Chapter 3

293 21 7
                                    

Naglalakad na silang tatlo ngayon ni Regina, Rich at Narda papunta sa canteen. Napagdesisyunan kase ni Narda na antayin ang dalawa sa ground floor para sabay sabay na silang pumunta sa canteen.

"Andami pa nating kukuhaning members. Pero ayos na yun, I think they can help us. Alamin lang natin ang background nila. We need to be wise in picking our members." Seryosong sabi ni Regina.

Mahahalata mo talagang HUMSS student si Regina dahil magaling itong magdeliver ng mga words at talagang matalino ito. Nagtataka na nga ang dalawa kung anong gatas ang iniinom ni Regina, baka sakaling makatulong ang gatas para magkaroon sila ng katalinuhang meron si Regina.

"Let's help each other so we can finish this work quickly." Dagdag pa nito.

Pumili sila ng student kada section at balak nilang maginterview ng para malaman kung okay ba ang mga napili nila.

"So the treasurer, auditor, P.I.O and two protocol officers. I will assign you Narda to know the background of the protocol officers na mapipili natin. Rich, sa auditor ka and sa treasurer na ako. For the P.I.O, I know someone already."

Tumango ang dalawa at nagsimula na silang pumili ng isang studyante. Tig-iisa sila para may choices if ever na hindi masyadong okay yung isa. Mabilis lang silang nakapili dahil tulong tulong sila.

"Okay, we still have time to do this interviewing, I need your update tomorrow at lunch ladies. Remember to eat something para may lakas." Sabi ni Regina at nagsimula na silang maghiwa-hiwalay para gawin ang task.

Since tanghali na ay nasa kanya-kanyang room na ang mga afternoon class students, kaya naman nalaman nila agad ang mga ganap sa napili nila.

Natapos nilang tatlo interviewhin ang mga nasa panghapon, kaya naman, nabawasan ang task nila.

Nang matapos ni Rich ang interview ay dumiretso lang sya sa classroom nila at kumain ng biscuit. Si Narda naman ay pumunta lang sa favorite spot nya at nagrelax dahil may 20 minutes pa sya para magpahinga sa bench, kinuha nya ang phone nya at nag-alarm.

Pagkatapos naman ni Regina sa task nya ay pumunta sya sa classroom nila. The usual, si Ali na nag-aabang sa kanya habang may dalang biscuit.

"Hey Ali!"

Niyakap nya ito at binigay ni Ali ang biscuit kay Regina.

"Nakapili na ba kayo ng iba pang members?" Tanong ni Ali.

"Yeah, nagtatanong tanong pa kami sa students about sa mga napili namin because we want to make sure if okay ba yung napili namin or what."

Tumango naman si Ali. "Bakit hindi kayo magkasama ni Narda ngayon?"

"Hindi ko na alam kung nasaan sya ngayon, kung nagiinterview pa ba o ano. We three parted ways after discussing about the members. We decided to do the task quickly, so we can move on to the next steps."

"May mga pang-umaga bang napunta kay Narda?"

"Yes, bukas nya pa yun maaacomplish. Sinuggest nya kasi na isang pang-umaga at isang pang-hapon ang protocol officer, so sya ang inassign ko dun. I think mas better if karamihan sa officers ay pang-umaga, kase imagine, may gagawin yung pang-hapon at kailangan maaga syang pumasok. Papasok sya ng maaga tapos ang uwi nya gabi na, I am worried. Mas nauuna pa nga tayong lumabas kesa sa kanila."

Ngumiti si Ali sa kanya. "You will be the best president if you ever win."

"How can you say that?"

"Well, kinukwento mo palang sakin ang mga balak mo at mga thoughts mo hanga na agad ako sayo. Most of your ideas nag-aagree ako."

Tadhana Where stories live. Discover now