ko doon ang mga papeles na mukhang ipilit na naman niyang papirmahan sa akin.

“Sign Samantha." malamig na saad nito.

Napatitig lang ako ng matagal dito. Nagdadalawang isip kung pipirma ba ako o hindi. Ngunit ng nasa loob ako kanina ay sinabi ko na sa sariling tatapusin ko na ito.

Isang pirma lang Eli, kapag pumirma ka hindi ka na masasaktan.

Huminga ako ng malalim. Buo na ang aking desesyon. Palalayain ko na siya. Akmang pupulutin ko na ang ballpen sa mesa nang makaramdam ako ng pagkahilo. Pilit ko itong nilabanan ngunit hindi ko nakayanan pa at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nang magising ako ay nasa kusina pa rin ako. Napalingon ako at hindi ko na makita ang anino ng asawa ko. Hindi man lang ata niya ako tinulungan. Inaasahan ko naman na iyon kaya wala nang dahilan pa para masaktan.

Dahan dahan akong tumayo. Pinakiramdaman ko ang sarili. Mataas ang init ng aking katawan, mukhang nilalagnat na ako sa dami ng sugat at pasa na aking natamo.

Naglakad ako papasok ng aking silid. Hindi ko ininda ang masasakit na parte ng aking katawan. Habang papaakyat ay namataan ko ang mga papeles na siyang pumipigil sa akin para maging masaya.

Nilapitan ko ito, handa na nga ba ako? Pero ayaw ko na. Mahal ko ang asawa ko pero pagod na ako. Ayaw ko ng matali pa sa relasyon na ako lang ang nagmamahal.

Nang masulyapan ang ballpen sa gilid nito ay pikit mata kong pinirmahan ang annulment papers.  Nag unahan sa pagtulo ang aking mga luha nang matapos ako.

Makakalaya na ako! Hindi ko alam kong magsasaya ba ako o malulungkot. Sa oras na maproseso ang annulment ay tuluyan nang mawawala sa akin ang asawa ko.

Napahagulgol ako sa sakit at sa tuwa na nararamdaman. Tila nagmukha akong baliw sa ginagawa ko pero masyadong komplikado ang nararamdaman ko.

Dumiretso na ako sa aking silid para iligpit ang mga gamit ko. Kahit mag-asawa kami ni Axel ay hindi kami nagsasama sa isang silid. Masyado raw akong nakakasira ng araw kapag ako agad ang makita niya paggising nito.

Napangiti ako ng mapait sa naiisip. Sinimulan ko nang iligpit ang aking mga gamit. Ngayong nakapirma na ako ay wala ng dahilan para manatili pa ako dito. Nakapagdesesyon na akong umuwi muna sa amin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko ang nangyari pero umaasa akong maawa sila sa akin at intindihin ang sitwasyon ko.

Sana nga ganun ang mangyari. Hinahangad ko ang masayang buhay sa ngayon na may lakas ng loob na akong lumaban.

********

cyrexzynx: Hello zyrnxiesss. Another chapter, another sakit sa puso. Inspired ako ngayong magsulat ng masasakit na scene dahil sa nangyaring pangmamaliit ng ibang tao sa mga magulang ko. Motivated ang author niyo. Haha. Dito ko binubuhos yung sakit ng aking puso. ILOVEYOU.

Follow also my social media accounts:
fb: Cyrex Zyrnx Wp
Twitter: cyrexzyrnx
TikTok: cyrexzyrnx

BRIDE SERIES #1: His Unwanted Bride | ON-GOING | Where stories live. Discover now