31 - The One With The Province Vacay Pt. 3

38.4K 1.4K 4.6K
                                    


Canon Rock guitar cover above :))

-------------------


Chapter 31 - The One With The Province Vacay Pt. 3


Nang makalabas ng bahay ay inilibas ko ang phone kong nakalagay sa bulsa ng suot kong jogging pants. Alas otso na ng gabi, pero halos lahat nasa reception parin ng kasal ni Julie, di pa nagsisi uwian. Muli kong ibinalik ang phone sa bulsa at nagsimulang maglakad papalayo sa bahay ni lola.


Umuwi kasi ko para maligo at magpalit na ng pang tulog. Napagod kasi ko kanina dun sa reception! Kakapagod talaga pag family reunion, halos lahat ng kamag anak, kahit yung malalayong kamag anak, puro tanong kung kamusta ka na? Anong trabaho mo? May asawa ka na ba? Anak? Hatdog. Nakakapagod ngumiti sa kanila buong araw. Yung iba nga di ko na maalala kung sino kahit pa kini-claim nila na kadugo nila ko.


Malapit lang mula sa bahay nila lola yung reception area. Ayaw ko na sanang bumalik dun at plano ko sanang matulog na ng diretso, kaya lang syempre, bukod sa sarili ko, may isa pa kong kargo at iniisip. Yung pinakamaganda kong amo. 


I couldn't help but smile just thinking of her. Kanina kasi, plano ko talaga isama siya pabalik sa bahay nila lola at iwan na lahat ng tao dun sa reception. Mukhang willing naman siya sumama sakin, kaya lang, may kasama kaming saksakan ng epal, si Riley syempre. Bago pa kami makaalis kanina sa reception ay nakita niya kami. Ayun, kinidnap si Thera. 


Binilinan ko nalang si Georgie na tignan tignan niya si Odette at dadagdagan ko pa yung ibibigay ko sa kanya. Nag request ba naman ng diamonds yung bata. Medyo kinabahan pa ko dun sa diamonds na sagot niya, yun pala something rin yun sa loob nung game. 


Natigilan ako habang naglalakad at napayakap sa mga braso ko nang biglang umihip ang malamig na hangin. Maling desisyon atang nag t-shirt lang ako. Nasa Baguio nga pala kami. Ano bang naisip ko at di ako nagdala ng jacket? Bagong ligo pa naman ako! 


"Pota, ang lamig..." my voice is trembling. Di pa naman ako nakakalayo gaano sa bahay, kaya lang nakakatamad magpabalik balik lalo pa't aakyat pa ng hagdan papunta sa kwarto.


Kaya imbis na mag inarte, titiisin ko nalang. Pag nakarating ako sa reception, susunduin ko lang si Thera tapos matutulog na talaga kami...


Sa kanya kanyang kwarto, syempre. Pero tutal nag eenjoy yung iba sa reception, baka pwede din namang tabi---


"Bakit kasi wala kang jacket? Nilalamig ka tuloy." mabilis akong napalingon sa taong biglang nag salita sa may bandang likuran ko. Hindi ako agad nakapag react dahil bukod sa bigla siyang sumulpot sa tabi ko ay may ipinatong din siya sa balikat ko na siyang nagdulot ginhawa sa mga braso kong nilalamig.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now