Chapter 34.

9 1 0
                                    

KATRINA POV.

" Ma! Marcus!." Tawag ko sa kanila na nag didilig ng halaman, bigla naman silang napa tingin sa gawi namin at lumiwanag ang muka.

" ANAK!."

" ATE!." Masayang sigaw nilang pareho at tumakbo para yakapin ako.

" Mama!." Naiyak nalang ako dahil sa pag kamiss sa kanila..

" Nandito lang pala kayo, kung saan saan ko kayo hinanap." Sabi ko..

Ng kumalas na sila sa pag yayakapan namin ay ngumiti ako at bahagyang ginulo ang buhok ni Marcus..

" Ano palang ginagawa nyo dito? Ikaw Marcus? Kamusta pag aaral mo? Nag aaral kapa ba?." Tanong ko, ngumiti naman sila.

" Oo naman ate, sa totoo nga nan si kuya Darren ang nag papaaral sakin." Sabi nya kaya tiningnan ko si darren at tumingin ulit sa kanila..

" Mag hahanda lang kami ng almusal nyo." Sabi ni mama at umalis na sila, kami nalang ni darren ang naiwan dito.

" Bakit sila nandito?." Tanong ko habang nasa kawalan ang tingin.

" Nabalitaan kong pinalayas sila, kaya hinanap at dinala ko sila dito, hindi ko naman sila peding pabayaan." Sabi nya kaya tiningnan kosya ng seryoso..

" Bakit hinde?." Tanong ko na ikina kunot ng noo nya..

" Bakit? Syempre pamilya mo sila, mahalaga sila sa iyo."

" Ano naman sayo? Diba wala ka namang pake sakin? Bakit mo sila tinulungan?."

" Bakit parang galit kapang tinulungan ko sila?."

" Salamat dahil pinatuloy mo sila dito, kukunin kona sila." Sabi ko at aalis na sana ng kapitan nya ang braso ko.

" Katrina." Mahinahong sabi nya, binawi ko ang braso ko at hinarap sya.

" Hindi ko alam kung bakit mo sila tinulungan, sa totoo lang kasalanan ko naman talaga kung bakit sila pinalayas, dahil wala ako sa tabi nila, babayaran nalang kita sa pag papatuloy sa kanila dito."

" Bakit kaba ganyan?." Tanong nya, hindi kosya sinagot..

" Katrina.."

" Kasi naiinis ako!." Sabi ko sa kanya kaya natahimik sya.

" Hindi ko gustong mas mapalapit ang pamilya ko sayo, dahil pag kasal nako, dapat lang na lumayo na ako sayo ng hindi na bumalik ang nararamdaman ko para sayo dati." Sabi ko at aalis na ulit sana ng hawakan nanya ang kamay ko..

" Wag.." Sabi nya kaya nilingon kosya.

" Ano?."

" Wag kang mag pakasal sa kanya." Sabi nya habang naka tungo kaya di ko makita ang expression nya.

Hindi ako naka imik sa sinabi nya, naka titig lang ako sa kanya habang iniisip ng paulit ulit ang sinabi nya..

" B-bakit? Bakit moko pinipigilan ngayon?." Tanong ko kaya humigpit ang kapit nya, pero hindi koyon ininda kundi inabangan ko ang sasabihin nya.

" Kasi mahal kita." Sabi nya sabay tingin sa mga mata ko.

Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ang katagang yon mula sa kanya.

Napa tungo ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko, hinde.. hinde peding bumalik ang nararamdaman ko sa kanya, ang tagal kong nag hirap para maka move on.

" Baka nabibigla kalang kasi nasanay ka siguro sa kakulitan ko a___."

" Hinde! Mahal na kita mula pa ng pumalit ka ng pansamantala sa secretary ko." Sabi nya na ikina kabog ng todo ng puso ko..

I'm the queenWhere stories live. Discover now