SS 4: Identity Revealed

8.6K 151 2
                                    


WRITTEN BY:PINKANIMEKAWAII

 

 

SS 4 : Identity Revealed

 

 

[ Krizzia's POV ]

 

 

" Ikaw talagang bata ka ! Ano bang problema mo at palaging nadidisgrasya ka ? " grabe ! Kanina pa ako sinesermonan ni Mama. Nakakahiya na sa mga nurse. Natatawa sila sa akin.

Kainis naman. Sabi ng doktor, hindi daw ako makakalakad ng mahigit isang buwan. Ngayong linggo sa hospital muna daw ako. Nakakatawa daw ang itsura ko sabi ni Potchi. Paano ba naman kasi nagkabali-bali yung buto ko dahil sa pagkalaglag ko.

At ngayon, naka cast ang paa ko kamay ko, leeg ko. At ang masaklap pa, kinuhanan ako ng litrato ni Potchi at pi-nost sa FB. Kakahiya talaga. Tawa pa siya ng tawa nung umalis siya dito sa ospital.

Oras lang na makalabas ako ng ospital na ito, sasabunutan ko ang lungs nung baklang yun. Malanding frog ! Pinakita niya sa madlang pips ang kahiya-hiya kong kalagayan. 

Nabo-boring na ako dito sa ospital. Wala akong magawa. At idagdag mo pa, hindi ko  maigalaw ang katawan ko. Nakakainis kasi si Potchi eh. Kung hindi niya ako niyayang pumunta sa bahay ni Nate, edi sana kumakain ako ngayon sa canteen kasama ang bestfriend ko.

[ Francis Drake's POV ]

 

 Bwahahaha ! Natatawa aketch sa looks ni sisteret. Mukha siyang binugbog ng isang gang o kaya naman nadamay sa isang major accident. OA much naman kasi si mother eh. 

Pinagtripan ko pa siya. Habang naka cast yung kamay, paa, at leeg niya, kumuha ako ng picture niya at pinost ko sa FB. Tawa ng tawa ang mga Friendship ko. Mukha pa siyang butiki doon. 

Habang papalabas aketch ng ospital, may narinig aketch na name. Napabalik tuloy ako sa ospital ng wala sa oras.

" Kawawa naman si Papa Nate. " dahil sa narinig ketch, naging stalker mode ang beauty ketch. Siyempre kailangan kong marinig ang iniispluk ng mga bruhang frog tungkol kay Papa Nate my Love.

" Kaya nga eh. Di ba dito yung room niya ? " tanong nung isang frog. Mga buysit itong mga nakakalokang frog na ito. Sana naman walang masamang nangyari kay Papa Nate. Kasalanan namin yun eh.

Pumasok na yung mga frog sa private room ni Papa Nate. Mga ilang sandali lang, nakita ko na yung mga chakang frog na lumabas. Kinikilig ang mga loka. Tapos bigla silang natigil nung makita nila ako.

She's Scary ( completed )Onde histórias criam vida. Descubra agora