68 - The One With The Final Chapter

36.3K 1.7K 6.3K
                                    

Chapter 68 - The One With The Final Chapter

4 years after...

(December 18)

-Skylar's Point Of View-

Exhausting...

Sa ganong salita ko mapapaliwanag ang kabuuan ng araw na 'to. Tulad ng iba pang mga araw, nakakapagod, sobra. Dumadating yung mga araw na gusto ko nalang wag nang bumangon sa higaan. Hayaan yung pagod na tuluyan akong lamunin o di kaya wag ng gumising. Pero iba...

~I still remember the look on your face
Lit through the darkness at 1:58
The words that you whispered for just us to know
You told me you loved me
So why did you go away?~

Iba yung bigat at pagod na nararamdaman ko ngayong araw. Yung tipong parang hinihintay ko nalang mawalan ako ng malay para makatakas sa sakit na nararamdaman ko. Pero kailangan...kailangan ko parin maging matatag. 

~Away~

Kailangan ko parin bumangon...

~I do recall now, the smell of the rain
Fresh on the pavement, I ran off the plane
That July ninth, the beat of your heart
It jumps through your shirt
I can still feel your arms~

Kasabay nang pagbaba ko sa hawak kong ballpen ay ang pagpapakawala ko ng malalim na hininga. Mula sa prenteng pagkakasandal ko sa swivel chair, tumayo ako't hinubad ang suot suot kong itim na coat. 

Now I'm left with my white spaghetti strap. I walked near the whole body mirror and looked at my figure. Short hair brown hair that's above my shoulders, eye glasses. 

And then I focused on on my left arm. I look...paler than usual. 

~But now I'll go
Sit on the floor wearing your clothes
All that I know is I don't know
How to be something you miss~

Kung ako papipiliin, mas gugustuhin ko nalang sana mahiga sa kama ko buong araw. Pero hindi pwede dahil meron akong mga responsibilidad. Kahit nahihirapan ako, I need to do my job and be productive. I need to pretend that I'm okay and present myself to everyone looking strong and fine. But deep inside, I want to cry.

Gusto ko na namang maiyak. Ang sakit

Kahit ang tagal na, ang sakit sakit parin...

~I never thought we'd have a last kiss
I never imagined we'd end like this
Your name, forever the name on my lips

Iba talaga yung epekto sakin...

Ng pisteng injection na yan!

Ang sakit talaga pag bagong turok ka, tangina! 2 days ago na nung nagpaturok ako pero ang sakit parin ng braso ko. Ang masama pa diyan, 2 days na kong tinatrangkaso tapos sasabihin sakin nung doctor normal lang daw tapos niresetahan lang ako ng Biogesic?

Sige! Kayo kaya maraming responsibilidad tapos lalagnatin sa turok? Diba? Badtrip!

Si mama kasi eh! Pinilit pilit na magpa inject ako ng Pneumococcal vaccine eh! Dahilan niya pa, kasi daw nadidinig niya kong umubo. Jusko, tumitikhim lang naman ako. Kagustuhan niya lang may kasabay magpa turok! Mga impluwensya kasi sa kanya nung barkada niyang si Marites eh. Sabi ba naman sa nanay ko available na daw ulit yung pneumococcal sa center tapos libre lang kaya daw paturok kami

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon