TP: 8

746 34 2
                                    

Felicia POV



Hindi ko talaga akalain na gagawin 'yun sa akin ng matandang lalaki na iyon. Kung bakit naman kasi nilapitan ko pa siya.

Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko noon dahil ang tatay ko ang naaalala ko sa kanya. Siguro namimiss ko lang ang tatay kaya ganoon.

Pero hindi ko naman akalain na babastusin niya ako. At pilit na isasakay sa kanyang sasakyan.

Hindi ko kasi alam kung bakit bigla na lang ding nawala si Kezia at Autumn. Sabi kasi nila sandali lamang nila akong iiiwan, pero hindi na sila nakabalik pa.

Mabuti na lang talaga at dumating si Skyler. Hindi ko rin mapigilan ang hindi maawa sa matanda noong tadyakan siya ni Skyler ng malakas sa kanyang dibdib.

Pero buti nga sa kanya! Hmp! Baka kung hindi dumating si SKyler, baka napano na ako.

Napahinga ako ng malalim at hindi man lang kumikibo hanggang sa makauwi kami ni Skyler. Hinatid lamang din ako nito sa loob aking kwarto. Halata kasing inis pa rin ito dahil sa nangyari.

Ayaw ko rin siyang kausapin dahil baka pati sa akin mainis siya at ako na naman ang tadyakan niya. Nakakatakot kaya kapag nagagalit siya!

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nawawala sa isipan ko 'yung sinabi sa akin ng mga guard na nakakatakot siyang galitin.

Kaya nung makaalis siya ay pumasok na rin ako sa banyo para makapaglinis na ng katawan. Tuwang-tuwa pa ako noong makita ko na meron nang balde at tabo na nakahanda sa banyo ko.

Ayaw ko muna kasing gumamit ng shower. Para akong malulunod at hindi makahinga. Mas sanay pa rin kasi ako sa tabo at balde lang.

Ewan ko ba. Gustong-gusto ko 'yung buhay ko ngayon, pero minsan, hinahanap ko pa rin 'yung mga bagay na nakasanayan ko na.

---

Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan ko ng dalawang maid na palagi kong kasama. Sila kasi 'yung pinagkakatiwalaan ni Skyler na mag-aasikaso sa akin palagi.

Sinabi ng mga ito na nakahanda na ang agahan. At dahil masasarap ang mga pagkain nila rito kaya naman kahit wala pang sipilyo at wala pa akong hilamos ay agad na sumama na ako sa kanila patungong kusina.

Ramdam na ramdam ko ang pagkinang ng mga mata ko noong sandaling makita ko ang maraming iba't ibang putahe na nakahain sa ibabaw ng pahabang lamesa. Parang piyesta talaga palagi rito sa mansyon nila Skyler. Ang sarap mabuhay kung araw-araw ganito palagi karami ang mga pagkain.

Pagtakbo na lumapit kaagad ako rito. Nadatnan ko naman si Skyler na nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa habang pangiti-ngiti at patawa-tawang nakatingin sa hawak niyang cellphone.

Parang kagabi lang inis pa siya. Tapos ngayon tumatawa na siya mag-isa. Napapakamot sa batok na tinitignan ko siya habang napapailing.

"Baliw na yata 'to." Bulong ko sa aking sarili bago napatitig sa hawak ni Skyler na cellphone.

Matagal ko na kasi gustong magkaroon ng ganun. Pero hindi ako nagkakaroon dahil hindi naman namin kayang bilhin ni tatay. Imbis na ipambibili namin ng cellphone, eh gagamitin na lang namin ang pera sa pang araw-araw naming kailangan at pagkain.

Kaya nakikinood na lang ako sa kaibigan kong si Beauty noon.

"Oh! Gising ka na pala, kulot. Good morning!" Malawak ang ngiti na pagbati sa akin ni Skyler noong mag-angat ito ng tingin.

HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon