Kabanata 9

352 4 0
                                    

Adelaide's Point of View:

I was working the whole day in this restaurant na pagmamay-ari ng isang businesswoman na si Miss Adalynn. Minsan ko lang s'yang makita at nagkataon naman na kailangan kong mag trabaho para kung sakali man na wala na akong mapuntahan, may pera akong hawak. Alisha doesn't want me to work because she can provide my needs and wants ngunit para sa akin na lumaki sa mahirap na buhay, ako mismo ang kumakayod para sa sarili ko. 

"Your painting is so amazing. Parang totoo ang pagkakagawa at ang mga kulay, pantay-pantay. Hindi kailanman nalalamangan ng ibang kulay ang ibang detalye," sabi ni Miss Adalynn. 

"Natutuwa akong nagustuhan mo po ito ma'am. First time ko pong i-drawing ang restaurant niyo dahil puro basic arts lang po ang ginagawa ko. Nakakahiya at inabot ng linggo bago ko natapos," nakangiting sagot ko. 

She shook her head and smiled sweetly. "It's okay. Hindi ko rin gusto na i-rush at i-pressure ka sa paggawa nito. Ako ang nag-request kaya dapat lang matuto rin akong maghintay."

Napangiti ako. She reminds me of someone I know from the past. It's been two weeks since I didn't see Malcolm at aaminin kong hinahanap ko s'ya ngunit kailangan kong panindigan ang sinabi ko. I was too dumb to realize that Andrius is a dangerous man because he's a mafia. Pwede s'ya nitong patayin o ilibing ng buhay. Pwede s'ya nitong ipapatay kung kailan nito gusto at kung makita niyang may kaagaw s'ya. Alam kong hindi niya ako gusto ngunit nakakapagtaka lang na hindi niya pa ako pinapatay. 

Ano kayang kailangan niya sa akin? Mahirap lang naman ako. Wala akong yaman o ari-arian sa iba't ibang lugar. Nakakapagtaka lang na hanggang ngayon ay buhay pa rin ako. 

"Table number 29. Paging, Miss Adelaide."

Mabilis kong kinuha ang tray at agad na naglakad papunta sa table na sinabi ng kasama ko. Nakangiti akong bumati sa mga tao at ang iba pa ay kilala ako dahil palagi kong kasama si Miss Adalynn. Nilapag ko ng marahan ang mga pagkain at agad na napatingin sa taong nasa table bago ako bumati. 

"Malcolm…" I was too stunned to speak when I saw him. He's with a girl at sa tingin ko, girlfriend niya ito o kaibigan. Napalunok ako. "Uh, ito na po ang order niyo. Enjoy your meal!"

Mabilis akong umalis doon at napahawak sa aking dibdib. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang table kung nasaan si Malcolm kasama ang babae. They're talking about something while there are so many folders on their table. He's very serious and the way he glanced at the girl, alam kong sobrang importante ang pinag-uusapan nila. Hindi ko na sila pinansin at binalik na lang ang paningin ko sa ginagawa ko. 

"Request dessert for table 29, Adelaide."

Napapikit ako at pilit na ngumiti bago iabot ang panibagong tray. Marahan akong naglakad at narinig ang pinag-uusapan nila. 

"Kaya ako kinuha ni lolo dahil dito. He wants me to guard you on everything you will do here on the Island. Gusto niyang magkaroon ako ng kaunting nalalaman tungkol sa babae."

"I can do it on my own, Abel. I can investigate her and have a lead from her."

"Kailangan mo rin—"

Natigil sila sa pag-uusap ng ilapag ko ang dessert nilang dalawa. Ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ni Malcolm. Mariin at nakakapaso ang mga tingin niya ngunit dahil ayaw kong makita ang mga mata niya, umiwas agad ako ng tingin. I smiled and bowed my head before leaving them. 

"You're Adelaide right?" Natigilan ako nang marinig ang boses ng babae. 

Dahan-dahan akong humarap at ngumiti. "Yes ma'am, I am." 

She smiled formally. "Do you have relatives here? Family?"

"Abel, stop," mariin na sagot ni Malcolm. "She has nothing to do with—"

Abel smiled at me and faced me. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari ngunit kinakabahan ako sa tingin niya. Para niya akong iniinsulto sa paraan ng pag tingin niya sa akin. 

"Senior high school graduates right? Education was your course—english teacher right?" tanong niya, seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. 

"Y-yes ma'am. Paano mo po nalaman?" kinakabahan na tanong ko. 

She smiled. "Wala naman. Kilala ko kasi ang may-ari ng restaurant na 'to and I read your bio data na pinasa mo."

Para akong nabunutan ng tinik kaya kinakabahan akong tumawa. Napalunok ako at napunta ang tingin ko kay Malcolm na nakatingin sa akin. His eyes became soft when he saw me staring at me. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at magalang na yumukod bago magpaalam. 

"Mauna na po ako. Enjoy your dessert."

Kinagabihan ay nasa kwarto lang ako habang kumakain. Pinapunta ako ni Miss Adalynn sa kanilang coffee shop at nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Nandito na si Malcolm at sigurado akong magtatanong na naman s'ya at kung anu-ano na naman ang sasabihin niya. Huminga ako ng malalim at napatingin sa telephone na nasa side table. 

I picked it up and placed it on my right ear. 

[Alisha, anak you need to surrender Adelaide to his husband. Hindi mo kilala si Andrius and if you keep on disobeying him, mapapahamak tayo. Our business, our plantation, our house, and other assets will be destroyed by Andrius.]

Natigilan ako at wala sa sariling napaupo sa kama. Hindi ito sinasabi sa akin ni Alisha! Sinabi niyang magiging maayos ang lahat at hindi na kailanman ako mahahanap ni Andrius. 

[Alisha, I know you're listening but as I always say, gagawin ko ang lahat to protect you and Adelaide. Ito ang huling pangako ko sa lahat ng nagawa kong mali sa nakaraan.]

Hindi ko na pinatapos po at agad na binaba ang tawag. Mabilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko at wala sa sariling napatingin sa cellphone ko. There were Andrius messages na hindi ko binabasa. Naka-off rin ang location at tracker ng phone ko na binigay ni Alisha. Nang sa ganun ay hindi niya ako mahanap. 

"Adelaide!"

Napatingin ako sa pinto at agad ko namang tinignan 'yon. Napapikit ako nang makita si Malcolm at agad kong binuksan 'yon at nakita s'yang hingal na hingal. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, narinig ko ang pag tunog ng cellphone ko. I'm sure it was Andrius. 

"Susunduin kita. Sa cabin kita matulog pagkatapos ng dinner with Miss Adalynn," seryosong sabi niya. 

"Ano—" Nagulat ako nang bigla s'yang pumasok at agad na kinuha ang cellphone ko. Pinatay niya 'yon at binato sa kung saan dahilan para mabasag ito. "Malcolm!"

He looked at me coldly. "I want you to have a divorce with your husband. Ako ang mag-aasikaso ng mga papel mo."

Isla Haraya: Adelaide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon