Simula

1.6K 30 1
                                    

"Babe, may nag text sa 'yo?"

Napatingin ako kay Malcolm nang tawagin niya ako sa living room ng bahay. Kumunot naman ang noo ko at mabilis na tinignan kung ano ang ginagawa niya. Nakatingin s'ya sa aking cellphone habang ang dalawang anak namin ay nasa kani-kanila ng upuan sa sahig. Marahan akong naglalakad habang pinupunasan ang mga kamay ko. Tinignan ko ang sinasabi niya at napangiti ako nang makita ang text ng kaibigan kong si Elora. Ilang beses sa isang taon lang kami nagkikita kaya nakakapagtaka na nag-text agad s'ya sa akin. Malamang ay pupunta sila dito sa Isla Haraya. Matagal na rin simula nung umalis silang apat at kami na lang ang natira dito kasama ang asawa at mga anak ko.

From: Elora

Papunta na kami dyan. Na-miss namin ang Isla Haraya kaya naman mag-bonfire tayo dyan. 

Ilang taon na rin ang lumipas at dito kami nanatili sa Isla Haraya dahil nandito ang mga magulang ko. Kasama ko si Malcolm at dito na rin kami bumuo ng pamilya kasama ang mga magulang namin. 

"Si Elora lang. Pupunta sila dito pero anong oras na, lagpas 5pm na. Ang sabi, mag-bonfire raw kami at mag kwentuhan saglit," sabi ko. 

"Pwede naman. You can have your friends here and you can go outside if you want. Wala namang nagbabawal sa 'yo," sagot niya at hinawakan ang kamay ko. "Hindi mo kailangan mag paalam sa akin okay? Lahat ng gusto mong gawin ay pwede mong gawin. Lahat ng gusto mong plano ay gawin mo."

Ngumiti ako at tumango. "Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin noon. Sa walang sawang paghahabol sa akin at pagpigil sa hindi kanais-nais na gawain."

He smirked. "Sabi ko sa 'yong aalagaan kita. Hindi ka nakikinig sa akin. Mabuti na lang rin at akin ka na ngayon."

Natawa na lang ako at agad na tumayo para tignan ang mga anak namin. Si Malcolm ang nag-aasikaso sa mga anak namin kapag wala ako o kahit nandito ako. Gusto niya raw kasing maging hands on sa mga anak namin kahit pa may trabaho s'ya sa ibang bansa at iba't ibang lugar bilang sundalo. Hinawakan ko ang anak kong babae at nakitang tulog na s'ya habang hawak ang kanyang laruan na barbie. Ang anak ko namang lalaki ay gising pa ngunit papikit-pikit na ang kanyang mga mata. 

"Ako na ang bahala sa kanila. Hintayin mo na lang ang mga kaibigan mo sa labas," ani ni Malcolm at agad na tumayo para puntahan ang mga anak namin. 

Tumango na lang ako at hindi na rin nagsalita pa. Pinagmasdan ko silang tatlo at kayang kaya ni Malcolm na buhatin ang kambal sa dalawang malaking bisig niya. Natawa ako at inalalayan ang anak naming babae na nakayakap na sa leeg ng kanyang ama. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa itaas at nang makitang nasa kwarto na sila ay ako na ang nagligpit ng mga kalat nilang dalawa. 

"Kahit kailan talaga...palaging nilalabas ang mga bagong laruan," natatawang bulong ko. 

Lumabas ako at nakita na papalubog na ang araw. Ang asul na dagat ay napakaganda at napakapayapa. Isa sa mga ipinagmamalaki ng isla ang dagat na kulay asul at ang mga malalaking puno na nagsisilbing takip kapag paparating na ang araw. Sa hindi kalayuan ay nakita ko na ang ilang bangka at sa tingin ko ay sina Mayumi na ang mga 'yon. Ngayon na lang ulit sila nakabisita dito dahil may kanya-kanya na rin silang ginagawa. 

"Adelaide!" si Mayumi sa masayang boses habang kumakaway sa hindi kalayuan.

I crossed my arms above my chest. I smiled when I saw the four of them. Matagal bago kami nagkita muli ngunit masaya akong nandito na sila. Dahan-dahan silang bumaba sa bangka at niyakap ko ang mga kaibigan ko. 

"Kumusta?

"Ang tagal na nating hindi nagkita, Adelaide."

"Dito na pala kayo tumira kasama si Malcolm."

Ngumiti ako habang naglalakad kami at pinagmamasdan ang tahimik na Isla Haraya na walang kupas ang ganda. Umupo kami sa gitna kung saan nandoon ang bonfire na ginawa ni Malcolm. 

"Dito na rin kami tumira dahil sabi ni mama ay 'wag na raw kami lumayo. Kahit pa sabihin na maayos na ang lahat, hindi pa rin naalis ang pag-aalala niya na baka balikan kami ng mga tauhan ng dati kong asawa," sagot ko sa tanong nila. 

"Kung sabagay, hindi rin naman natin sigurado kung maayos na nga ba o hindi. He's so obsessed with you na kaya niyang pumatay ng tao na magtatangka na lumapit sa 'yo," sagot ni Elora. 

"Kaya nga e, sabi ko kay Malcolm dito na lang rin muna kami. Hindi ako natatakot para sa sarili ko ngunit ngayong may pamilya na ako, pakiramdam ko ay may nakasunod pa rin sa akin na hindi ko alam," sagot ko. 

"Gusto naming malaman ang buong pangyayari. Nandito na lang rin kami, bakit hindi mo i-kwento? Gusto naming malaman ang lahat, Adelaide. Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na pakinggan ka at malaman ang totoo dahil alam naming nagtatago ka kasama ang asawa mo," sagot ni Nathaniel.

Ngumiti ako at huminga ng malalim. Umupo ako nang maayos at nilingon si Malcolm na nasa veranda. Ngumiti ako at dahan-dahan na tumingin sa kanila. 

"Binenta nila ako sa isang kilalang Mafia Boss ng Italy... sa isang auction sa ibang bansa bilang asawa ng isang kilalang makapangyarihan sa Italy..."

Isla Haraya: Adelaide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon