Chapter 15

232 15 21
                                    

Umagang kay pagod! Yung tipong kakagising mo palang pero feeling mo ay pagod kana dahil naiisip mo palang ang gagawin sa school, naiistress ka na.

"Ali, Narda is still not here?" Tanong ni Regina.

Lagi kasi silang sabay ni Narda pumasok, nagkakasabay sila kahit hindi nila planong pumasok ng ganun kaaga.

"Baka late lang si Narda ngayon." Sagot ni Ali.

"It's strange. She's always early, earlier than us." Regina shrugged. "Should we wait for her?"

"Chat mo kaya? Baka kasi maghintay tayo sa wala. Sayang naman ang oras, may gagawin ka pa."

"Okay! I'll send her a message while we're walking."

Ali nodded. "Sige, guide nalang kita."

Regina
Narda? Are you going to be late?

"Chinachat mo na?" Tanong ni Ali.

"Yes, nasend na yung chat ko."

"Online ba?"

Chineck naman ni Regina. "Active 2 minutes ago." Bigla namang nagvibrate ang cellphone ni Regina.

Narda
Wag mo na ako hintayin, mauna ka na.

Ali saw how Regina frowned, Narda must have told her something, he thought. "Ano daw sabi Reg?"

"She told me to not wait for her." Regina said while still frowning.

Regina
Why? Is there something wrong?"

After a few minutes, Narda replied.

Narda
Hindi ako makakapasok ngayon.

Regina
Are you sick? What happened?

Regina's face dropped. "Ali." She weakly called. "Narda can't come to school."

"Bakit daw?"

"I'm still asking her." Sabi nya naman, at nagvibrate na ulit ang phone nya.

Narda
Ang sakit ng kuko ko.

Regina smiles. "What the heck? I am sick worried of her and then ganto lang ang isasagot nya."

"Anong sabi?"

"Masakit daw kuko nya." Regina said while smiling widely.

Ali laughed. "Nagbibiro pa talaga sya sa state na yan ah?"

"I know right."

Narda
I know you're probably smiling right now, I am sick. Hindi ako makakapasok.

Regina
Take care, Narda. You have fever?

Narda
Yeah, may lagnat ako.

Naisip naman ni Regina puntahan ito mamayang lunch at dun kumain kila Narda, pero naalala nyang may gagawin pa sya at kasabay pa nya ang mga officer.

Regina
I really want to go there at lunch, but I still have things to do.

Narda
Sa room ka ba maglalunch?

Regina
Maybe, or sasabay ako kila Luke later.

Narda
Stay at your room. May lunch ka ba?

Regina
Wala, baka magpabili nalang ako kay Ali later ng lunch ko, since gusto mong magstay ako sa room.

Narda
Alright, stay ka lang sa room, mainit ang panahon. Baka mamaya magcollapse ka pa dyan, wala pa naman ako para saluhin ka. • .-

Tadhana Where stories live. Discover now