Chapter 8.

11 3 0
                                    

KATRINA POV.

Ng masilaw ako sa liwanag ng araw napa tingin ako sa orasan.

" 8:45 na pala." Sabi ko at gumulong pa pakaliwa at balak kona sana ulit matulog ng may maalala ako.

Dapat 7 palang gising kana.

Agad akong napa bangyon ng maalala ang sinabi ni darren, patay nako neto.

Dali dali akong bumangon at kumuha ng damit para maka ligo na, 10 minutes ako bago natapos at mabilis na nag ayos.

Dali dali akong bumaba at pumunta sa kusina para ipag timpla sya ng kape, nagulat panga si manang.

" Nay ano pong kape ni darren?." Natatarantang tanong ko.

" Kopiko black iha, naku bata ka late kana." Sabi ni manang.

" Sensya napo hindi po talaga ako sanay gumising ng maaga e, sige po nay akyat kona po ito." Sabi ko, tumango nalang sya.

Dali dali akong umakyat at ng maka rating sa tapat ng pinto ni darren agad nakong kumatok, nag intay ako pero wala parin kaya naisipan konang pumasok..

" Darren?." Tawag ko pero wala akong narinig na kahit anong ingay, binaba ko sa table yung kape nya at nilibot ang tingin.

" Grabe ang laki naman." Sabi ko at habang nililibot ko ang tingin napa tingin ako sa pintong bumukas.

" Antagal mo, mag katabi nalang ang kwarto natin late ka parin." Halatang inis na sabi nya.

Mag poprotesta pa sana ako ng mapansin kong naka topless sya at tanging tawel lang sa pang ibaba ang meron sya habang nag pupunas ng buhok.

Umay gulay, tamang tama di pako nag aalmusal daming pandesal.

" Ehem!." Agaw pansin nya sakin kaya napa kurap kurap ako at tiningnan na ang muka nya.

" Leave." Maotoridad na utos nya.

" Ah eh." Napa tingin nanaman ako sa pandesal nya, at biglang namula at napa iwas ng tingin.

" Pinag nanasaan mona nga ako gusto mopang makita kabuoan ko, leave miss Caesar! Don't dare to repeat my word!." Diing sabi nya.

" Yes sir! Lalabas na!." Sabi ko at napa takbo na, ng maka labas napa takip ako sa muka ko, grabe nakakahiya ka talaga Katrina.

Binatok batukan kopa ang sarili ko, nakakahiya talaga di ako maka get over sa ginawa ko.

Nag hintay nalang ako dito sa labas ng kwarto nya, di naman nag tagal at bumukas narin yung pinto at bumungad sakin ang seryoso nyang muka.

Naka damit narin sya wala na yung pandesal, ayts Katrina ang landi mo talaga, shutang pandesal kasi yan e.

" Come in." Sabi nya at nauna ng pumasok, sumunod narin ako at sinara na ang pinto.

Naupo sya sa kama at may mga papel ron, nilagay naman nya ang laptop nya sa lap nya.

Ng mapansin nyang di pa ako umuupo tiningnan nya ako, baka kasi pag umupo ako sa kama nya magalit sya, pag sa sahig baka masabihan ako na di ako nag iisip at dapat sa kama, kaya nalilito ako, kung sa sofa masyadong malayo sa kanya.

" Bakit naka tayo kapa? Sit." Utos nya..

" Saan?." Tanong ko, napa hilot naman sya sa noo nya..

" Sa bubong, baka pede pa." Inis na sabi nya, napa simangot naman ako.

" Katrina common sense naman, malamang dito sa kama." Inis na sabi nya kaya naupo nako sa kama nya.

" Dahil late ka tapusin moyan ngayon." Sabi nya at nilapit yung kumpol kumpolan na papel.

I'm the queenWhere stories live. Discover now