TP: 31

484 28 2
                                    

Felicia's POV



Nakapag-work out na ako lahat-lahat pero hanggang ngayon tulog pa rin yata si Skyler.

Kaya sa halip na mainip sa kahihintay sa pagising niya eh nagtungo na lamang ako sa kusina para gumawa ng banana smootie ko.

Plano ko rin kasi sanang mag horseback riding pagkatapos kong maubos ang aking smoothie para bisitahin ang ibang hayop at pananim ng hacienda.

Ngunit patapos pa lamang ako sa pagawa ng aking smootie noong dumating si Skyler. Hindi ko mapigilan ang mapasinghap noong maamoy ko ang gamit nitong shampoo at fabric conditioner na nagmumula sa kanyang damit. Mabango na siya at nakabihis na rin. Halatang kanina pa siya gising dahil nakaligo na.

Dahil dito ay lihim na pinagmasdan ko siya mula sa aking kinatatayuan.

She looks fresh and gorgeous in her white t-shirt, layered with a light blue polo left unbuttoned. The sleeves of her polo are neatly folded up to her elbows, giving her the appearance of someone casually modeling her outfit.

Her t-shirt is tucked into her faded blue jeans, and she's wearing farm boots. Her hair is tied back in a ponytail, and she looks stunning even without makeup. Gosh! Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang Skyler Jenn Ross na nakilala ko. Napaka-effortless pa ring ng ganda niya or should I say magandang pogi? Errr.

She resembles a hacienda owner, perfectly suited for this place. Eh sa itsura niya ngayon siya pa ang mapagkakamalang may ari nitong hacienda eh.

Napatikhim ako noong tuluyang makalapit na siya sa akin.

"Oh, look who's awake now." Panimula ko habang inililipat ang aking smoothie sa aking baso mula sa blender.

Pero hindi niya yata narinig ang sinabi ko kaya muling binati ko siya.

"Morning." Malawak ang ngiti na aking pagbati. Ngunit dahan-dahan na nawala ang malawak na ngiti sa aking labi noong tinignan lamang niya ako tsaka walang sabi na umalis sa harap ko.


Awtimatikong napakunot ang noo ko.

What is wrong with her? Ang aga-aga yata eh ang init ng ulo. Kaya naman wala akong choice kundi sundan siya habang bitbit ang smoothie ko.

"Helloooo! May kasama ba ako rito?" Kunwaring parinig ko sa kanya. Pero parang wala pa rin siyang naririnig at nameywang lamang habang pinagmamasdan ang malawak na paligid na natatanaw mula rito sa loob ng bahay.

Atsaka siya tuluyang lumabas at kahit 'Hi' man lamang ay hindi ako binati.

"Hmp! Bahala nga siya!" Padabog na naupo na lamang din ako sa sofa habang ini-enjoy ang smoothie ko.

Ngunit lumipas na ang tanghali at ngayo'y hapon na naman, ilang minuto na lamang ay magdidilim na naman ang paligid pero hindi pa rin niya ako kinakausap.

Dadalawa lamang kami sa buong bahay na ito dahil may ibang bahay ang mga trabahante na narito sa hacienda. Anong gusto niya, mapanis ang laway namin na hindi nag-uusap?

Dahil kaya sa kanya kaya hindi man lamang ako nakapag-horseback riding ngayon. Hmp! Masyado niyang ginugulo ang isipan ko. Kung may problema siya sabihin niya na lang sana.

Pasalamat nga siya at dito ko siya dinala at inilayo kay Lucka dahil sigurado akong hindi lamang bugbog ang aabutin niya habang nakakulong siya.

"May problemaka ba sa'kin?" Agad na tanong ko sa kanya noong tuluyan ko siyang malapitan habang nagsasalin ito ng kanyang whiskey at prenting nakaupo lamang sa may table ng aking bar na nandito sa pool.

HBS 2: New Generation - The Player (Gxg) COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora