Chapter 22.

8 3 0
                                    

KATRINA POV.

Pumasok kami sa isang kweba dahil nag sisimula ng umulan, niyakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig.

Lumayo rin ako kay darren dahil ayoko syang maka tabi, hindi pako maka move on sa halikan nila ng betty nayon.

" Nilalamig ka?." Tanong nya, Hindi kosya sinagot, obvious naman kasi tina tanong pa.

" Kasalanan mona yan, kung hindi kaba naman tumakas edi sana hindi tayo nag titiis dito." Sabi nya, tiningnan ko naman sya.

" Ays.. kasalanan koba? Sorry ah! Hindi ko alam na magnet ka pala, kung nasaan ako nandon karin." Sarcastic na sabi ko.. tama naman ako, kung hindi sya sumunod edi sana wala kami ngayon dito.

" Totoo naman, aminin monang kasalanan mo." Sabi nya..

" Edi ako na, pero wag mong isisi sakin kung bakit ka nandito ngayon, ikaw ang kusang sumunod!." Bulyaw ko sa kanya.

" Aba! Dapat lang na mag kasama tayo, baka nalilimutan mo yung utos ko sayo." Pag papaalala nya kaya napa irap ako.

" Sinabi kona, ayokong makasama ka, lumayo ka!." Sabi ko at umusod pa palayo sa kanya.

" Grabe.. pasalamat kanga at binigyan pa kita ng pag kakataon makasama ako, hindi ba't baliw na baliw kang makasama ako?." Pang aasar nya sakin kaya tiningnan kosya ng masama.

" Alam mo, ang lamig lamig nanga dinadag dag mopa yang kahanginan mo, pag yang ulo mo nahanginan bahala kana, ewan ko nalang kung makapag isip kapa ng matino." Irap ko sa kanya at tumingin sa lupa na nababasa na ng ulan.

" Pano kung nahanginan nanga?." Kakaibang boses na sabi nya kaya napa tingin ako sa kanya.

" Hoy!." Bigla akong kinabahan ng naka ngisi syang guma gapang papunta sakin king ina!

" Darren! Hindi ako natutuwa!." Sabi ko at siniksik na ang sarili sa pader.

" S-subukan molang! Hindi ako mag dadalawang isip na ___."

" Na?." Nang aakit na tanong nya, ng maka lapit sya hinarang nya ang dalawang braso nya sa mag kabilang gilid ko.

" P-pag tinuloy moyan! Kalilimutan kong mag kakilala tayo!." Kina kabahang sabi ko ng unti unting luma lapit ang muka nya.

" Pag hinalikan moko ngayon, hindi na kita hahayaang bumalik kay betty." Sabi ko habang naka pikit, ramdam kona rin na malapit ng mag lapat ang labi namin.

Nag intay pako ng ilang minuto at nagulat ako ng bigla nyang hinalikan ang leeg ko kaya natulak kosya.

" Ano bang ginagawa mo!?." Bulyaw ko sa kanya habang kapit ang leeg ko.

" Wala, ang bango mo kasi." Sabi nya habang naka tingin sa baba, napa lunok naman ako kasi biglang nag init ang katawan ko..

" Tss.." Asik ko at tumingin nalang ulit sa lupa..

" Hindi moko hinalikan." Sabi ko habang naka tingin sa lupa.

" Kasi ayaw mong mapalayo kay Betty." Naiiyak na sabi ko, tumingin ako sa ibang diretsyon at pinahid ang luha ko.

" Talaga bang wala akong halaga sayo?." Tanong ko at niyakap ang tuhod ko dahil sa lamig, pinunsan ko ang luha ko pero tuloy tuloy na ang baksak ng luha ko.

" Bakit ba sa tuwing lalayo ako bigla ka nalang lumalapit? Pero pag lalapit ako bigla kang lalayo, ang hirap mo namang abutin." Sabi ko at nag simula ng kumibot ang labi ko kaya sinubsob ko ang muka ko sa tuhod ko.

" Masaya kaba talaga na nakikita akong nahihirapan? Alam mo naman kung gaano kita kagusto, bakit moko kailangan ganitohin? minahal lang naman kita, hindi yon kalasanan, masasabi molang kasalanan ang pag mamahal kung mamahalin mo ang taong kasal na." Sabi ko.. huminga ako ng malalim para makapag salita ulit.

I'm the queenWhere stories live. Discover now