12

987 59 0
                                    

Pagkatapos kong makakuha ng mga impormasyon sa bahay ng mga Lavega ay dumaan lang ako sa aking condo unit para mag ayos ng sarili at dumiretso na rin agad ako sa hospital.

Nakaupo lang ako sa sofa habang ang dalawa kong kasama ay patuloy sa pag-aasaran. Hindi ko na ito pinansin at itinuon na lamang ang aking atensiyon sa nakahigang kaibigan. Hindi pa rin kase ito nagigising hanggang ngayon, mag-iisang linggo na simula nang dinala siya rito ni Xyrielle.

“Ma'am Eli wala po ba kayong gagawin ngayon?" nabaling ang aking atensiyon ng tanungin ako ni Xian.

Umiling ako sa dito dahil wala akong kahit anong balak ngayong araw. Gusto ko lang manatili sa tabi ng kaibigan baka magising na ito. Ngunit nang maalala ko na may kailangan nga pala akong ipagawa sa mga ito ay nagpasya akong paalisin na muna sila.

“Xyrielle dalhin mo ang mga ito at ipa DNA test." saad ko sa kanya sabay bigay ng hair sample ko at ni Bianca. Hindi naman na ito nagtanong at basta na lamang itong tumango na siyang kinangiti ko. Isa sa mga gusto kong katangian nito ay hindi ito palatanong at mabilisan ito kong kumilos kaya naman pinagkakatiwalaan ko ito.

“Ikaw naman Xian Andrie ipadala mo ito sa bahay ng mga Lavega at siguraduhin mong mabubuksan ito ng dalawang matanda at mapakinggan nila ang kaisa isang file na nakasave rito."

Gaya ni Xyrielle ay walang kahit anong tanong na lumabas sa bibig nito bagkus ay nakangiti nitong tinanggap ang binigay kong USB. Nakasave roon ang call recording ni Bianca at ng hindi ko kilalang tao na nakuha ko mismo noong nasa silid niya ako.

Sigurado akong masasaktan sila sa maririnig dahil ginagamit lang pala sila ng inakala nilang anak. Sabay na lumabas ang dalawa sa silid at naiwan akong mag-isa habang iniisip kong paano ko hahanapin ang totoo kong kakambal.

Nasaan kaya siya? Maayos kaya ang buhay niya ngayon? Paano kong nahihirapan din pala siya kagaya ko? Patuloy ako sa pag-iisip ng may nurse na biglang kumatok at pumasok.

“Ma'am kayo po ba ang bantay ni Mr. Chavez ngayon? Tuturukan ko lang po siya ng gamot niya." nakangiti nitong saad.

Tumango lang ako rito at hinayaan siyang gawin ang gusto niya nang may mapansin akong kakaiba. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nang akmang ituturok niya na ang gamot kuno ay hinampas ko ito ng malakas na naging sanhi ng pagkawala ng malay nito.

Iisahan niyo pa talaga ako ha! Nakangiti ako habang tinatali ng mahigpit ang lalaking nagkunwaring nurse. Sinigurado kong naka lock ang pinto ng silid para walang palya. Nang masigurado kong hindi na ito makakaalis ay saka ko ito ginising.

“Ma'am bakit? Ano pong ginagawa n'yo? Isa lamang po akong hamak na nurse rito sa hospital kaya hindi ko po maintindihan kong bakit n'yo ito ginagawa sa akin." tila natatakot pa ito sa pagsasalita na siyang kinalaki ng ngisi ko.

“Do you think I'm stupid?" may diin ang bawat salitang tanong ko sa kanya.

“Hindi ko po kayo maintindihan Ma'am, pakawalan niyo po ako please. Maawa po kayo sa akin."

Hindi na ako nakapag pigil at mabilis kong hinablot ang buhok nito saka pinaharap sa akin ang kanyang mukha na kanina pa umiiwas.

“Maawa ako sayo? Pero nang pagtangkaan mong turukan ng lason ang kaibigan ko ay hindi ka naawa. Bakit kayo ganun ha? Pag nahuli kayo dapat namin kayong kaawaan pero nang isagawa niyo ang plano niyong pagkuha ng buhay ng iba ay wala kayong awang nararamdaman!" galit na bulyaw ko sa kanya na ikinatahimik niya.

“Ma'am pasensiya na po napag utusan lang po ako, huwag niyo po sana akong saktan!"

“Kung ganon sino ang demonyo mong amo ha? Bakit ba gustong gusto niyang ipapatay ang kaibigan ko?" nanggagalaiti ako sa galit, may ideya na ako kung sino ngunit gusto ko pa ring makasigurado.

“Si Mr. Rivas po Ma'am."

Agad na nandilim ang aking paningin at ibinuhos sa lalaki ang galit at poot na nararamdaman ko. Natigil lang ako nang marinig ang katok sa pinto.

“Ma'am Eli si Xyrielle po ito."

Agad kong binuksan ang pinto at nagulat naman ito sa nakita. Duguan ang lalaki at sabog ang mukha na animo'y hindi na humihinga.

“Ma'am ano pong nangyari? Buhay pa ba yan?" 

“Ilabas niyo yan Xy, kayo nang bahala sa taong yan." utos ko dito na agad niya namang ginawan ng paraan.  Nagtawag ito ng mga kasama na agad namang nagsidatingan. Nilinis na rin nila ang mga dugong nagkalat sa sahig ng hospital. Pagka alis nila ay napahinga ako ng malalim, hindi pa ba talaga sila tapos sa kasamaan nila? Hindi ko alam kong saan pa kumukuha ng lakas ang lalaking iyon sa kabila ng mga nangyari sa kanya.

Napatingin ako sa kaibigan na tila natutulog lang ng mahimbing. Mabuti nalang talaga at nakita ko ang kakaibang pangalan na nasa botelya ng sinasabing gamot ng lalaking yun. Nagulat ako nang mapagtanto na lason iyon at hindi gamot, mas lalong lumakas ang kutob ko dahil kakaturok lang sa kanya ng gamot at hindi pa nag kalahating oras simula ng makalabas ang nurse na iyon. Nang lapitan ko ito ay tila hindi pa ito sigurado sa gagawin na siyang nagkumpirma ng lahat.

Dapat ay sa dextrose lamg ilalagay ang gamot dahil iyon ang ginagawa ng mga nurse na naghahandle sa kanya ngunit iyon kanina ay tila idederitso niya ito sa braso. Siraulo talaga, palpak magplano, napailing nalang ako sa mga nangyayari.

“Jude gising ka na kase tingnan mo kahit nakahiga ka na papatayin ka pa rin nila."

Ilang beses ko na ba siya inayang magising? Ngunit alam ko naman na hindi ako nito naririnig. Napahinga nalang ako ng malalim, kelan pa ba matatapos lahat ng ito?

Mukhang kailangan talaga kitang bantayan nang sa ganun masigurado kong ligtas ka. Alam kong hindi titigil ang lalaking yun hangga't hindi siya nagtagumpay sa gusto niyang gawin sa iyo. Ang kailangan ko lang gawin ay unahan siya nang sa ganun masigurado kong magtatapos na ang kasamaan niya.

Nanatili ako buong araw sa hospital at umuwi lang nang gumabi na. Nandoon na rin ang dalawa at sigurado naman akong magagawa nilang bantayan ng maayos ang kaibigan ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at nakatitig sa kisame, wala akong maisip sa ngayon kung ano ang susunod kong gagawin.

Masyadong maraming nangyayari at hindi ko alam kong anong dapat kong unahin. Bukas ay malalaman ko na agad ang result ng DNA test kaya mas mabuting bukas na ulit ako mag-iisip ng dapat kong gawin. Dala ng maraming bagay na tumatakbo sa utak ko ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Napatingin ako sa wall clock at kitang alas 9 na ng umaga. Dinampot ko ang cellphone at agad sinagot ang tawag nito.

“Hello Xyrielle?"

“Ma'am naipadala ko na po ang result diyan sa condo ninyo. Baka maya maya ay aabot na po iyon."

Nagpasalamat lang ako rito bago nagpaalam. Tama nga ito dahil hindi nagtagal ay dumating na ang lalaking inutusan nito. Pagkatapos kong bayaran ay umalis na rin ito kaagad. Hindi na ako nag aksaya ng oras at binuksan ko na kaagad ang envelope at napangisi ako ng makita ang resulta.

NEGATIVE!

Ibig sabihin hindi ko kadugo ang babaeng yun, talagang nakaplano lang ang lahat para mahuthutan nito ang mga Lavega. Matamis na ngiti ang pinakawalan ko bago ibinalik sa loob ng envelope ang mga papel. Hayaan muna nating makuha niya lahat ng gusto niyang pera sa pamilyang iyon para naman mas may thrill.

Mag utuan lang kayo dahil sisiguraduhin ko na sa bandang huli kayo kayo rin mismo ang maglalaban

****

cyrexzyrnx:

Check my profile guys baka gusto niyong magbasa ng one shot stories. Meron na akong isang naka post sa one shot collection ko. My Ex Boyfriend is a Singer ang title. Enjoy reading.

Don't forget to comment, like and share this story. Also please follow me.

Follow also my social media accounts:
fb: Cyrex Zyrnx Wp
Twitter: cyrexzyrnx
TikTok: zaimeeeeee

BRIDE SERIES #1: His Unwanted Bride | ON-GOING | Where stories live. Discover now