Chapter 10

285 24 28
                                    

Regina woke up because of her alarm. Kinapa nya ang phone nya sa lamesa at binuksan ang messenger.

Nakita nyang nagmessage si Narda ng goodnight kagabi. Hineart nya ito at balak nyang batiin ng goodmorning sa chat, pero naisip nyang mas maganda kapag nagvoice message sya.

Humikab muna sya bago magrecord. "Goodmorning, Narda." She greeted with a husky voice, since kakagising nya lang.

Pagkasend ng voice message nya ay ngumiti sya at bumangon na. Pagkatapos nyang maligo, magbihis at kumain ng almusal ay nakita nya sa labas si Ali.

"Ali! Goodmorning." Masayang bati nya dito at nakipagbesohan kay Ali.

"Mukhang good mood ka ah?" Nakangiting sabi ni Ali.

Regina shrugged while still wearing her atrractive smile and hopped in the car.

When they arrived, paglabas palang ni Regina ng kotse ay naririnig nya na agad ang mga bulong ng mga estudyante.

And suddenly, may umakbay sa kanya. Akala nya ay si Ali, pag tingin nya, it's Narda. Her heart beat fastened as she realized how close their faces with each other.

"O-oh, it's you pala, Narda." Regina shyly said.

Binigyan naman sya ni Narda ng napakatamis na ngiti. "You're gorgeous."

Namula naman ang buong mukha ni Regina. "Thank you. You as well, handsome yet beautiful."

Bigla namang nagpapogi si Narda. "Lagi naman eh."

Tumawa lang si Regina at napansing parang hirap na hirap si Narda na akbayan sya kaya hinawakan nya nalang ang kamay nito, habang ang shipper nilang si Ali ay tahimik na kinikilig.

Marami naman ang mga estudyante na kinikilig habang sila'y naglalakad ng magkahawak ang kanilang mga kamay. Sa sobrang dami ng rumor ng dalawa ay halos lahat ng estudyante ay naging shipper na.

Hindi naman nila napapansin ang mga bulungan dahil normal na iyon sa kanila, pero ang hindi nila alam ay iba na ang rason kung bakit sila nagbubulungan.

"I think I forgot something." Sabi ni Regina at pilit nya itong inisip, hanggang sa maalala nyang kasama nga pala nya si Ali. "Shoot, Narda. Si Ali!"

Pagharap ni Regina sa likod nya ay nabangga sya sa katawa ni Ali. Expected nyang mahuhulog sya pero nasalo sya agad ni Ali.

It's painful to Narda's eyes. Her heart suddenly beats painfully as she watches the two being in each other's arms.

"Regina, okay ka lang ba?" Tanong ni Ali kay Regina na nakapikit.

Napamulat naman ito at bakas ang pagaalala sa mukha ni Ali. Nang matauham sya ay tumayo sya ng maayos at inayos ang sarili.

"I'm okay, Ali. Ikaw? Sorry, I was about to search for you kaso nasa likod lang pala kita."

Ali smiled. "It's alright. Hindi ka ba nasaktan? Yung paa mo hindi ba masakit?"

"No, Ali. Just like what I've said, I'm fine. I'm really sorry."

"Okay lang, Regina." Ali smiled and patted Regina's head.

Umubo naman si Narda. "Uhm, dito na ako. Ingat kayo."

Pagsapit ng lunch break ay hindi nakita ni Regina si Narda. Balak nya sanang sumabay rito. Nilibot nya ang buong campus pero hindi nya nakita si Narda. Hanggang sa pumasok sa isip nya ang favorite spot nila, pero hindi parin nya nakita si Narda. Nagsimula syang mag-alala dito, kaya naisipan nyang magtext kay Narda.

Regina
Narda, where are you? Nalibot ko na ang buong campus pero hindi pa din kita nakikita.

After few minutes ay wala pa ding chat si Narda kay Regina at nag-alala pa lalo si Regina sa kanya.

Tadhana Where stories live. Discover now