SMI#2: Avalon

35 5 0
                                    


S O L E I L

I'm Avalon Gutierrez my code name is Soleil, inutusan kami ng headquarters na pumunta sa bayan ng San Buenaobra kung nasaan nakatira ang pinsan ni Xiazzi hindi para mag bakasyon.

We have a mission and we need to accomplish it. Hindi lang kami mag-kakaibigan lang, we are secret agents. Kakailanganin namin ang tulong ng pinsan ni Xiazzi.

"Sol! Aalis na daw tayo," tawag sa akin ni Luna.

"Sige, susunod ako!" naabutan ko silang nakasakay na sa van kaya sumakay na din ako. Bakit parang kulang kami?

"Nag paiwan sila Liam, Lara at Drake," sabi ni Klyde na nasa likod ko napansin niya siguro na hinahanap ko sila.

He's Alexander Lim his code name is Klyde a higher rank secret agent. Hindi ko alam kung bakit sumama siya samin, eh low rank lang naman kami.

"Bakit daw?" bakit pati si kurt nag paiwan.

"Aayusin daw nila yung mga gamit natin," napa ahh na lang ako. Napatingin ako sa pintuan ng bahay lumabas dun ang pinsan ni Xiazzi.

Lev Isaac.

Naka shade siya, bumagay ito sa suot niyang polo na kulay puti at nakabukas ang mga ilang botones nito. Maganda ang pangangatawan niya at matangkad din siya in short ang gwapo niya.

Natigilan ako ng mapansin kong nakatingin siya sakin nakataas ang isang kilay niya, umiwas naman ako ng tingin. Avalon focus.

"Sino mag da-drive?" tanong ni Kaiden.

"Ako." napatingin kaming lahat sa driver sit at nakaupo na dun si Lev. Di ko namalayan na naka upo na pala siya 'dun.

"Please, wear your sit belt," sabi ni Lev.

"I'm excited! Saan tayo pupunta?" sabi ni Xiazzi habang pumapalakpak pa. Katabi ito ni Liam.

"Where do you want to go my princess?" tanong ni Lev kay Xiazzi. Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Xia. Ehem may something ba 'tong dalawang ito.

"S-sa," hindi tuloy makapagsalita ng maayos si Xia dahil sa sinabi ni Lev. Natawa naman si Lev sa naging reaksyon ni Xia.

"You're so cute," napapailing pa siya habang pinipigilan ang tawa niya. Itong si Xia naman nainis na lang dahil sa pang aasar ng pinsan niya.

"Tsk, ang harot. Pwede na ba tayong umalis?" singit ni Klyde na nag irap pa sa hangin. Papalit palit tuloy ang tingin ko kina Xia at Klyde. Wait something fishy.

Inilibot kami ni Lev sa buong bayan, maliit na bayan lamang ito ngunit maraming misteryong nakatago rito at yun ang aalamin namin.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga kinikilos ni Lev baka may makuha akong impormasyon rito. Ngunit ang pinagtataka ko ay iba siya sa mga description na binigay samin ni Xia.

Ayon kasi kay Xia babaero raw ito, pero bakit hindi halata?
Sobrang gentleman niya kaya at mukha siyang green flag. Tsaka ang cute niya kapag ngumingiti. Teka-teka 'bat ko sinasabi ito. Hay.

Tinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa mga binebentang mga keychain. Ang ganda naman ng mga binebentang keychain dito.

"Soleil." napatalon nalang ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko.

"Pusang gala ka naman!" bulyaw ko kay Klyde. Kainis na 'to.

"Hindi ako pusa." malamig na sabi nito.

Suminghal naman ako at bumulong "Bagay kayo 'nung Lev na yun,"

"May sinasabi ka?"

"Wala, sabi ko, anong kailangan mo?" pataray na sabi ko rito.

"Nakita mo ba sina Xia at Lev?" aba, mukha bakong hanapan ng nawawalang magpinsan?

"Hindi,baki- teka nga lang. 'Wag mong sabihin nagseselos ka 'dun kay Lev dahil close sila ni Xia!" napahawak ako saaking mukha na para bang gulat na gulat "Omg! Don't tell me matagal kanang may gusto kay Xia!" mukha naman itong naguguluhan sa mga sinasabi ko.

"What are you talking about? I don't like Xia and it will  never gonna happen." sabi nito at umalis.

"Bakit high blood na naman yun?" tanong naman ni Luna na nasa gilid ko na pala. Mga taong 'to bigla na lang mga nasulpot.

"Ewan ko dun, nagseselos ata yun sa dalawa 'e," na amaze naman ito sa sinabi ko.

"Ang ibig mong sabihin may gusto siya kay Lev?" tanong nito na parang kinikilig pa. Wala naman akong sinabing ganun ah.

" 'Wag na nga natin silang isipin, magfocus tayo sa mission," pagiiba ko ng topic. Naging seryoso naman agad mukha nito at lumapit saakin ng kaunti.

"Nga pala, may napansin akong kakaiba sa gusaling iyon. Tignan mo." sinunod ko naman ang sinasabi niya.

Malaking gusali ito at kapansin pansing maraming pumapasok na sa tingin ko ay puro mayayaman dahil sa mga kotse palang nila. Para saan kaya yan?

"Report mo ito kaagad kina Lara para maimbestigahan nila agad yan." utos ko kay Luna na sinunod niya naman kaagad.

"Ate, para 'san po yung building na 'yun?" itinuro ko kay ateng  tindera ang gusali, siya yung may ari tinatambayan namin ngayong maliit na tindahan ng mga pasalubong.

"Ah yan ba, hindi ko din alam eh. Pero ang sabi-sabi dito sa bayan isa daw yang casino at ang may ari daw ay anak ni mayor. Alam mo bang sobrang tagal ng pinapatakbo pamilyang Buenaobra ang bayan na ito, kada eleksyon palaging sila na lang ang nanalo kasi wala naman kayang lumaban sakanila. Parang sila tuloy ang nagmamay ari ng bayan na ito dahil pati dating pangalan ng bayan na 'to pinalitan nila. Palala ng palala na tuloy ang mga kagulohan na nangyayari dito sa bayan." habang nagsasalita siya ay binuksan ko ang recorder ko para marecord ko mga sinasabi niya.

"Bakit hindi niyo po naisipang lumipat ng ibang bayan?" tanong ko rito.

"Hay naku neng, ilang beses na naming inisip yan kaso wala eh andito ang hanap buhay namin at tsaka mahirap makahanap ng hanap buhay sa ibang bayan." napatango tango na lamang ako habang nagsasalita siya.

Parang 'di na namin kailangan magimbestiga kasi kay ate palang andami ko ng nalalaman. May silbe parin talaga ang mga marites. Kunting impormasyon lang ito pero sobrang makakatulong ito saamin. Kailangan kong mahanap si Xia masabi ko na sakanya lahat ng nalaman ko.

Asan na kaya sila?



To be continued...

Secret Mission Impossible (BxB)Where stories live. Discover now