Kabanata 9

155 7 4
                                    

Kabanata 9

Tired

Everything went hazy in the aftermath.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa kama ng aking kwarto. Hindi ko alam kung binuhat ba ako ni Jameson papunta rito. Wala akong maalala. Ang alam ko, may mga sinabi siya sa akin kaninang hindi ko maintindihan... Parang bumubuka lang 'yong bibig niya pero walang pumapasok sa utak ko. My senses failed to serve me during those moments. I just... shut down.

Walang buhay ang aking mga mata nang pagmasdan siyang lumuhod sa harap ko. Nakayuko siya habang ikinukulong ang aking hita sa kanyang mga braso. He looked like a man kneeling upon the cross at church. 

"I'm sorry... Please... Celia patawarin mo ako. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon. Kahit ako rin ay nagulat sa sarili ko. I was just stressed. I don't know. All my important files are on that laptop. Alam kong pwede ko naman 'yong marecover pero nagulat lang talaga ako sa nangyari."

My senses slowly went back to me. Unti-unti kong napansin ang luha sa kanyang mga mata, ang lukot niyang mukha, at ang basag niyang boses. He looked so broken. Mukha siyang namatayan.

"I don't want to lose you, Celia. You're the first woman I've pursued for years. I'm so so so sorry. Believe me, I didn't mean to hurt you." 

Napakurap ako. "Paano mo 'yon nagawa sa akin?" tanong ko sa nasasakal na boses.

As if on cue, I broke down in tears and found it difficult to breathe. Matagal nang nawala ang asthma ko pero pakiramdam ko unti-unti 'yong bumabalik dahil sa nangyari. Hindi matanggap ng puso ko na kaya niya 'yong gawin sa akin. 

I trusted him! I trusted him so!

Nagmamadali siyang tumayo at mukhang aalis sana nang hilahin ko siya paharap sa akin. His gaze slid down to me, eyes red and sparkling with tears. Nang matanto kong hinahawakan ko siya ay mabilis kong binawi ang kamay ko. 

I didn't even know I could feel this disgusted with someone. Kahit ang huminga ng sariling hanging nilalanghap niya ay 'di na ata kaya ng sikmura ko.

"Saan ka pupunta? Nag-uusap pa tayo!"

"I was just about to get some water and look for an inhaler—"

Tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanya. "Don't turn your back on me until you answer my question! Bakit... Bakit, Jameson? Bakit mo 'yon nagawa sa akin? I was just trying to help! You... You hit me! You backhanded me!"

He took a deep breath. "I swear, I didn't mean it, Celia. Natataranta na kasi ako tapos humaharang ka. I was just trying to shove you lightly. I didn't mean to hurt you at all."

"You slapped me with the back of your hand!"

"And I regret it so much! Pakiusap, paniwalaan mo ako. I wasn't trying to hit you! Huli na nga nang matanto kong nasaktan kita. You suddenly went quiet. When I turned to look at you, I saw how shocked you were. Doon ko lang natantong nagawa ko 'yon sa 'yo. I was just trying to shove you lightly... Please..."

 "How could you not know about it? Ramdam ko sa buo kong pagkatao ang sakit, Jameson!"

He tried to soothe me by touching my hair, but I slapped his arm away. Umigting ang kanyang panga sa sakit ng pagsampal ko. I hated how that simple reaction made me soften a bit. Bahagya akong napaatras, nanginginig ang mga kamay.

"I want to leave." Inunahan ko na ang sarili ko kasi nararamdaman kong unti-unti na akong nadadala sa mga sinasabi niya.

I felt like I was going crazy, which was probably for the best. I needed to be a little bit insane to express my anger without any inhibitions. Dahil alam kong sa pagkakataong makaramdam ako ng awa at pagsisisi ay hahanap ng rason ang utak kong intindihin ang ginawa niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Art of Loving a Beast (La Fortuna Series #4)Where stories live. Discover now